Chapter 13 -Jamil- Mula ng marinig ko ang boses ni Miracle sa kabilang linya ay hindi ako tumigil hanggang sa hindi ko ito nahahanap. Hanggang sa nakita ng mga tauhan ko ang ginamit nitong pay phone machine sa isang bayan sa probinsiya ng Samar. Dali-dali akong nagpunta dun at naghanap sa paligid ang totoo ay sa tagal ng panahon na hindi ko ito nakita ay natitiyak kong malaki ang nagbago sa itsura nito. Pero magkaganoon man ay may isang bagay akong pagkakalilanlan dito. At natitiyak kong makikilala ko agad ito oras na makita at makaharap ko na ito. Halos isang linggo din akong nanatili sa lugar nalibot ko na rin ang buong isla at bayan nito pero wala akong nakita maging ang anino nito. Nakatanaw ako ngayon sa malawak na karagatan ng makitang kong meron parating na isang bangkang de

