Chapter 3

2204 Words
Andrea Samonte Sandali mang natigilan ay agad kong kinalma ang tila ba nagwawala kong puso nang marinig nito ang mala-anghel na boses ni Isaiah Montgomery.  Dali-dali akong umliling at muling bumalik sa paglalampaso. Pinipilit ko ang sarili kong huwag marinig ang boses niya. Kung maaari ko lamang takpan ang mga tenga ko ay ginawa ko na. Hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko. Dahil sa kagustuhan makalayo ay nagpaalam ako sa supervisor namin na pupunta sa storage room para palitan ang panglampaso ko. Agad naman siyang pumayag matapos akong tanungin kung tapos ko na ang paglalampaso ko sa sahig.  Mabibilis na paghakbang ang ginawa ko upang agad na makalayo. Ngunit kahit saan ako pumunta ay sinusundan ako ng boses niya. Pagpasok sa storage room ay sumandal ako sa pinto at napahawak na lamang sa dibdib ko na unti-unti nang kumakalma. Mula rito ay hindi ko na dinig ang boses niya kaya naman nagpapasalamat ako.  Napatawa na lamang ako habang umiiling. Ano ba ang problema ko? Para akong tangang tinatakasan ang boses ng isang singer.  Inilagay ko na sa dating lalagyan ang ginamit kong panglampaso at bahagya itong nilinis at itinapon naman ang tubig. Habang isinasampay ko ang ginamit kong basahan ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang kahina-hinalang lalaki na parang may tinatakbuhan. Ibinaba ko ang hawak ko at agad siyang kinom-pronta pero ang hindi ko inaasahan ay nang bigla niya akong halikan sa mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad ako nakagalaw.  Ang mga kamay ko ay nakakuyom habang ang mga mata ko ay nakatingin sa nakasalamin niyang mata. Nang makabawi sa pagkagulat ay agad ko siyang itinulak palayo sa akin at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha niya dahilan para matanggal ang suot niyang salamin. Napalunok ako at natigilan nang makilala ko ang lalaking nagnakaw ng una kong halik.  "I-Ikaw?" gulat kong tanong sa kaniya at napasinghap.  Matiim lang siyang nakatingin sa akin habang nakahawak sa pisnging namumula. Sa unang pagkakataon mula nang isinumpa ko ang lahi ni Adan ay parang gusto kong yumuko at humingi ng tawad sa kaniya dahil sa pagsampal ko sa kaniya. Gusto kong patawarin niya ako. Bahagya akong natakot dahil bago sa akin ang ganitong pakiramdam, takot na baka maging dahilan ito upang muling lumambot ang puso ko. HIndi. HIndi ako makakapayag!  Makikita ko sa mga mata niya ang galit ngunit meron ding pagtataka. "Alright. I deserved that for kissing you without your permission." "Hindi ako hihingi ng tawad sa pagsampal ko sa'yo. Ngayon, bago pa ako mag-reklamo sa mga nakataas ay umalis ka na." kalmado kong sabi sa kaniya bago siya itinulak paalis sa harap ng pinto at binuksan ito.  Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang sunod-sunod na kislap ng mga camera at ang mga nagsisigawang babae. Lumarawan sa mukha nila ang pagtataka ngunit ng tumingin sila sa likuran ko ay muli silang nagsisigaw at muling kumislap ang mga camera nila. "Isaiah, sino ang babaeng ito?" "Ano ang relasyon niyong dalawa?" "Bakit kayo nagkukulong sa loob ng storage room?" Tinakpan ko ang mukha ko mula sa mga camera nila na sa aming dalawa nakatutok at hindi pinapansin ang mga tanong nila. Pilit ko silang inilalayo para makadaan ako pero humaharang sila at pilit akong tinatanong. "Miss, ano ang relasyon mo kay Isaiah?" "Inakit mo ba siya papunta dito?" Hindi ko nagustuhan ang huling sinabi ng reporter kaya naman galit ko siyang binalingan.  "Unang-una, hindi ko kilala ang lalaking ito." duro ko sa likuran ko. "Pangalawa, hindi ako interesado sa kahit na sinong lalaki kaya tumabi kayo at may trabaho pa akong kailangang gawin!" bulyaw ko sa kanilang lahat. Mukhang nagulat naman sila. Marahas ko silang tinabig para makadaan.  Narinig ko pa ang isang boses na tumatawag pero hindi ko ito pinakinggan at agad nang naglakad palayo sa mga tao. "KABAGO-BAGO mo pa lamang ay nagdala ka na agad ng kahihiyan sa mall na ito. Ano na ngayon ang gagawin natin? Na-eskandalo ang mall nang dahil sa'yo!" galit na sigaw sa akin ni Ma'am Angelica habang nakaupo ako sa harap ng mesa niya. "Ma'am, ilang beses ko ho bang sasabihin sa inyo na hindi ako ang may kasalanan? Nagta-trabaho ho ako sa loob ng storage room nang bigla siyang pumasok. Ako pa nga po ang dehado dahil binastos ako ng walang hiyang lalaking iyon eh!" pag-depensa ko sa sarili ko.  Muli kong tinapunan ng tingin ang dyaryong nakalapag sa mesa ni Ma'am kung saan makikita kaming dalawa sa loob ng storage room. Ang nakalagay sa headline nito ay: Sino nga kaya ang misteryosang babaeng kasama ni Isaiah Montgomery?  Nakasaan doon na may ginagawa raw kaming kababalaghan sa loob at ang labis kong ikinagalit ay ang nakalagay na inakit ko raw si Isaiah para ayaing makipag-s*x! Ngali-ngali ko nang sumugod sa lugar nila at sabunutan ang kung sino mang naglabas nito. Nang makita ito ng Inay kaninang umaga ay halos atakihin siya sa puso. Ipinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari at pinaniwalaan naman niya ako ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang paglaki nito. "May pruweba ka ba na binastos ka ni Mr. Montgomery? Alam mo, mas paniniwalaan ng karamihan ang mas kilala, mas sikat at mas ma-impluwensyang tao. Ayaw ko man ay ang nasa taas na ang nag-desisyon, kailangan ka naming tanggalin para maiwasan ang kahihiyan sa buong mall."  "Ho? Ma'am naman! Kakausapin ko ho si Isaiah Montgomery o hihingi ako ng tawad sa harap nila 'wag niyo lang ho akong tanggalin. Kailangang-kailangan ko ho ng trabahong ito. Pakiusap naman po, Ma'am. Pangako po, hindi na ito mauulit pa." Umiling siya at bumuntong-hininga. "Pasensya na, Andrea. Ang mismong may-ari na ng mall ang nag-desisyon. Makakaalis ka na." Laglag ang balikat akong tumayo at lumabas ng office. Napasandal ako sa pader at pinigilan ang sariling maiyak, ano na ang gagawin ko ngayon? HIndi na ako pwedeng bumalik sa pamamasada. Ano'ng kumpanya pa ang tatanggap sa akin lalo na ngayon na may ganitong eskandalo?  Kasalanan ito ng Isaiah Montgomery na iyon eh! Nananahimik akong nagta-trabaho tapos sisirain niya lang! Sino ba siya sa akala niya? Bwisit! Hindi ko pinansin ang mga taong nagbubulong-bulungan sa paligid ko at itinuturo ako dahil alam ko naman kung ano ang pinag-uusapan nila.  Kinuha ko ang mga gamit ko sa locker at tahimik na naglakad palabas ng kotse. Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko ang isang kumpol ng mga reporter. Dahan-dahan akong umatras pero huli na dahil may nakakita sa akin at mabilis na silang naglakad palapit sa akin kaya naman tumakbo ako palayo hanggang sa nakarating ako sa parking lot.  Pagtingin ko sa likuran ko ay nakita kong malapit na sila kaya naman nataranta ako. Ayokong maabutan nila dahil alam kong tatanungin lang nila ako ng kung ano-ano.  May pulang sports car ang biglang huminto sa harapan ko at awtomatikong bumukas ang pinto. Nang makita ko kung sino ang nagmamaneho nito ay napasimangot ako. "Get in." inirapan ko lang siya at namaywang. "O mas gusto mo atang malagay ulit sa dyaryo, okay." Nagkibit-balikat ito at akmang isasara ang pinto pero agad na akong sumakay.  Dapat ay nagngangalit ako nang muli ko siyang makita. Dapat ay minumura ko na siya dahil sa ginawa niya sa akin pero parang nalunok ko ang dila ko dahil wala akong maapuhap na sasabihin. Isinara na niya ang pinto at mabilis na pinaandar ang kotse. Isinuot ko ang seat belt sa takot na mahalikan ko ang compartment. Bahagya kong inilibot ang paningin ko sa loob ng kotse niya at hindi ko maiwasang humanga sa ganda at linis nito. Sigurado akong napakamahal nito at kahit pa magkandakuba-kuba na ako sa paghahanap-buhay ay hindi ako makakabili nito. Bahagya kong sininghot ang mabangong amoy nito at nang may isa pa akong maamoy na talaga namang napakasarap amuyin ay hindi ko namalayang sinusundan ko na pala ito.  Napatigil ako sa ginagawa ko at nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang braso niya na hindi ko na namalayang inaamoy ko pala. "Are you seriously sniffing me right now?" bahagya siyang tumawa dahilan para lumabas ang biloy niya sa kanang pisngi na lalong nakapagpadagdag sa kagwapuhan niya. Wait, what? Umiling ako at umayos na sa pagkakaupo. "Kahapon ay kinagat mo ang kamay ko, ngayon naman ay inaamoy mo ako." Natatawang sabi niya habang nagmamaneho. Sinimangutan ko lang siya. "Hindi maganda 'yang dumadaldal habang nagmamaneho." pagsusungit ko sa kaniya. "Hindi ka ba magpapasalamat sa pagsagip ko sa'yo?"  "Hindi. Dahil unang-una, ikaw ang may kasalanan kung bakit nila ako hinahabol at ikaw din ang dahilan kung bakit ako tinanggal sa trabaho ko." inis na sagot ko sa kaniya. Nagulat ako nang bigla siyang prumeno. "Ano bang problema mo?!" gulat na bulyaw ko sa kaniya habang kinakalma ang sarili ko. "They did what?! Damn it. Let's go back so I can talk to the owner of that mall." determinado niyang sabi at akmang ibabalik ang kotse pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya. "Huwag! Ayoko nang madagdagan pa ang kahihiyang tinamo ko. Ayokong tanggapin nila ako nang dahil lang sa kinausap mo sila." Hindi siya sumagot at tinignan ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Para naman akong napaso kaya agad kong binawi ang kamay ko. "Ibaba mo na lang ako dito at mamamasahe na lang ako." malumanay kong sabi sa kaniya habang nakatingin sa labas ng sasakyan. "Here." may inabot siyang isang kaheta sa akin. "Nag-resign na ang P.A ko kaya naghahanap ako ng papalit sa kaniya. Call me if you're interested."  "Salamat." bahagya ko siyang nginitian at sinuklian naman niya ng isang totoong ngiti at binuksan na ang pinto.  Bago bumaba ay pinigilan niya ako sa kamay. "I'm sorry you lost your job because of me but I will never say sorry for kissing you. Good bye." Tuluyan na akong bumaba at mabilis naman niyang pinaharurot ang kotse niya palayo. Sinundan ko ng tingin ang kotse niya habang pilit na iniintindi ang sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? Ginusto niya talaga akong halikan? Teka? Pakialam ko ba! Ang kailangan kong intindihin ay ang paghahanap ng trabaho!  Napatingin ako sa calling card na ibinigay niya sa akin. Isaiah Montgomery. Tatanggapin ko ba ang inaalok niya? Paano naman ang pride ko?  Gigil ko na lang inilagay ang card niya sa bulsa ko. Maghihintay siya sa wala dahil hindi ko tatanggapin ang alok niya. "OH MY GOD, oh my god, oh my god! Hindi ako makapaniwalang nasa harap tayo ng studio ni Isaiah my loves! Salamat talaga sa pagsama mo sa akin friend! Sana ay ako ang mapili, Hindi sa ayaw kitang magkatrabaho ah pero alam mo namang mahal na mahal ko si Isaiah, di ba?" Napabuntong-hininga na lang ako. Parang gusto ko na tuloy magsisi na isinama ko itong si Lena para mag-apply bilang P.A ni Isaiah. Paano nga kung siya ang makuha ay hindi ako? Pero sabi ni Isaiah ay tumanggi daw ang manager niya na pumili basta-basta kaya naman kailangan kong mag-apply kasama ng halos isang-daang kababaihan na narito.  Umaga pa lang ay narito na kami ni Lena. Gutom na kaming dalawa ay hindi pa kami ang natatawag. Kinahapunan ng sa wakas ay tawagin kami kasama ng tatlo pang babae para sa interview ay nakahinga ako ng maluwag. Ngalay na ang mga paa ko sa kakatayo. Habang naglalakad kami papasok ay pinipigilan ko ang sarili kong mag-back out. Kailangan ko munang kalimutan ang pride ko para sa pamilya ko dahil hindi ko naman sila mapapakain ng pride ko.  Sabi nga ni Lena, "Alam mo friend, ang pride ay ginagamit panglaba at hindi nilulunok!"  Ilang beses ko ring sinubukang mag-apply sa iba't-ibang kumpanya pero hindi nila ako tinatanggap lalo na kapag nakikilala nila ako. Laging laglag ang balikat akong umaalis.  Kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong tinatawagan ang binigay na card ni Isaiah at heto nga kami ngayon. Pagpasok sa loob ay pinaupo kami sa harap ng isang mahabang mesa na may nakaupo nang isang mukhang masungit na babae. "Hindi basta-bastang tao si Isaiah kaya naman kailangang suriin ang lahat ng taong gustong mag-trabaho sa kaniya. Tatanungin ko kayo isa-isa at gusto kong sumagot kayo ng maayos. Mailnaw?" "Opo." sabay-sabay naming sagot. "Good. Unang tanong, bakit kayo nag-a-apply bilang P.A ni Isaiah?"  Isa-isa silang sumagot at katulad ni Lena ay pare-parehas sila ng isinagot.  "Gusto ko pong mapalapit sa idol ko." Nang ako na ang sasagot ay tinignan ko ang manager sa mga mata. "Gusto kong magkaroon ng trabaho para matulungna ang pamilya ko." Tumango-tango siya. "Sunod na tanong, kapag nakikita niyo si Isaiah ay ano ang iniisip niyo?" "Ang pogi niya." "Ang hot niya!" "Parang ang sarap niyang amuyin." "Gusto ko siyang yakapin."  Napapailing ako sa sagot nila. "Para sa akin ay isa lang siyang ordinaryong lalaki." kalmado kong sagot. Ramdam ko ang tingin nila sa akin pero nagkibit-balikat na lang ako.  Ilang minutong tumahimik si Manager habang nakatingin sa amin. Maya-maya ay may tinawagan siya. "This is Kim. Gusto kong pauwiin niyo na ang mga naghihintay sa labas. May napili na ako para maging bagong P.A ni Isaiah." Dumagundong ang dibdib ko dahil sa narinig. SIno kaya sa amin.  Ibinaba na niya ang cell phone ay muli kaming hinarap. "Okay. You, I don't like the way you look at my gadgets. You may go." turo niya sa pinakaunang babae. "Ikaw naman, ang dumi ng kuko mo. OC si Isaiah kaya hindi 'yan pwede." pansin niya sa nasa gitnang babae at laglag balikat din itong umalis. "Ikaw, I don't like your outfit. Hindi dapat itineterno ang checkered sa stripes. Kailangang may sense of fashion ang P.A."  Umalis na ang pangatlo at kami na lang ni Lena ang natira. "Ikaw, walang mali sa physical appearance mo pero mukhang pinagnanasaan mo si Isaiah kaya hindi ka pwede." turo niya kay Lena.  Bumaling siya sa akin. "You're hired." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD