Chapter 12 -Jamil- Hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang makakapagturo sa akin kung nasaan ngayon ang babaeng si Gemmalyn. Ewan ko pero iba ang pakiramdam ko na malaking tao ang nasa likod nito kaya ganoon na lang kahirap para sa akin na mahanap ito, at dahil na rin sa galing nitong magtago ay inabot pa ng ilang taon ang paghahanap ko dito. Actually, sa lumipas na ilang taon ay patuloy pa rin na may nagpapadala sa akin ng mga picture nito at alam ko ring nanganak na ito ng isang batang babae. Inipon ko at pinaprint ang lahat ng picture na pinadadala sa akin at gumawa na rin ako ng isang kuwarto ng baby, dahil sa malakas ang kutob kong anak ko ang batang kasama nito. Pero malaking palaisipan kung sino ang nasa likod ng nagpapadala ng mga picture sa akin. Kahit anong gawin ko

