Chapter 5

2532 Words
Isaiah Montgomery I grin at my reflection when I thought of something to do to tease Andrea. I wonder if I can make her blush, squeal or faint seeing my body. Hindi ako katulad ni Godric na diyos na ang tingin sa sarili pero I could say that I’m confident enough. I’ve seen different reactions when people see my body. With one last look. I turned the door knob. Sumalubong sa akin ang nakatalikod na si Andrea na kasalukuyang inaayos ang mga gagamitin ko para sa photo shoot. Kung tutuusin ay hindi naman ako madalas tumanggap ng ganitong project dahil singer ako at hindi artista pero dahil kakilala at kaibigan ko naman ang ilan sa kanila ay pinagbibigyan ko na sila. “How do I look?” untag ko sa nakatalikod na dalaga. Lumingon siya at muntik nang mabitawan ang hawak. Kitang-kita ko kung paanong nanlaki ang mata niya habang sinusuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Oh s**t, her reaction is giving me a freaking b***r. She opened her mouth to say something pero sinara niya ito at bago pa siya makatalikod ay nakita ko na ang pamumula ng buo niyang mukha na sinubukan niyang itago ng sombrero niyang suot. “Ang laswa! H-Hindi ba dapat ay sa banyo ka lang nakasuot ng ganiyan?” pinilit niyang patigasin ang boses pero alam kong nanghihina siya. Naglakad ako palapit sa kaniya hanggang sa halos nakatayo na ako sa likuran niya. “T-Tara na at baka naghihintay na s-si—” hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil sa paglingon niya ay bumunggo siya sa dibdib ko. Hinawakan ko siya sa baywang para hindi siya matumba pero naging resulta ito ng pagdidikit ng mga katawan namin. Pinilit niyang makawala mula sa pagkakahawak ko pero hindi ko siya hinayaan. Yumuko ako ng konti para magpantay ang aming mga mukha. “You’re blushing. Why? Akala ko ba ay ordinaryong lalaki lang ang tingin mo sa akin?” “B-bitawan mo nga akong hudyo ka! HIndi ako nakikipagbiruan sa’yo! Bibilang ako ng tatlo. Kapag hindi mo ako binitaw—” “Ano? Sisipain mo ulit ako? Hindi na ako papayag. I’ll make you pay.” Unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa kaniya at lalo namang lumalaki ang mga mata niya. Nagwala siya mula sa pagkakahawak ko at may isang parte ng katawan ko ang nagsimulang mabuhay dahil sa lapit ng katawan niya. Tila naman naramdaman niya ito kaya napasinghap siya. Bago pa man niya magawa ang binabalak niyang pagtuhod sa akin ay naiiwas ko na ang sarili ko. “Woah! Don’t hurt my little man, Andrea! Gusto ko pang magkaroon ng maraming anak!” “M-manyak! Pare-parehas talaga kayong mga lalaki!” kumawala ulit siya mula sa pagkakahawak ko at hinayaan ko na siya. Galit siyang lumabas at halos masira na ang pinto sa lakas ng pagkakasara niya rito. Napapailing na lang ako habang nakangiti pa rin. I almost got my precious part hurt but it’s worth it. I’ve got the reaction that I want to see. So adorable. Gusto ko ulit makita ang namumula niyang mukha.  I looked down and groaned. Paano ngayon ito mawawala? “ALRIGHT, face your left side, Isaiah. I want you to look sexy. I want your eyes to look like you are seducing someone.” Ginawa ko ang sabi niya at nagtama ang mga mata namin ng inis pa ring si Andrea na may hawak na tuwalya. Pinigilan kong mapangiti at ginawa ang utos ng photographer. Tumingin ako kay Andrea na para bang inaakit siya. Pinalamlam ko ang mga mata ko at tumiim-bagang. May ibang kababaihan sa paligid ang nagkunwaring nahimatay. “Perfect! That’s it! Don’t move!” Naaakit ka na ba? I chuckled when I saw her blush once again. God damn, so beautiful. “Ang swerte naman ni Ateng P.A. Siya ang tinitignan ni Isaiah!” dinig kong bulong pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. “Alright! We’ve got the perfect photo! Ipagpapatuloy natin ang photo shoot later at exactly 2pm.” anunsyo ng photographer at nagsimula nang mag-ayos ang staff para ilipat ang mga kagamitan sa loob ng mansion kung saan magaganap ang ikalawang photo shoot. Hinintay kong makalapit si Andrea sa akin para mapunasan ako pero hindi pa siya nakakalapit ay nakita ko ang mga babaeng patakbong papunta sa direksyon ko. Tila walang pakialam na may ibang tao sa harapan nila. Ganoon na lamang ang gulat ko nang maitulak nila si Andrea sa pool. Hindi na ako nag-aksaya pa nang pagkakataon at agad na sumisid para sagipin ang tila hindi marunong lumangoy na si Andrea. Nang makalapit ay hinawakan ko siya sa baywang at inilangoy sa mababang parte ng swimming pool. Binuhat ko siya at inihiga. Agad ko siyang binigyan ng mouth-to-mouth resuscitation at hindi binigyang pansin ang mga taong nakikiusyoso. Ilang minuto pa ay nagsuka na siya ng tubig at nakahinga na ako ng maluwag. Inalalayan ko siyang maupo habang nakasandal siya sa braso ko. Ngayon ko lang din napansin na natanggal pala ang suot niyang sumbrero at malayang nakalugay ang mahaba niyang buhok na bahagyang nakatabing sa mukha niya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya at hinaplos ang mukha niya. “Are you alright?”  Nanghihinang tango lang ang ginawa niya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at binuhat na siya para madala sa loob ng bahay. “Oh my god, what happened?!” nag-aalalang tanong ng kararating lang na si Kim. Tumingin ako sa grupo ng babae na nakatulak kay Andrea at nag-iwas naman sila ng tingin. “I don’t know. One second, she’s walking and the next think I know is she’s drowning. I want you to investigate this, Kim. Hindi ko mapapalampas ang ginawa nila sa assistant ko. I’ll take her inside.” Tango lang ang isinagot niya at sinundan na lang kami ng tingin. “I-Ibaba mo na ako. Hindi pa naman ako patay. Kaya kong maglakad.” mahinang utos niya. “Shut up and rest. I’m your boss so you’ll do what I said.” Hindi na ulit siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa kwarto. Marahan ko siyang inilapag at inalalayan habang nakatayo. “You’re all wet, you need to change your clothes. Do you want me to help you?” “H-Hindi! Kaya ko na ito mag-isa!” pagtanggi niya at nagsimula nang maglakad papasok sa banyo. Nang makapasok siya ay napailing na lang ako. She’s so damn stubborn. Reminds me someone. Kumuha ako ng tuwalya sa cabinet at sinimulang punasan ang katawan ko habang naghihintay sa paglabas niya. “Uhm, Sir Isaiah?” “Yes?” “Wala akong dalang extrang damit.” Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Napalunok ako at napatiim-bagang na lang. I shook my head to compose myself. Nahahawa na ata ako sa pagiging m******s ni Godric. “You can wear my... shirt.” I cleared my throat and started looking for a shirt and boxer for her to wear. Sa huli ay ang isang white tee shirt at isang bagong boxer short ang napili ko. Kumatok ako sa pinto bago nagsalita. “The boxer is new and this is the smallest tee shirt I have. I will ask Kim if she has a spare clothes for you pero ito muna ang pagtiyagaan mo.” Binuksan niya ng konti ang pinto at inilabas lang ang kamay. Natatawa ko namang inilagay sa kamay niya ang mga damit. “I am not a r****t you know.” pahabol kong sabi sa kaniya bago niya isara ang pinto. Narinig ko pa ang pag-ismid niya na lalo kong ikinatawa. Habang hinihintay siyang matapos ay ako naman ang naghanap ng maisusuot ko habang naghihintay ng pangalawang photo shoot. “Isaiah?” katok ni Kim sa pinto. Lumapit ako at binuksan ang pinto. “Nakausap ko na ang mga babaeng nakabunggo kay Andrea. ’Yung iba sa kanila ay inosente pero may isang babae na alam kong nagsisinungaling. May palagay ako na siya ang nagtulak kay Andrea.” “Who is she?” “She’s Angelina from the editor’s team.” “Fire her.” Napataas naman ang kilay niya. “Mukhang nagiging protective ka na sa bago mong assistant? Do you like her, Isaiah?” “Don’t be silly, Kim. Anyway, may extra ka bang damit na magagamit niya?” pag-iiba ko sa topic dahil ayaw kong bigyan niya ng malisya ang kung anumang nararamdaman ko kay Andrea. “Oh no! Wala akong dala dahil maya-maya rin ay aalis na kami ni hubby eh. Sorry, Isaiah.” “Nah, it’s okay. May sasabihin ka pa ba?” “Yes! Bukas na ang party ng Producer mo sa bahay nila. Kailangan mong pumunta dahil magtatampo ’yun.” “Yeah, yeah. HIndi ko naman nakalimutan. Kung wala ka nang sasabihin, pwede ka nang umalis at magpapahinga pa ako. ” “Alright! Bye! Use protection!” biro niya bago tatawa-tawang naglakad palayo. “Shut up!” naiiling kong isinara ang pinto. Lumingon na ako at nagulat nang makita si Andrea sa likuran ko. “Damn it! Hindi ko man lang nari—” Natigilan ako sa sinasabi ko nang mapagmasdan kong mabuti ang kabuoan niya. Her long hair is still wet and dripping. My tee shirt is too big for her it almost reach her knees. I clench my fists to stop myself from devouring her like a starved man. But when she bit her lip and blushed something in me snaps and said f**k it. Lumapit ako sa kaniya at hinapit siya sa baywang. “You are tempting me, Angel. You don’t know how sexy you look right now. I just want to take you. I’m always patient but with you, you make me want to lose my control . You’re making me insane with want.” For the second time, I captured her lips. “BAKIT ka ba kasi nagkaroon ng bakat ng sampal sa mukha ha, Isaiah? Dati naman ay hindi ka nagkakaroon ng ganiyan. Kailangan pa tuloy nating takpan para hindi makita ng mga guest mamaya sa party ni Sir Allan.” sermon sa akin ni Kim habang pinapanuod ang make-up artist sa paglalagay ng kung ano-ano sa mukha ko para hindi mahalata ang namumulang kanang pisngi ko. I’m proud to wear it though. I got to kiss her again but ended up with a burning face after she slapped me. God, hindi ko tuloy alam kung masokista ba ako o talagang gusto ko lang ang babaeng iyon. Can’t say that I’m happy with what she did. I’m pissed as hell. Siya pa lang ang babaeng nakapanakit sa akin ng gano’n karaming beses. “It’s nothing big, really.” I said nonchalantly. “Kapag ako talaga, Cornett nalaman ko na may kalokohan kang ginagawa na posibleng makasira sa career mo ay hindi ko iyan mapapalampas.” “Don’t stress yourself over this, Kim. It’s really not a big deal.” “Whatever. Gusto nga palang makilala ni Sir Allan si Andrea kaya inimbita rin niya ito.” “Pft. ’Wag mong sabihing tuxedo rin ang isusuot niya?” napapapalatak kong tanong sa kaniya. Don’t get me wrong though, I know that Andrea’s beautiful. The most beautiful girl I’ve ever seen, really. Pero hindi siya ang tipo ng babae na mahilig magsuot ng gown o hindi kaya naman ay makihalubilo sa ibang tao. “Don’t be like that. Tell you what, I will personally prepare her. Kapag nalaglag ang panga mo ay Cornett na ang itatawag ko sa’yo forever.” panghahamon niya. “Deal.” walang pag-aatubili kong sabi ko sa kaniya. Gusto kong makita kung ano ang magiging resulta ng ipinagmamalaki niya. “Ha! You’ll regret that. Kakainin mo ang mga sinabi mo.” “We’ll see.” “Tapos na, Madame. Gwapings na ulit si Fafa Isaiah.” untag sa amin ni Queenie. Tinignan ko ang mukha ko at napatango. Natural lang ang ginawa niya at hindi na mapapansin ang pamumula ng kaliwang pisngi ko. Pumalakpak si Kim. “Okay! Mauna na kayong umalis at susunod na lang kami ni Andrea. Remember our deal, Isaiah.” nakangising sabi ni Kim at itinapat pa ang dalawang daliri sa mga mata bago ito itinuro sa akin. Napailing na lang ako at lumabas na ng dressing room. Sabay na kaming naglakad ni John pababa ng building at pasakay sa van. Pagdating sa mansion ni SIr Allan ay marami nang nakaparadang kotse sa labas. Ipinarada na ang van sa nakareserbang pwesto sa amin at sabay na kaming naglakad ni John papasok sa loob ng bahay. Dahil iba’t-ibang klase ng tao mula sa industriya ang bisita ay hindi mawawala ang mga reporter pero hanggang labas lang sila. Pina-pwesto nila ako at sunod-sunod nang nagkislapan ang mga camera. Nakita ko ang isa ring malapit na kaibigan na si Cristina. Isa siya ngayon sa hinahangaang aktres ng karamihan at hinahangaan ko rin siya dahil sa pagiging down to earth niya. Hinalikan niya ako sa pisngi at sunod-sunod na naman ang pagkislap ng mga camera nila. Ilang beses na kaming na-issue pero alam naman naming pareho na hanggang kaibigan lang ang tingin namin sa isa’t-isa dahil mayroon na siyang nobyo. “Zay, I missed you boo. Naging busy kasi ako kaya hindi kita nakamusta.” naka-pout niyang sabi. Natawa kami parehas at iniyakap niya ang braso niya sa braso ko at sabay na kaming naglakad papasok sa loob. Binati ko ang lahat ng taong kilala ko at ganoon din ang ginawa niya. Nang makita namin ang birthday boy ay sabay kaming lumapit. “Glad you two are here for this old man’s birthday.” madramang sabi ni Sir Allan na bukod sa pagiging producer ay kaibigan din ni Daddy kaya naman malapit siya sa akin at parang pangalawang ama na ang tingin ko sa kaniya. “Don’t be silly, Sir Allan! How young are you anyway, twenty nine?” biro ni Cristina na ikinatawa naming tatlo. “Happy birthday, Ninong.” bati niya at hinalikan ito sa pisngi. “Salamat, inaanak sa bati at sa bola.” bumaling siya sa akin at niyakap ko naman siya. “Ah, my favorite singer is here!” “Excuse me guys.” paalam ni Cristina at lumayo na sa amin. “Zay, pwede ba akong mag-request sa iyo? Pwede mo bang buksan ang party sa pamamagitan ng pagtugtog? Gusto ko kasing isayaw ang Tita Abby mo.” “Sure, Tito! Ano’ng kanta ba ang gusto niyo?” masigla kong tanong sa kaniya. “She by Elvis Costello.” “No problem, Tito. Basta kayo.” “Thank you, son. Excuse me.” tango lang ang isinagot ko at nakita kong nilapitan niya ang isang lalaki na sa hinuha ko ay siyang host ng party. Tumango ang lalaki at may ibinulong naman sa DJ. Pumunta na sa harap ang host kaya naman nalipat ang atensyon ng mga tao sa kaniya. “Good evening ladies and gentleman! First of all, I want to greet our beloved producer Mr. Allan Romero for his fifty second birthday!” nagpalakpakan ang mga tao at ngumiti naman sa kanila si Tito Allan. “It’s my honor to say that Isaiah Montgomery will sing a song for the birthday boy and his beautiful wife. Let’s welcome, Mr. Isaiah Montgomery!” nagpalakpakan ang mga tao at binigyan ko naman sila ng ngiti habang naglalakad sa piano. Nang nakapwesto na ako ay awtomatiko na silang tumahimik. “This song is for you Tito and Tita.” Sinimulan ko na ang pagtugtog habang nakapikit. She may be the face I can’t forget The trace of pleasure or regret May be my treasure or the price I have to pay She may be the song the summer sings May be the chill the autumn brings May be a hundred different things Within the measure of a day She may be the beauty or the beast May be the famine or the feast May turn each day into a heaven or a hell She may be the mirror of my dreams The smile reflected in a stream She may not be what she may seem inside her shell Nakangiti akong tumingin sa nagsasayaw na mag-asawa. They look so in love. I want that someday. I want someone to look at me like that and I will look at her like it’s the last time. She may be the reason I survive The why and wherefore I’m alive The one I’ll care for through the rough in many years Me, I’ll take her laughter and her tears And make them all my souvenirs For where she goes I’ve got to be The meaning of my life is she She She Nang matapos ang kanta ay dumilat ako at nagtama ang mga mata namin. Wala akong ibang masabi kung hindi... “Wow.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD