" May hinahanap ka ba Allie?" puna sa akin ni Jacquelyn. Napalingon ako dito. " H-ha? Wala!" tanggi ko. " Kanina ka pa kasi lingon-lingon diyan. May gusto ka pa bang pagkain? Gusto mo pa bang umorder?" Umiling-iling ako. "Hindi, wala! okay na ako," sagot ko. Yumuko ako at pilit na ibinaling ang atensiyon sa pagkain sa aking harapan. Napansin siguro nito na kanina pa ako palinga-linga. We are having a sumptous lunch at the resort's native restaurant. Iba't ibang Wala naman talaga akong gustong idagdag na kainin. Hindi ko na nga maubos ang nasa plato ko. Masarap naman ang pagkain kaya lang wala akong gana. Pinilit ko na lang na ubusin ang nakahain sa akin. Baka usisain na naman ako ni Jack. Matapos mananghalian ay nagkayayaan na magjetski ang mga kasama ko. Tumanggi ako. Bumalik a

