CHAPTER 15 Habang nasa loob ng van na minamaneho ng Mr. Shin, isa naming kakilalang Chinese driver sa bansa, ay panay ang tingin ko sa GPSmap kung saan tinutunton ang lokasyon ni Kyn ngayon. Habang papalapit ng papalapit ay mas lalo akong hindi napapakali sa kinauupuan ko sa likuran ng sasakyan. "Miss Ophelia, ayos ka lang?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Eiji. Hindi ko siya nilingon at sa halip ay pinatay ang screen ng cellphone ko at dumungaw sa labas ng bintana. "Don’t mind me," Narinig ko naman ang buntong-hininga ni Mina at ang na-eexcite na boses ni Yssa. "Saan ba tayo pupunta, Miss Ophelia?" Sumagot ako sa mababang boses. "I told you I’m going to treat you to shopping. This is all for your hard work these past few years." "Kyaah~ Napaka-sosyal naman! First time kong map

