"Miss, may hinahanap akong pasyente. Dixie Rose Rivera," ani ko sa nurse pagdaan sa nurse station. "Nailipat na po ng kwarto Ma'am" sinabi nito ang room number bago kami patakbo akong tumungo sa elevator. Hindi ko na nahintay pang bumukas iyon kung kaya't nagpasya akong gamitin ang hagdan. Nanatiling nakasunod sa akin si Drix. Hinihingal na dumating ako sa pakay na silid. "Diday!" humahangos na sambit ko. Nakaupo ito sa kama habang akap ang isang manika. Ang mag-asawang De Agassi na nagbabantay dito ay napatayo nang makitang pumasok ako. Napako ang kanilang tingin sa amin partikular sa kasama kong dumating. I saw how they become tense with his presence. " Mama!" masiglang tawag ni Diday sa akin. I felt relieved when I saw her sweet smile. Naupo ako sa tabi ni Diday at mahigpit itong n

