CHAPTER 14 "Miss Llewellyn?" Mina knocked on my door right after I went out to the bathroom. Tinali ko ang aking buhok sa likuran bago siya pinagbuksan ng pintuan. Bumungad sa akin ang nag-aalala niyang mukha. "Miss Llewellyn! Nawawala si Eiji!" hirit niya pa. Maging ako ay napatingin sa nakatiwangwang na pintuan sa harap. "Pagkadaan ko rito nakita kong bukas na bukas ang pintuan niya at wala siya sa loob! Mukhang kanina pa siya nawawala, baka kung saan na nagpunta ‘yon!" Pinanood ko siyang mag-alala ng husto at napakrus ng braso habang sumandal sa pintuan. "Why are you so concerned with him?" "Ha?" napatanga siya at naguluhan. "Eh, Miss Ophelia, wala ba kayong gagawin? Hinalughog ko na ang kwarto niya, pero wala talaga siya!" "Hmm?" Napaisip ako at napaseryoso. "Hindi ba’t sa ibaban

