Bumalik ako sa hotel. Agad kong inempake ang mga gamit ko. Kailangan ko ng makaalis rito. Ayokong magkaabutan pa kami ni Drix. He has an access to my room. Kaya walang silbi kung magmumukmok ako rito at maghihintay na lang hanggang sa dumating ang oras ng flight namin pabalik ng Maynila. Sumakay ako ng taxi papunta sa terminal ng bus. Maswerteng may papaalis na bus akong naabutan. Nakasakay ako agad. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng hand carried bag. Nagpadala ako ng mensahe kay Jack. Baka kasi hanapin ako no'n. Wala akong maisip na dahilan na pwedeng sabihin. Kaya ini-off ko na lang ang cellphone ko para di na niya ako tawagan. Sumandal ako sa salaming bintana. Hindi punuan ang bus na nasakyan ko kaya nakapili ako kung saan ko gustong umupo. Tulalang napatitig ako sa labas. Ba

