" At bakit ko sasabihin sa'yo? Aambunan mo ba ako ng yaman ng Tatay mo kapag nalaman mo kung sino siya?" pabalang na sagot sa akin ni Tiyong. " Hindi! Ayoko!" Iritableng napakamot ako sa kilay ko. "Mas lalong hindi naman ako papayag sa gusto mong mangyari Tiyong! Kamuntik mo nang mapatay sa bugbog si Vanessa. Kung ayaw mong sabihin eh di huwag! Wala ka sa posisyon para humingi ng kahit na anong kondisyon," gigil na sagot ko. Kanina ko pa ito paulit-ulit na tinatanong pero ayaw niya talagang ibigay ang hinihingi kong impormasyon. Ang gusto nitong mangyari ay tulungan ko itong makalaya kapalit ng pangalan ng tatay ko na ayaw ko namang gawin. Tuso si Tiyong Henry. Kahit na pumayag ako sa nais nitong mangyari ay hindi pa rin ako nakakasiguro na ibibigay nito ang hinihingi ko. Isa pa, ang

