IT HAS BEEN A WEEK. Desperada kong kinontak ang cellphone number ni Kyn sa mga nagdaang araw at tuntunin kung saang lupalop siya nagtatago, subalit nalaman ko na agad na pala siyang nakalabas ng bansa nang hindi man lang sinasabi kahit kanino kung saan siya pupunta.
Malakas kong binasag sa pader ang cellphone ko sa isiping matagal na niyang pinaplano ang makipaghiwalay sa akin! At wala man lang akong kamalay-malay!
“Kailan pa?! Kailan mo pa ako balak iwan?!”
Nagsisigaw ako sa sa sariling kuwarto habang pinagbabasag ang anumang mga bagay ang naaabot ng kamay ko! Paos na paos na ang aking boses sa kasisigaw at pagwawala dulot ng mga nangyari.
For seven f*****g years we’ve been together, how can he just throw it all away? How can he act as if he doesn't love me at all after achieving success in his company?
Hindi ako naniniwala na hindi niya ako minahal. Lahat binigay ko kaya wala dapat siya na nasasabi! Binigay ko ang kayamanan ko, p********e ko, at buhay ko! What else is he still looking for? He should have been grateful! He should have grown dependent on me! Because, in the first place, he was nobody without me.
Why is everything the opposite of what I expected it to be? I can’t believe it!
“MINA!!” Bulyaw ko sa loob ng kuwarto at mula sa labas ay natataranta siyang pumasok.
“Yes, Miss Llewellyn!” Her eyes aren't shocked at all to see the mess I made with my room, for it is the norm in my mansion. What could be more shocking is when everything is organized after Kyn leaves.
"Contact Kim and tell her how upset I’ve been until now." nahilot ko ang aking sintido. “Regarding the partnership agreement she was talking about, tell her I need more time to think about it.”
Kim is Kyn’s older sister; she wanted to start a business partnership with me, but it was she who needed me most. Now that I am in a critical relationship with her little brother, I’m afraid I need to shake her a bit to convince him to come back to me.
“Yes, Miss!” Kaagad na lumabas ng kuwarto si Mina.
Naupo ako sa kanto ng magulo kong kama at napahilamos ng mukha.
Kyn will not listen to me if I don't do anything. Hindi na umuubra ang pagmamakaawa ko sa kaniya. Binigay ko na lahat sa kaniya pero mukhang hindi ko siya mapapanatili sa ganoong paraan, kaya bakit hindi ko naman subukan na may bawiin sa kaniya?
Sa oras na mayroong mangyari sa kumpanya niya at ng pamilya niya, hindi ba’t muli na naman niya akong kakailanganin? Kapag nangyari ‘yon, sisiguraduhin kong makukuha ko na rin ang gusto ko.
Napatingala ako sa mataas kong kisame at malalim na nag-isip sa maaari kong maging plano sa hindi mabilang na beses.
Subalit hindi ako makapag-isip nang maayos dahil parang paulit-ulit na nilalamutak ang puso ko. Kusa na lamang nagsipag-bagsakan ang mga luha sa dalawa kong mata at pinalabo niyon ang paningin ko. Naramdaman ko ang pag-angat-baba ng aking mga balikat at labis na napahikbi sa kama.
Ang buong akala ko ay okay na. Ang akala ko ay wala nang hahadlang sa darating na kasalan naming dalawa.
My parents were against him, but I proved to them his worth, and they finally agreed. I worked so hard for our future. But why is he breaking it off now? ...
May ginawa ba akong mali? May pagkukulang pa ba ako?
Ang sakit-sakit sa dibdib! Hindi ako makahinga!
“Miss Llewellyn?” I feel Mina entered the room again. “Tahan na po kayo… Wala pa kayong matinong kain simula nakaraang linggo. Kaya nagdala ako ng meryenda.”
Pinikit ko ang mga mata ko at bumaluktot ng higa sa kama. "I’m not hungry. Bring me bottles of alcohol for tonight, and don’t even think of disturbing me, or you’ll know what will happen."
“M-Miss…” bumuntong-hininga siya. “Masusunod po.”
God knows how I became monstrous whenever I got very drunk. The worst part is that I remember everything I’ve been doing when drunk, so I’ve been avoiding it. But now is the worst time, and I need something to comfort me.
Narinig ko muli ang paglabas niya sa kuwarto at naiwan akong mag-isa.
Silence makes me remember what I’ve been doing this whole month. Puno iyon ng mga alaala ng paghahabol ko kay Kyn sa kadahilanang nanlalamig na siya sa akin at hindi ko na rin siya makausap ng matino. Lagi niya akong tinatakasan at dinadahilang busy siya sa kumpanya. Subalit hindi ko parin makakalimutan ang amoy ng pambabae perfume na naamoy ko sa kwelyo ng polo niya noong araw na iyon.
Kabilang ang kumpanyang pinag-aarian ko sa cosmetic industry, at alam ko ang mga amoy na hindi napapabilang sa isang lalaki o babae. And knowing how manly Kyn is? All that matches his disloyalty with me.
But after I slapped him hard, waiting for his explanation, he suddenly turned his back on me and asked for a breakup.
Kasalanan ko… I shouldn’t have done that…
Muli akong napahikbi sa aking kama hanggang sa dumating na ang mga bote ng alak na pinakuha ko kay Mina. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-aalala sa mga mata niya subalit wala siyang sinabi.
Mula sa labas ng aking bintana ay nakita ko kung gaano na kadilim ang kalangitan at mukhang malalim na ang gabi. Hinayaan kong tumakbo ang oras gaya na lamang ng mga nagdaang araw na hindi ko nakakausap, nakikita, o nakakapiling si Kyn.
Pakiramdam ko ay wala na akong ibang gustong gawin kundi ang uminom nang uminom ng alak ngayong gabi. I drowned myself in alcohol while I was drowning in my tears.
“W-What should… What should I do… K-Kyn… Tell me…” sa likod ng aking mga luha ay wala na akong ibang nakikita kundi ang huling araw na huli kaming nagkita.
Bigla ay bumalik sa alaala ko ang pulubing lalaki na sinabi niyang makipagtalik ako.
Nahinto ako sa paghikbi at napasabunot sa aking buhok. I honestly forgot about him…
No, it’s because I was too busy locating Kyn and planning on lashing out at his family that I overlooked that beggar.
Buo ang loob ko na pumayag sa kondisyon ni Kyn noong araw na iyon dahil natakot ako sa banta niyang tuluyang sisirain ang engagement namin. I even ordered the head maid, Grita, to serve the beggar—give him a room, clothes, and food. Of course, I specifically invited our family’s doctor to thoroughly examine his body. Naalala ko pa na ang resulta ay mahina ang pangangatawan nito dahil sa dinanas na gutom at mga galos sa katawan.
I breathed a sigh of relief to find that a beggar like him doesn’t have diseases, but Doctor Farhan said that he might’ve been a beggar not too long ago, just maybe a few weeks before I picked him up.
Nakuyom ko ang kamao ko nang para bang muli kong narinig ang boses ni Kyn nang sarkastiko niyang iutos sa aking makipagtalik sa lalaking iyon.
“Such a foul mouth full of disgusting words…” Natatawa kong binitawan ang bote ng alak at binangon ang aking sarili patayo. “D-Do you really think… I, Ophelia Llewellyn, wouldn't be able to do what you ask for?”
“Argh!” Nawalan ako ng balanse at napaluhod sa tiles na sahig. Muli kong binangon ang aking sarili at nahihilong naglakad papababa ng aking kuwarto.
“S-Sleep—hng! Sleep… with a beggar, huh?” Nilunok ko ang pagkasinok ko at kinaladkad ang sarili pababa sa napakahaba hagdanan.
“As long aa—AAH!!” Nang natapilok ang paa ko ay kaagad na umikot ang paningin ko at nagpagulong-gulong sa hagdanan! Napahawak ako sa aking ulo at nadatnan ang sarili na napabilis ang pagbaba sa hagdanan ng unang palapag at muling bumangon. “As long as… Kyn doesn’t leave me…”
Where was that again? Where did I tell them to put that stinky beggar?
Madilim na ang paligid sa loob ng mansyon, batid kong namamahinga na ang mga katulong, maging si Mina. Subalit natatandaan ko pa ang kuwarto ng lalaking ‘yon…
“Be–Beggar’s room…” I immediately went to the dark hall behind the stairs.
There are lots of empty rooms and vacant spaces…
“Oh! H-Here it is!” Natatawa kong natagpuan ang malaking puti na pintuan sa kaniyang kuwarto at walang anu-ano ay pinasok iyon.
Malakas na kumalabog ang pintuan nang isarado ko iyon na maging ako ay napamulat ng mga mata.
“W-Who…?” Isang mahina ngunit lalaking boses ang kaagad kong narinig.
My misty eyes stared directly at the king-size bed when a young man in white pyjamas slowly got off of it.
Nakapatay ang ilaw, tanging ang liwanag lang sa lampshades ang nakabukas at nagbibigay sa amin ng paraan upang makakita.
I couldn’t even see his face, and I could only see his figure! The body looked so slim!
“S-Sino ‘yan?” His voice is even trembling in fear.
I gritted my teeth and started walking, resisting the urge to fall.
Sleeping with a beggar is the f*****g worst, but how can it still look like a young man?
I bit my lower lip and coldly met his eyes. “Stop trembling, and let’s have sex.”