Lumangitngit ang pinto at lumikha ng nakangingilong tunog ng itulak ko iyon pabukas. Ang madilim na sala ng bahay ang bumungad sa akin. Humakbang ako papasok. Kinapa ko ang switch ng ilaw ngunit hindi iyon lumiwanag. Mukhang putol ang linya ng kuryente. Iniikot ko ang paningin at naghanap ng maaring gamiting pang-ilaw ngunit wala akong nahanap. Inilabas ko ang aking cellphone at pinailaw iyon. Ang mga lumang kasangkapan at walang kaayusang silid ay mas naging klaro sa aking paningin. Bumaha ang mga nakatagong alaala sa aking isipan ng ako ay naninirahan pa rito. Dito ako dinala ng mga paa ko. Sa maliit at lumang bahay ni Tiyang Thelma. Naisip ko na kung totoo ang sinasabi ni tiyong ay maaring may alam nga si Tiyang kung sino ang tunay kong ama. Nilapitan ko ang lumang cabinet na nagsis

