"Matagal ninyong itinago ang katotohanan pero lumabas pa rin. What makes you think that Drix won't find out all about these? It is only a matter of time before that happens. Hindi ko maipapangako nasa oras na magkita kami ay hindi ko masabi sa kanya ang mga bagay na nalaman ko ngayon. Mas makabubuting sabihin 'nyo sa kanya ang totoo. I am sure Drix will understand. Mahal na mahal niya kayo," sagot ko sa pakiusap ni Tita Lucy. Fear etched through her face. " Hindi mo ako naiintindihan hija. Malaki na ang pinagbago ni Drix simula ng mawala ka. Ramdam ko na may hinanakit siya. Lalo na kay Alejandro dahil sa hindi pagsasabi kung nasaan ka. Baka hindi na sila muling magkasundo pa kapag nalaman niya ang totoo. Natatakot ako Rosallie. Mahal na mahal ko si Drix. Ayokong pati sa akin ay mamuhi

