Chapter 18
“As the time pass by, she slowly getting used to being alone again,sa mga unang araw niya sa apartment inaamin niya, na mabaliw-baliw siya sa lungkot, at pangungulila sa asawa. Mahal na mahal niya ang asawa, ang kasamaang palad, it’s just one-way love affair, dahil kahit kelan hindi siya mamahalin ng asawa, masaya na siya sa piling ni Indira. Tama si Indira, kahit kelan hindi pwede mahalin si Renzo, dahil hindi ito marunong mag pahalaga ng damdamin at emotion.
Makalipas ang ilang buwan, nagsimulang makaramdam ng pagkahilo at grabeng pagduduwal si Isabella, nag simulang magbilang ito sa daliri, hindi nito namamalayan ang pagkadelay ng kanyang bwanang dalaw..Nabahala si Isabella, Posible bang buntis siya?
Lihim siyang nag patingin sa isang doctor at nakumpirma niya ang katutuhanan. Buntis siya! Nagbunga ang mga nangyari sa kanila ni Renzo. Sa halip na mamroblema, ikinatuwa ni Isabella. Makikipagkita siya kay Renzo, kailangan niya malaman na magkakaanak na sila. God missed na missed na niya ang asawa.Hindi na siya makakatiis na maghintay upang maging tama ang panahon para sa kanilang dalawa.
On impulse ang naging pasya ni Isabella upang ipaalam kay Renzo ang kalagayan niya. Hindi na siya nag paalam pa kay Felipe. Tatawagan niya na lamang ito upang mag paliwanag, naisip niya. Hawak ang sketch na kinuha sa social media kung nasaan ngayon si Renzo, tulad ng nakagawian na niya, araw araw pa rin ito sumusubay bay sa mga activities ng asawa, kahapon nabasa niya me itinatayong resort hotel ang asawa sa may Slovenia resort.
Kaya madali nito natutun kung nasaan ang asawa. Malayo pa lang ay excited na ito, maganda at malawak ang resort na pag aari ng asawa, maganda ang tanawin na nakaharap sa mangasul asul na dagat. Humiram ito ng largabista at sinilip nito ang kabuuan ng napakalaking resort.
Ngunit habang lumalapit at lumilinaw ang kabuuan ng resort,unti unit naming humuhulas ang pananabik ng dalaga,ang dahilan: isang eksena ang nakikita niyang nagaganap sa nay dalampasigan.Isang lalaki at isang babae ang magkayakap na nagpapagulong -gulong sa tabing dagat. Sa ayos ay kitang-kitang naglalambingan.
Natigilan si Isabella,saglit na tinangal sa mga mata ang largabista at pinunasana ang mga lens upang mabistahan niyang mabuti ang natatanaw.
Nang muling sipatin ni Isabella sa largabista, ang eksena sa isla, Nakita niyang nakailalalim na ang babae sa lalaki at sa ayos ay waring nag hahalikan.
Hindin niya makitang mabuti ang hitsura ng babae, Ngunit ang lalaki.
Parang may sumuntok sa dibdib ni Isabella sa pountong iyon. Hindi niya rin gaanong kita ang mukha, pero sa pangangatawan, sa buhok,sa lapad ng balikat, hindi maikakailang si……Renzo.
Biglang nabitiwan ni Isabella ang largabista na kung hindi nakasabit ang strap sa leeg niya baka bumagsak sa kanyang paanan at nabasag.
Tulad ng pagkabasag at pagkapira-piraso ng kanyang puso ng mga sandaling iyon.
Si Renzo may kaulayaw na ibang babae! Wala talaga siya halaga sa kanya, akala ni Isabella ay busy ito sa paghahanap sa kanya, ayun kay Felipe ay kinuntak pa daw niya si Felipe para hanapin siya sa kanya.
Parang namatay muli ang pag asang nabuhay sa kanyang puso para kay Renzo, Parang mamatay sa sakit ang puso ni Isabella sa katotohanang iyon. Wala siya halaga sa asawa kahit kelan.
Kung sino man ang babaing iyon, wala na siyang plano ng alamin.Malinaw ang katotohanan, hindi tinutupad ni Renzo ang mga nakasulat sa Prenup nila, ang ipinangako nito sa kanya. Hindi magkakaroon ang katuparan ang aking mga pangarap na magkaroorn ng masayang pamilya. Hindi totoo ang mga pagsuyong ipinapadama nito sa kanya ni Renzo tuiwing mag kaulayaw sila.
Msakit dahil totoong napaibig siya ng tapat kay Renzo.
Hindi na niya itinuloy ang pakikipag kita kay Renzo. Nag pasiya na siya bumalik ng France, Wala ng dahilan pa para ipaalam pa niya kay Renzo tungkol sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.
Halos dalawang araw siya Nawala, nang tanungin siya ni Felipe kung saan siya galling, inamiin niya rito ang totoo.
“Anong pumasok sa isip mo’t nagawa mo pang makipag kita sa kanya.” Manghang palki ni Felipe.
“Kailangan ko siyang nmakausap,Felipe”
“Bakit? Para ano pa at gusto mo pang makipag ugnayan sa lalaking iyon?”
“Buntis ako, Fekipe. At siya ang ama”
Nanlaki ang mga mat ani Felipe, hindi makapaniwala, pero ang sabi mo nun tanungin ka ni Renzo hindi ka buntis? Using nito sa kanya.
“Oo dahil hindi ako sigurado ng araw na iyon, saka ayaw niya ng anak. Kaya nasabi ko iyon.”
Ano ang plano mo ngayon? Tanong ng mabait niya kaibigan
“Hindi niya malalaman ang tungkol sa batang ito. Nagbago na ang isip ko.Wala na akong intensiyong ganbalain pa ang pananahimik niya.”May pait na gumuhit sa dibdib ni Isabella sa sinabing iyon.
At papaano ka? Papano ang bata?
Lalayo kami, at tutulungan mo ako, Felipe. Dalhin mo ako sa Amekia, Doon ko bubuhayin ang anak ko.”
Nadudurog ang puso ni Felipe sa sinapit ng iyon ng kaibigan.Ngunit wala itong magagawa kundi sisihin ang walang puso ama nito na siyang nagtulak kay Isabella upang pakasal sa walang puso lalakeng iyon.
Mabilis na dumaan ang mga araw,napangit si Isabella nang isuot niya ang pants niya at matuklasan niyang masikip na iyon.Mangangailangan na siya ng maternity dress sa susunod na mga araw.Soon she would be holding her baby in her arms. Nai-iimagine pa lang niya iyon ay parang maiiyak na siya sa subrang ligaya.
May schedule siya ng checkup sa doctor niya.Tamang -tama, pagkagaling niya roon ay tutuloy siya sa department stores para bumili ng mga maternity dress. Marali sale ngayon sa KOH’LS.
Dapat ay samahan siya ni Felipe ngayon, pero may iniispeksiyunin itong site sa may Las Vegas,at mamaya hapon pa daw ang balik nito. Walang kapaguran ang kaibigan niya sa pagpapayaman. Mabuti hindi namana ang dugong pulitiko ng kanyang pamilya. Pero mahusay ito sa pag business. Ilang beses sinira ni Renzo ang kanyang mga katransaksiyon, pero hindi ito nawalan ng pag-asa. Patuloy ito nag sumikap. At ngayon nag balak mag patayo dito sa America, para daw pag nanganak siya may kasama siya.”Marahang napangiti si Isabella.
Nagbihis na siya saka tumawag ng taxi. Sa klinika na siya tumuloy. Doon ay natuklasan niya maayos naman lahat. The pregnanacy was coming along as expected. Malakas ang t***k ng puso ng kanyang baby nasa sinapupunan niya at nasa mabuting kalagayan naman daw.
Tumuloy na siya sa department store pagkagaling sa doctor. Nawili siya sa pamimili, hindi lang ng maternity clothes kundi pati na rin ng ilang gamit para sa bata. Hindi pa niya alam kung babae o lalaki ang baby niya kaya hindi muna namili ng damit.
Hapon na ng matapos siya. Sumaglit lang siya sa grocery para sa mga ingredients ng lulutin niya para sa hapunan balak niya ihanda para kay Felipe.Pagkatapus ay nagtaxi na muli pauwi.
She got home with plenty of times to spare. Nag pasiya siyang mahiga muna para ,magpahinga .Extra ang pag aalaga niya sa kanyang sarili. Ayaw niyang ay mangyaring kahit ano sa kanyang baby nasa sinapupunan niya. Naisip niya ano kaya maging reaction ni Renzo pag nalaman nito me anak sila dalawa.
Matagal na rin hindi siya nag babasa tungkol sa asawa. Namimiss pa rin niya ito. Magkakababy na tayo, sana maging kamukha mo ang anak natin. Bulong nito sa sarili.
Marahil dahil sa pagud ay hindi niya namalayan nakatulog siya.