CHAPTER 4

2122 Words
NAGISING ako kinaumagahan at nadatnan ang sarili na wala sa sarili kong kuwarto. Mayroon akong nararamdaman na presensya sa aking kaliwang gilid at kaagad na napamulat ng mga mata nang makita ang isang hindi pamilyar na lalaki. Nakapikit ang mga mata nito na tila’y mahimbing ang tulog. Napabalikwas ako ng pag-upo sa kama at naramdaman ang pananakit ng aking ulo. Nalukot ang aking mukha saka napahawak doon habang pinagmamasdan ang lalaki. Nakatakip man ng kumot ay halata itong walang saplot sa katawan. Nabibigla akong napatingin sa sarili ko at nakahinga ng maluwag nang makitang suot-suot ko pa ang mga damit ko. Binuksan ko ang kumot saka napagtanto na mayroon ding saplot ang pang-ibabang damit niya. That must mean we didn’t have s*x, right? Napalunok ako at malakas na nagpakawala ng hininga. Unti-unti ay bumabalik sa alaala ko ang nangyari kagabi matapos ko inumin ang alak. Muli akong napalingon sa natutulog na lalaki at inusisa ito. Kapansin-pansin ang balat nito na may hindi natural na kulay kayumanggi. Marahil ay dahil sa pagka-bilad sa araw. Pansinin din ang maalon at makapal niyang itim na buhok na kung titingnan ay mukhang malambot. Ganoon na lang din kahaba ang kaniyang pilik-mata habang kasalukuyang nakapikit. Is this really the beggar I picked up that day? Naalala ko pa na nababalutan siya ng mga itim na uling at iba’t-ibang klase ng mga dumi sa buo niyang katawan. Mukhang malala ang ginawang pagbabago nila Mina sa pulubing ito para isiping mukha na itong tao ngayon. “Oh wait!” wala sa sarili akong napausal nang may maalala. Didn’t he just say last night that he’s not native? No wonder his appearance doesn't match that of a beggar. Maigi ko pa siyang inusisa at nakita ang mga kissmarks sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang leeg. Napangiwi pa ang labi ko sa namamaga niyang mga labi at bumakas sa alaala ko ang paghalik sa kaniya na para bang uhaw na uhaw. Panigurado, kung hindi ako nakainom ay hindi ko iyon magagawa sa isiping siya ay isang pulubi. Na kahit na sinabi ni Doctor Farhan na wala siyang mga nakakahawang sakit sa katawan ay hindi ko parin maiwasan na pandirian ito. Mayroon pang bakas ng mga ngipin ko sa collarbone niya na kung titingnan ay mukhang mahapdi. Hindi na rin ako magtataka kung bakit nalalasahan ko ang luha niya kagabi habang ginagawa iyon. Was I that wild? I don't think I even gave it my all. Tatayo na sana ako nang makita ang paggalaw ng mga pilik-mata niya at dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Nang magising siya ay nagtama kaagad ang mga paningin namin sa isa't-isa. Subalit hindi pa rasyonal ang itsura niya at nakatulala lang sa akin na talaga bang bagong gising. Hindi ako nagkamali noong una ko siyang makita, talagang light brown ang kulay ng mga mata niya at pansinsin iyon. I pursed my lips. "Get up." He was still dazed for a few more seconds until he finally realized what was happening. Napabalikwas siya ng bangon at pumosisyon ng nakaluhod na nakaupo paharap sa akin habang nakayuko ang kaniyang mga ulo. Ang mga kamay niya ay masunuring nakahawak sa magkabilaan niyang tuhod. "Good morning, M-Mis Ophelia." His voice is hoarse but gentle, showing his humbleness and obedience. Nakurot ko ang sarili kong mga daliri. Pinagmasdan ko ang maputi niyang dibdib at tiyan na hindi pumapantay sa kulay ng nasunog niyang balat sa magkabilaang mga braso. His n*****s were pale pink, and they're still reddened because of what I did last night. How can this young man look so delicately feminine? And I feel like I am the man here. "Tell me your name, where you came from, and what did you do before becoming a beggar?" I asked out of curiosity. Para pa siyang nagulat subalit kaagad ding bumawi. "I-I... I have many names. I was a s-slave in the Market in China... and was trafficked here for forced labor... but I escaped." Hindi ko inaasahan ang naging tugon niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko at pagsasalubong ng mga kilay ko. Slave? Human trafficking??? What the hell?! I only thought he was just a starving beggar, but he's a slave! Sinubukan kong huwag magpakita ng emosyon at nanatiling malamig. "Saan ka nga nagmula?" "Ah… bahay-ampunan." It looks like he's trying to remember something but didn't speak any further. Malalim akong napabuntong-hininga at bumaba sa kama. Inayos ko ang sarili saka siya muling binalingan. "Since you already knew me, I'll discuss with you the reason why I brought you here next time. Until then, don't show your face in front of me unless I find you." Tumingala siya sa akin matapos ko iyong sabihin. Nagtama muli ang mga mata namin at doon ko lang nakita ang malaki ngunit hugis-almond niyang mga mata. Subalit kahit pa makinang ang kulay ng mga ito, sa hindi malamang kadahilanan ay maulap ang mga ito at malabo na para bang walang nakikitang liwanag. It's weird. "I-Is my body…" his lips trembled but is eager to look straight at me. "Am I going to be… your s-s*x slave?" Napaintag ako sa gulat sa tanong niya. s*x slave?! It's not–!! Nakagat kong bigla ang labi. Well… I actually brought him here to have s*x with him so… But it's only for one night! Nadala lang ako ng emosyon at alak kagabi kaya ko iyon nagawa. Isa pa, ngayon ko lang napagtanto na humihingi nga pala ng proof si Kyn na ginawa namin ang bagay na 'yon. Tsk! "As I said, I'll tell you your purpose later on. So stay still, and everything you need will be provided here." I coldly replied. Hindi siya nagsalita subalit masunuring tumango ng dalawang beses. Saka lamang ako lumabas ng kaniyang kuwarto. Bumungad sa akin ang papasikat pa lang na araw, at iilang mga katulong pa lamang ang mga nagsisipag-gising upang magtrabaho. Nakahinga ako ng maluwag sa isiping hindi ako nahuli ng gising, kundi ay mahuhuli ako ni Mina. "Good morning, Miss Llewellyn!" Nagugulat man ay binati ako ng mga nakakasalubong kong katulong bilang pag-respeto. Tinatanguan ko lang sila at mabilis na umakyat sa aking kuwarto. Marahil ay nagtataka sila kung saan ako nanggaling ng ganito kaaga nang may gulo-gulong damit at buhok. Papasok na sana ako sa banyo ng tumunog ang aking telepono sa kuwarto. Kaagad ko iyong pinuntahan upang sagutin at bumungad sa akin ang pamilyar na boses ni Kim. "Girl! What happened?! Hindi ko na nakokontak si Kyn, pati ikaw! Anong nangyari sa inyo?" Her voice is full of concern and distress. She might be calling because her company is at stake. I can hear his annoyance in her voice. "Your little brother wants to break off our engagement." Deretsahan kong sabi. "Alam mo naman na six months na lang ay ikakasal na kami, Kim, and you know how badly I wanted to get married to him. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya gustong makipaghiwalay! He's not even talking to me properly but keeps treating me like a used product worn out of purpose! Muling sumakit ang ulo ko at inisan iyon hinilot saka napapikit para indain. Natigilan siya sa kabilang linya. Tsk! Aren't they aware that I was always aware they were using me for their shits, which is why they're shocked? Buong buhay ko ay halos lahat ng taong lumalapit sa akin ng may binabalak na masamang intensyon. At tanging si Kyn lang hinayaan ko sapagkat totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya at nararamdaman kong ganoon din siya. After all, whose woman could be compared to me? I have beauty, money, and power. When I loved someone, I treated him very kindly, sincerely, and possessively. I had even lowered my dominating attitude and submitted to him. So what's there to ask for? "Can we talk in person, Ophelia? Gusto ka ring makausap ni Serene dahil nag-aalala na siya sa'yo." Muling pagsasalita ni Kim. "We were actually preparing to arrive at your place." "Sure, I've also been out for a week because of Kyn, and I needed air to breathe before coming back to my company." bumuntong-hininga ako. "But how about Verena? I haven’t heard about her for a while. Verena and Sunny are also our friends. We’ve been hanging out ever since high school. “Oh, she’s on a business trip, so she's out for a while. So it's just me and Serene." "Okay, I'll wait for you to arrive." Binaba ko na ang telepono. Kumilos ako upang maligo at magpalit ng desenteng damit. Iniutos ko kay Mina na ihanda ang garden para sa pagdating nilang dalawa. Madalas kaming mag-tea time magkakaibigan at iyon na ang gawi sa tuwing pumupunta sila rito. Hindi kalaunan nang pumunta ako sa garden ay naroon na silang dalawa. Kaagad nila akong sinalubong at sabay-sabay kaming naupo sa nakabilog na mga upuan at lamesa. "I'm really, really sorry about what happened to you and to my little brother, Ophelia. I couldn't believe things would end up like this!" Paunang hingi ng pansensya ni Kim. Nakikita ko ang stress sa mukha niya na para bang pasanin ang problema naming mag-fiancé. "Same." Napangiwi ako at sumigop ng tsaa. "Ako, hindi ako aware na nag-aaway na pala kayo ni Kyn!" sumingit ang matapang na boses ni Serene. "Naglalambingan pa nga kayo nung birthday ko nakaraang buwan e! Kaya nagulat din ako na nanlalamig na pala siya sa'yo! Bakit kaya?" Palihim kong kinurot ang sariling daliri habang may inaalala. "Actually, after nung birthday mo, nagsimula na siyang manlamig sa'kin. And the only reason would be a third-party." "THIRD-PARTY?!" Both of them were shocked. "What do you mean??" Bumalangkas ang kaba sa mukha ni Kim. "Nagchea-cheat sa'yo ang kapatid ko!?" I remained calm. "I think so, but I still have no proof to hold in hand. Lumala ang away namin nang mag-amoy babae ang katawan niya. That scent is disgusting!" "Shemay!" Serene has a confused reaction. "T-Then… paano nga kung merong babae si Kyn? Itutuloy mo parin ba ang kasal?" "I-I'm sure you guys can still talk about this!" Natatarantang tugon ni Kim, may nanghihimok na mga matang nakatingin sa akin. "Naniniwala ako na mahal na mahal ka ng kapatid ko, Ophelia, at ganoon ka rin naman sa kaniya. Maybe kailangan niyo lang dalawa ng space para makahinga at makapag-isip-isip bago kayo ikasal…" Bumuntong-hininga ako at tipid siyang nginitian. "You guys don't have to worry much about this matter. Matutuloy ang kasal, whether he's cheating or not." Kung meron mang babae siyang kinahuhumalingan ngayon kaya't gusto niyang makipaghiwalay, then I'll just have to find a way to make that woman disappeared from his world. "Eh??" Nalukot ang mukha ni Serene, hindi makapaniwala na nakatingin sa akin. "But cheating is cheating! No matter how much you loved that guy, if he's seeing another woman, how can you be so martyred to even think of continuing your wedding? Parang hindi ikaw ang ganitong klase ng babae, Ophelia!" Ngumiti lamang ako sa kaniya ng matamis. Sapagkat hindi ko magagawang ipaliwanag ang mga senaryong tumatakbo sa isip ko. Hindi ako martyr, but I sincerely and truthfully love Kyn, so I'll marry him. Subalit sa oras na malaman kong totoo nga ang hinala kong nambababae siya—I'll make sure he'll still be married to me to experience hell. Sisiguraduhin kong mawawasak ang buhay niya at ng babae niya sa panahon ng buhay mag-asawa naming dalawa. And death will certainly be the only way that will keep us apart. Isn't that a perfect happy ending for me? "Well, I'm glad you think that way, Ophelia." Nakahinga na ng maluwag si Kim. "I'll try my best to locate my little brother and tell you everything he has been doing." "Thank you, Kim." Serene still looks bitter about my decision, but she gives up talking since Kim is saying the complete opposite of hers. Nagtagal pa sila ng ilang mga oras para pag-usapan din ang mga ganap sa nakalipas na mga araw. Kim and I mostly talk about the company she wants to establish with me. While Serene left first for the excuse of having been busy taming her step-brother. Bago lumubog ang araw ay nagpaalam na rin kami ni Kim sa isa't-isa. Nang pabalik na sana ako sa aking kuwarto ay narinig ko ang malakas na pag-tawag ni Mina. "MISS LLEWELLYN!" Nagtatakbo siya sa hagdanan para maabot ako. "Easy! What's wrong, Mina?" Puno ng pagtataka kong tanong. "MISS! Nawawala 'yung lalaki!!" "Who? What?" Naguluhan ako. "'Yung pulubing lalaki nawawala, Miss!! Wala siya sa kuwarto niya nung maghahatid sana ako ng pagkain, at wala rin siya sa loob ng mansyon!!" Unti-unting nanlaki ang mga mata at kaagad ding napalitan ng dilim. Didn't I tell him to stay where he is? "Miss, Llewellyn, mukhang tumakas siya!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD