"SAAN na siya?" Malamig kong tanong, kausap si Mang Eson sa telepono. “Na-check na ho namin ang security footage, wala pang nakakapasok at nakakalabas sa labas ng premises kundi ang mga bisita kanina, hinahanap pa po namin ang maaari niyang lusutan.” “Hindi siya pamilyar sa lugar, kaya paniguradong maliligaw ‘yon.” napabuntong-hininga ako. “Please check every footage, frame by frame, and contact me again as soon as possible, Mang Eson.” “Yes, Miss!” “Thank you.” Binaba ko ang telepono at napaupo sa malambot ng sofa ng aking living room. Si Mina na nakatayo sa aking gilid ay nagsalin sa baso ng malamig na strawberry juice. “Magpalamig ka muna, Miss Llewellyn.” Ininom ko iyon dahil kanina pa nag-iinit ang aking ulo. Akala ko pa naman ay mukhang masunurin ang lalaking ‘yon! Bakit siya

