Chapter 4

2163 Words
Isaiah Montgomery "The applicants will arrive soon." I nodded. "Manunuod lang ako dito, bibigyan kita ng signal kung sino ang gusto kong piliin mo." Naningkit ang mga mata niya. "Siguraduhin mo lang na hindi ka magiging bias, Isaiah Cornett Montgomery." pangangaral niya sa akin. "Kailan ba ako naging biased? You know me, Samantha Kim Moreno. Ugh, don't call me that. You know how I hate my second name." I leaned back on my chair. She snorted and said. "Whut? What's wrong with Cornett? I love your name." she said batting her eyes at me. I rolled my eyes at her and shook my head. " Mahal mo lang dahil pinaghihilian mo ang Cornetto." I said with a grimace. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ni Mom para isunod ang pangalan ko sa isang ice cream! Nang tanungin ko siya noon ay sinabi niyang paborito niya itong pagkain no'ng bata pa siya at nangako siya sa sarili niya na ipapangalan niya ito sa bunso niyang anak. "Grow up, Isaiah. Pft. O siya, nariyan na raw ang mga applicants." tumayo na siya at naglakad pero muli itong lumingon bago lumabas. "Huwag kang lalabas!" "Yeah, yeah." natatawa ko na lang na sabi. Hinintay ko ang pagsisimula ng interview at tahimik lang akong nanunuod at tumatawa sa ilang sagot ng aplikante. Nakikita ko sila sa kabila ng salamin pero hindi nila ako makikita kahit lumapit pa sila. "Ano'ng gagawin niyo kapag nakulong kayo sa isang kwarto kasama si Isaiah?" tanong ni Sam sa limang babae. Inisa-isa ko sila at hindi hitsura kundi ang pagkilos nila ang pinag-aaralan ko. "OMG! Re-rapin ko po si Ser. Hihi." Muntik na akong mahulog mula sa kinauupuan ko dahil sa diretsang sagot ng isang aplikante. Hindi ko napigilang tumawa dahil sa isinagot niya. "Baka mamatay ka na kakatawa." Saglit ko lang tinapunan ng tingin ang bodyguard at kaibigan kong si John. Umupo siya sa katabi kong upuan at tumingin sa kabilang kwarto. Noong unang taon sa akin ni John ay mahiyain siya at seryoso sa trabaho pero nang tumagal ay naging close na kami at isang matalik na kaibigan ang turing ko sa kaniya. "Wala ka pang napipili?" Pinunasan ko ang mga luha dahil na rin sa sobrang pagtawa at umiling. "Wala pa eh. Nakakatakot itong batch na ito, mukhang mare-r**e ako nang wala sa oras." Umiling-iling lang siya at sa lumipas na oras ay sabay lang kaming nanunuod habang nagbibigay ng opinyon. Hindi naman talaga ako mapili pagdating sa P.A ko pero si Sam ang nagpupumilit na dapat ay 'almost perfect' daw ang piliin namin. Hmm, nandito kaya ang babaeng iyon? Nang ma-eskandalo ang pangalan ko ay hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Ang inalala ko ay ang babaeng hinalikan ko. Kasalanan ko naman kung bakit siya nadamay sa magulo kong mundo. Can't say that I regret kissing her though. Kung may pagkakataon ay uulitin ko iyon. Tsk, now I sound like a desperate guy. "Malapit na ang last batch na pero wala pa kayong napipili." Sasagot pa sana ako pero napako na ang tingin ko sa limang babaeng pumasok, lalo na sa pinakauna. Tulad ng dati ay nakasombrero siya kaya naman hindi ko alam kung mahaba ba o maiksi ang buhok niya. Hindi katulad ng iba ay simple lang ang suot at ayos niya. "Hindi ba't iyon 'yung babaeng nasa dyaryo kasama mo?" buong pagtatakang tanong ni John habang nakatingin rin sa dalaga. "Yep. I invited her." "Pero hindi ba't parang makakadagdag lang ito sa issue? Pa'no kapag nalaman ito ng press? Malalagay ka na naman sa dyaryo, Isaiah. Buti pumayag si Kim." "Look, it's my fault that she lost her job. It's my fault because I was the one who kissed her. Well, she can't resist me." Tahimik na lang kami muling nanuod habang paminsan-minsa'y tumatawa sa mga sagot nila. Pinipilit kong hindi titigan ang dalaga. Napakaseryoso ng mukha niya at alam kong kailangan niya ang trabahong ito. "Sunod na tanong, kapag nakikita niyo si Isaiah ay ano ang iniisip niyo?" Ang sagot na pumasok sa tenga ko ay ang sagot ng babae. I really need to know her name. "Para sa akin ay isa lang siyang ordinaryong lalaki." "Ohh! Sakit sa ego, Zay!" natatawang tukso ni John sa akin. "Shut up." Talaga kayang hindi siya attracted sa akin? Hindi man lang ba siya nagwa-gwapuhan sa akin? Kinuha ko ang cell phone ko at tinext kay Kim ang number na napili ko. "Sino'ng napili mo?" "Listen." pang-iignora ko sa tanong niya. Nang sabihin ni Kim ang balita sa dalaga ay mababakas ang sobrang saya sa mukha niya. Nagpasalamat siya kay Kim. Tumayo na ako at binuksan ang pinto bago lumipat sa kabila. Nakangiti namang bumaling sa akin si Kim at hinawakan ako sa braso at inilapit sa babae. "Isaiah, this is your new personal assistant. Andrea, meet your boss, Isaiah Montgomery." Andrea. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya. "It's nice to meet you, Andrea." nakangiti kong sabi sa kaniya at inilahad ang palad ko. Pilit ang ngiti naman niya itong tinanggap. Para sa isang babae ay medyo matigas ang kamay niya. "Ann na lang, Sir Isaiah." Pinisil ko muna ang kamay niya bago ito binitawan at inilagay sa bulsa ko. My hand felt empty. "Just call me Isaiah. Welcome to the company." "Thank you, Sir! Gagawin ko ang lahat para magampanan ang tungkulin ko!" Tango lang ang isinagot ko sa kaniya at muling ngumiti. "Bukas ay maaari ka nang magsimula. Ayos ba sa iyo 'yon?" nakangiting tanong ni Kim kay Andrea. "Oo naman po!" masiglang sagot niya. "Okay. Pwede ka nang umuwi, iwan mo na lang ang contact number mo para ma-text ka ng mga detalye. May photoshoot bukas si Isaiah ng umaga kaya naman kailangan ay mas maaga ka sa kaniya." "Areglado po, Ma'am! Maaasahan niyo po!" Pinagmamasdan ko siyang mabuti at ngayong nakikita ko siyang nakangiti ay mas lalo siyang gumanda sa paningin ko. It's unfair though. I find her attractive despite of her being boyish. Pero siya ay isang ordinaryong tao lang ang tingin sa akin? I'll have to fix that. Andrea Samonte Alas-sais pa lang ng umaga ay narito na ako sa harapan ng building ng agency ni Isaiah Montgomery. Napagalaman ko na may sarili pala siyang agency at siya mismo ang may-ari nito. Inihahanda ko na ang mga dadalhin ko para sa photo shoot ni Isaiah. Lahat ng sinasabi ng Manager at Assistant manager ay pinapakinggan ko. Sinasabi nila sa akin ang gustong kulay at porma ni Isaiah. Kailangan ko raw itong dalhin. Buti na lang at may van siya at doon nakalagay lahat ng gamit niya kaya naman pamimili na lang at pagbibitbit ng mga gagamitin niya ang gagawin ko. "Nakahanda na ang van ni Isaiah para ihatid ka sa site. May sarili naman kasing kotse si Isaiah kaya iyon na lang ang gagamitin niya sa pagpunta sa photo shoot. Maging alerto ka at lagi mong ibibigay kung ano ang kailangan ng alaga mo." "Naiintindihan ko po." "Good. O siya, mauna na kayo. Susunod kami ng asawa ko maya-maya." pagtataboy sa akin ni Manager Kim. Sumakay na ako sa van at hindi ko napigilang mamangha sa laki nito. Napasinghap ako ng sa likod ay may makita akong kama. Para itong isang maliit na bahay. Kumpleto sa kagamitan. Ngumiti ako sa driver na kilala ko sa pangalang Mang Mike. Matapos ang ilang minutong byahe ay ipinasok niya ang kotse sa isang magarang gate. "Nasaan po tayo, Mang Mike?" "Isa itong private resort na pagmamay-ari ng isang Direktor. Dito gaganapin ang photo shoot." Napatango-tango naman ako. "Ganoon ho ba? Salamat po. Kukunin ko na po ang mga gamit para maipasok na sa loob." Binuksan ko na ang pinto ng van at sumalubong sa akin ang mga mukhang excited na kababaihan pero nang makita nila ako ay nalukot ang mukha nila. "Nasaan na si Isaiah? Anu ba 'yan!" angal ng isa at napapadyak pa. Pinili ko na lang silang hindi pansinin at tumungo na sa likuran ng van para kuhanin ang inihandang gamit ni Isaiah. Dahil photo shoot naman daw ito ng isang sikat na brand ng damit ay siguradong mga damit nila ang ipapasuot nila kay Isaiah kaya naman ang mga bagay na kakailanganin lang niya ang inihanda ko. "Miss, sino ka? Bakit ka lumabas sa van ni Isaiah?" tanong sa aking likuran. "Ako ang bago niyang P.A." sagot ko sa kaniya nang humarap ako. "P.A? Akala ko gangster." sabi ng isang babae at nagsitawanan na sila. "Tumigil nga kayo diyan!" Saway naman ng babaeng nagtanong sa akin at muling humarap sa akin. "Kami ang staff ng company, tara ituturo ko sa'yo kung saan mo pwedeng ilagay ang mga gamit." nakangiting sabi niya sa akin. Mukha naman siyang mabait kaya sumunod ako sa kaniya at hindi pinansin ang tingin ng ibang babae. Mangha akong tumitingin sa paligid ng lugar. Parang sa t.v at pelikula ko lang nakikita ang ganitong klase ng lugar. Pumasok kami sa loob ng malaki at modernong bahay. Nag-alangan pa akong ipasok ang sapatos ko dahil sa sobrang linis ng sahig. Halos makita ko na ang sarili ko sa lapag ngunit pinigilan ako ng babaeng nagpakilalang si Kaye. May mga naglilinis naman daw dito. Pinigilan ko ang sarili kong maglaway at mapanganga ng mapagmasdan ko ang malaking sala. Sigurado akong mamahalin ang mga kagamitan dito at kapag may nasira akong isa ay hindi ko ito mababayaran. Dinala niya ako sa isang kwarto sa baba. Malaki rin ito at may malaking kama sa gitna. "Ito ang pahingahan ni Isaiah. Minsan kasi ay inaabot ng hanggang gabi ang photo shoot at kailangan niyang magpahinga." pagpapaliwanag niya. Inilagay ko ang dala kong bag sa itinuro niyang mesa. "Eight o'clock mag-uumpisa. Tatawagin na lang namin kayo kapag okay na ang set. Si Isaiah ba, ano'ng oras daw darating?" "Uhm, hindi ko alam eh. Ang sabi sa akin ni Manager Kim ay susunod na lang siya." Tumango-tango siya. "Sigurado namang hindi siya male-late. Laging on time dumating 'yon. O pa'no? Labas na ako at baka kailangan ako sa pool area." ngumiti siya ulit bago tuluyang lumabas. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa malaking bintana. Namangha ako dahil mula pala sa tanawing ito ay tanaw ko ang malaking pool kung saan abala ang mga tao. Ang sarap siguro ng buhay nila. Hindi nila kailangang pagpawisan para kumita ng pera. Mayayaman na sila. Kahit mamatay sila ay mayaman pa rin sila. Samantalang ang pamilya ko, kahit na ibuhos ko ang lahat ng lakas ko sa paghahanap buhay ay hindi kami magkakaroon ng ganito karangyang buhay. Tumingin ako sa pailigid at napabuntong-hininga. Ano ngayon ang gagawin ko habang naghihintay? PAGLABAS ko ng banyo ay muntik na akong mapatalon ng bumungad sa akin si Isaiah. "Ayy, kayong bulag!" gulat kong bulalas at napahawak sa dibdib ko. Napatawa naman ito. "Kabayong bulag? Really? Magugulatin ka pala." tumatawa pa ring sabi niya. "Kasi naman, hindi ka man lang nagsasabi na darating ka na pala! Bigla-bigla ka na lang susulpot!" inis kong sabi sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabing sinisigawan mo ba ako? "Uhm, sorry, Sir. Nandiyan na pala kayo. Hehe." napakamot na lang ako sa batok ko at napakagat labi. Nang tumingin ako sa kaniya ay nakita kong nakatingin siya sa labi ko. Pinigilan ko ang pagkagat dito at muling bumalik ang tingin niya sa mga mata ko. Ilang sandali lang kaming nakatingin sa isa't-isa hanggang sa magsimula siyang humakbang palapit. "Ordinaryong tao?" nanunudyong sabi niya habang lumalapit. Humahakbang naman ako paatras para mapalayo sa kaniya hanggang sa madikit ang likuran ko sa pader. Napalunok na lang ako dahil sa lapit niya. "You know, kakaiba ka talaga. Habang ang ibang babae ay ako ang pinakagwapong lalaki para sa kanila. Isa lang ordinaryong tao ang tingin mo sa akin. Tell me, hindi ka ba nagwa-gwapuhan sa akin?" "A-ahm, er- oo. Ang ibig kong sabihin syempre, artista ka kaya gwapo ka." "Kung halikan kaya kita ulit? Ano'ng gagawin mo?" nanlaki ang mata ko ng unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Ito ang gagawin ko." sabi ko sabay sipa sa binti niya dahilan para mapayuko siya at mahawakan ito. "I was just joking! Geez! Para sa isang babae, you're violent!" Nagkibit-balikat lang ako at binelatan siya. May sasabihin pa sana siya pero bumukas ang pinto at pumasok si Kaye. "Ready na po ang set. Ang model na lang ang hinihintay. Ito na pala ang mga isusuot mo. Ang bilin ni Direk ay unahin mong isuot itong swimming trunks." "Alright. Thank you. We'll be there in five." pilit ang ngiting sabi ni Isaiah na pinilit tumayo ng maayos. Tinignan muna kami ni Kaye na puno ng pagtataka bago lumabas ng tuluyan. Nilapitan ko naman ang inilapag niya sa mesa at inilabas ang mga nakalagay sa paper bag. Nakita ko ang isang blue trunks kaya inihagis ko ito sa kaniya. "Thank you." sarkastikong sabi niya at paika-ikang pumasok sa banyo. Napatawa naman ako ng mahina sa hitsura niya. Alam kong dapat ay magpakabait ako dahil baka tanggalin niya ako pero sa hindi malamang dahilan ay alam kong hindi niya iyon magagawa. Inihanger ko ang mga damit na ibinigay na nakalagay pa sa supot. Mukhang mamahalin talaga ang mga ito. Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ako kaagad lumingon mula sa ginagawa ko. "How do I look?" Lumingon ako at bahagyang nanlaki ang mga mata sa nakita. AyyKabayo! ———-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD