CHAPTER 13 "Sell you?" Tumaas ang isa kong kilay. "Why the hell would I sell you? Sino namang may sabi niyan?" "Ah?" Lumaki ang dalawang mga mata niya, mukhang natauhan. "But we’re in China. W-Why did you bring me back to China then?" "You just realised we've been in China ever since arriving at the airport?" "Hindi ko napansin…" unti-unting nakasalubong ang mga kilay niya. "Why are we here?" Napabuntong-hininga ako at umayos ng pagkakatayo. Naglakad ako patungo sa closet para kunin ang malinis na tuwalya saka bumalik sa kaniya saka tinabihan siya ng upo. "Sit on the floor." malamig kong utos. "Ha?" may pagtataka man ay sumunod parin siya. Inayos ko ang posisyon niya at pinatalikod ng upo sa pagitan ng aking mga binti. Binalot ko ang tuwalya sa basa at tumutulo niyang buhok upang

