----
Andrea Samonte
“Inimbitahan ka ng Producer ni Isaiah dahil gusto ka niyang makilala.“wika ni Manager Kim nang personal niya akong kausapin habang inaayos ang ilan sa mga gamit ni Isaiah kahit pa wala naman akong masyadong kailangan ayusin dahil likas nang malinis at masinop si Isaiah.
Bahagya akong napakamot sa ulo dahil sa sinabi niya. “Eh, Ma’am Ki--”
“Kim. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na Kim na lang or Sam ang itawag mo sa akin?”
“Sorry. Nasanay lang. M’a-err--Kim, hindi ako mahilig sa party. Siguradong mayayaman at kilalang tao ang naroon kaya ayaw kong mapahiya si Sir Isaiah.” Pagtanggi ko sa alok niya.
“Ann, mabait na tao si Sir Allan and I’m sure mag-e-enjoy ka. Besides, hindi ako p’wedeng umatras sa usapan naming ni Cornett.” Binulong niya ang huli niyang sinabi kaya naman hindi koi to naintindihan.
“Ha?”
“Wala ’yun. Pumunta ka na please?”
“Ang totoo kasi niyan ay wala talaga akong isusuot.” Kagat-labi kong pag-amin sa kaniya.
Lumiwanag ang mukha niya at napapalakpak pa. “Hindi iyan problema! Hayaan mo nang si Fairy God Manager mo ang magpaganda sa’yo!” tuwang-tuwa niyang sabi at walang tigil na sa pagsasalita.
Takang-taka naman ako sa tinuturan niya. Fairy God Manager? Ano kaya ang pakulo niya? Sana naman ay hindi ako magsisi sa desisyon kong pumunta. Mula pagkabata pa lamang ay iniiwasan ko nang pumunta sa mga party lalo na kung pang-mayaman dahil naranasan ko na noon kung paano nila ako apihin at insultuhin. Dahil na rin sa pagiging ‘boyish’ ko ay pulos panlalaking damit ang gamit ko kaya naman hindi maiwasang maging issue. Isang beses akong pinagsuot noon ni Inay ng gown para sa sagala at dahil bakla ang nag-make up sa akin ay nagging makapal naman ito at tinukso akong clown. Mula noon ay todo iwas na ako sa pagpunta sa mga party.
“The party will start in an hour kaya kailangan na nating magsimula! Let’s go shopping!” masayang anunsiyo ni Kim na kung hindi lang siguro malaki ang tiyan dahil sa pagbubuntis ay nagtatalon na sa sobrang kasiyahan.
Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa sinabi niya. “Wala akong pera eh. May matino naman akong polo shirt at pantalon sa bahay baka na--”
“No, no, no! Hindi ’yan maaari! Ako ang bahala sa’yo. Doncha worry my dear.”
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa loob ng isang boutique na pag-aari raw ng asawa ng pinsan ni Isaiah.
Pagpasok ay sumalubong sa amin ang isang napakagandang babae. Halos mahiya na akong tumayo sa harap niya dahil sa sobrang ganda niya. Para siyang isang modelo na kagagaling lang sa isang photo shoot. Hindi ko maiwasang manliit dahil na rin sa hitsura niyang halata mong mayaman. Wala sa sarili akong napatingin sa kabuuan ko at napangiwi.
“Marga, hi! How are you?” masiglang bati ni Kim sa magandang babae na siya palang may-ari nitong boutique.
Napaka-s’werte ng napangasawa nito dahil bukod sa maganda ay mukhang mabait pa ito.
“Kim, natutuwa akong makita ka ulit. Kamusta na ang asawa mo?” nakangiting tanong ni Margareth kay Kim at napatingin naman siya sa akin. Nginitian niya ako at wala akong nabakas na panghuhusga sa maganda niyang mukha. ”
“Who’s your friend?”
“Oh, how rude of me. She’s Isaiah’s new P.A, Andrea Samonte. Ann, meet Devlin Montgomery’s wife, Margareth Montgomery.”
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Nakipag-beso siya sa akin at bahagya pa akong niyakap. Hindi ako makapaniwalang ang isang kagaya niyang sosyal at eleganteng babae ay yayakapin ang isang mahirap na kagaya ko.
“It’s nice to meet you, Andrea! What can I do for you ladies?” nakangiti pa rin niyang tanong.
“Pupunta kasi kami sa party ni Sir Allan at inimbitahan niya si Andrea. Gusto ko sanang pumili ng gown na babagay sa kaniya, ’yung tipong mapapanganga at matutulala ang taong makakakita sa kaniya. Alam kong mahusay ka sa ganito kaya sa’yo agad ako lumapit, Marge.”
Tumango-tango si Margareth at sinimulan akong obserbahan. Inilagay niya ang daliri niya sa baba niya at sandaling nag-isip. Maya-maya pa ay napapalakpak siya.
“I know the perfect dress for her!”
Dress? Hala ka. Ano na naman ba itong pinasukan mo, Andrea?
Matapos ang mahigit isang oras na pagdadamit sa akin ni Kim ay lulan na kami ng van papuntang party. Pagkagaling naming sa Margareth’s Boutique ay wala akong nagawa ng dalhin niya ako sa isang sikat na parlor para paayusan. Kung ano-ano ang ginawa nila sa mukha ko na hindi ko naisip gawin buong buhay ko. Pinaayos niya ang kilay ko, kinulot ang mahaba kong buhok at nilagyan ng kung ano-anong kolorete sa mukha.
Nang matapos sila sa ginagawang ekperimento sa akin at iniharap ako sa isang malaking salamin para tignan ang sarili ko ay halos hindi ko na makilala ang babaeng kaharap ko. Ilang minuto lang akong nakanganga habang nakatitig sa sarili ko at hindi makapaniwalang sarili ko ang nakikita kong magandang babae.
Isang berdeng dress na hindi kahabaan. Nakalitaw ang maputi kong balikat. Ang buhok ko ay tinipon nila sa kanang bahagi ng balikat ko kaya naman malaya mong makikita ito.
“Ako ba talaga ito?” namamanghang tanong ko sa sarili ko habang wala pa ring patid sa pagtingin sa kabuuan ko.
“Yes. Alam ko na noon na maganda ka pero hindi ko inakalang ganito ka kaganda, Ann. Gosh, I can’t wait to see Cornett’s reaction!” impit na tili ni Kim na binigyan ng makahulugang titig si Margareth.
Hindi ko na lang binigyan ng pansin ang makahulugan nilang tingin at muling tinignan ang sarili ko. Naninibago ako sa pananamit at at hitsura ko pero hindi ko maitatangging nagustuhan ko ito.
“Here, Ann. Wear this.”
Iaabot sana ni Kim ang isang sandals na halos lumuwa na ang mata ko sa taas ng takong. Matigas ang ginawa kong pag-iling at hindi ito tinanggap.
“Hindi ako sanay magsuot ng ganiyan at kung maaari sana ay ako naman ang masunod sa isusuot ko sa paa.” nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa.
MATAPOS ang ilang minutong byahe papunta sa part ng producer ni Isaiah ay sabay kaming bumaba ni Kim. Bahagya na naman akong nakaramdam ng panliliit ng mabungaran ko ang isang kumpol ng mga reporter na nakatingin sa aming bagong dating.
“Tara na. Baka nagsisimula na ang party.” aya ni Kim sa akin.
Bago siya makahakbang palakad sa red carpet ay pinigilan ko siya. “Uhm, kailangan ba talaga ako sa loob? Hindi pa naman ako nakikita ni Isaiah baka p’wedeng umalis na lang ak--”
“Andrea. Nakabihis ka na. You look so beautiful. I’ll be honest with you dear, kayang-kaya mong pantayan ang ganda ng mga artista at modelo sa loob... p’wera na lang sa porma. Ugh! Bakit kasi ayaw mong magsuot ng heels?” reklamo nito sabay pout na ikinatawa ko.
Muli kong tinignan ang simpleng sandals na napili ko. Flat ito pero may dating pa rin at bagay na bagay sa suot ko.
“Ayoko kasing mapahiya sa harap ng maraming tao kapag natapilok ako at bumagsak sa sahig.” pangangatwiran ko sa kaniya.
iniikot lang niya ang mga mata niya at inakay na ako palakad sa red carpet na kailangang daanan para makapasok sa loob ng malaking mansion. Dahil kilala ng reporters si Kim ay may mga kumuha sa kaniya.
Nagulat ako nang biglang magkislapan ang mga camera habang nakatapat sa akin at sunod-sunod na ang mga tanong nila.
“Sino siya, Ms. Samantha? Bagong model?”
“Bagong alaga mo para maging artista?”
“Ang ganda niya ngayon ko lang siya nakita!”
Bahagya naman akong pinamulahan ng mukha dahil sa mga papuri nila. Hindi ako sanay sa ganito at ang Inay ko lang at si Lena ang nagsasabi nito sa akin.
“She’s... A very special friend of mine. Excuse us.” Nakangiting paalam ni Kik bago ako marahang hinatak palakad.
Bumubungisngis siya at parang nakaramdam na ako ng takot dahil baka nawawala na siya sa sarili niya,
“I can’t wait to see his face~” bulong niya sa sarili niya.
Napapailing-iling na lang ako sa kaniya habang pilit na sinasabayan ang bilis ng paglakad niya. Hindi man sanay ay pinipilit ko ang sarili kong maglakad na parang isang mahinhing binibini base na rin sa turo ni Margareth at Kim. Hindi naman daw bagay kung kilos lalaki pa rin ako gayung babaeng-babae ang hitsura ko.
Pagpasok pa lang sa loob ay pumapailanlang na ang isa sa paborito kong kanta. Nakilala ko naman kaagad kung kanino nanggagaling ang boses.
Naglakad pa kami ni Kim hanggang sa tumigil siya ilang dipa ang layo mula sa pwesto ni Isaiah na payapang-payapang kumakanta, animo’y walang tao sa paligid. Nakapikit siya habang kumikilos ang mga daliri kasabay ng pagkanta niya.
Nang mga sandaling iyon ay muling bumalik sa akin ang naramdaman ko noong unang beses ko siyang napanuod at narinig na kumanta. Ngayong kitang-kita ko ang mukha niya ay parang mas dumoble pa ang nararamdman ko,
Nang matapos ang kanta ay dumilat siya at sakto namang nagtama ang aming mga mata. Hindi kaagad ako nakakilos at nakatitig lang sa kaniya. Para bang kaming dalawa lang ang tao, walang ibang tao sa paligid, walang nagbubulong-bulungan.
Nakita ko siyang napalunok habang hinahagod ako ng tingin. Nang ibalik niya ang tingin sa mga mata ko ay muntik na akong mapasinghap dahil sa nakitang labis na paghanga sa mga mata niya. Ibig sabihin kaya ay nagustuhan niya ang hitsura ko?
Teka! Ano bang paki ko kung nagustuhan niya o hindi ang suot ko? Hindi naman para sa kaniya kaya ako nagpaganda!
So, inaamin mong nagpaganda ka nga? Usig naman ng konsensya ko.
Umiling ako para iwaksi ang mga bagay na iyon sa isipan ko. Hindi ko dapat iyon iniisip!
“Is that really you Andrea? Wow... I just... Wow. I don’t know what to say. You look.. Beautiful. Hell, the word beautiful isn’t enough to descibe you.”
Gulat na lang akong napatingin sa nakalapit na palang si Isaiah. Gano’n ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko siya namalayang lumapit?
Binuksan ko ang bibig ko para magsalita pero walang lumalabas na anumang salita kaya sinara ko ito ulit.
“Ahem. Isn’t she lovely, Cornett?” may bahid panunuksong sabi ni Kim kay Isaiah.
Sinamaan naman ng tingin ng binata si Kim dahil sa sinabi nito.
“Okay! Okay! Kakausapin ko pa si Sir Allan. See you both later~. Bye Ann, Bye Cornett!” Magiliw na paalam ni Kim at naglakad na palayo.
Wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya ng tingin. Nakaramda ako ng kaba dahil kaming dalawa na lang.
Biglang pumailanlang ang kantang Wonderful Tonight at nakita kong isa-isa nang nagsasayawan ang magkakapareha.
Napakagat-labi ako dahil hindi ko alam ang gagawin.
“May I have this dance, my lady?” Nakangiting aya ni Isaiah sabay lahad ng palad.
Ilang sandali kong tinignan ang kamay niya na para bang anumang sandali ay may lalabas dito.
“Uhh, hindi ako marunong magsayaw.” Nahihiya kong sabi sa kaniya.
Ngumiti lang siya at nabigla ako nang bigla niya akong hapitin sa baywang at hawakan sa kamay. “I have forever to teach you.”
Hindi ako nakapagsalita, bagkus ay inilagay ko na lang ang Isa ko pang kamay sa braso niya habang marahang sumasayaw sa saliw ng kanta. Ilang beses ko siyang natatapakan pero ngumingiti lang siya at marahan akong tinuturuan ng tamang paggalaw.
“Have I told you that you look lovely tonight? You are the most beautiful girl in this house.”
Naramdaman kong nag-iinit ang mukha ko kaya naman bahagya akong yumuko. “Tigilan mo nga ako, Sir Isaiah. Hindi magandang magsinungaling.”
“Sino ang nagsabing nagsisinungaling ako?”
Nakagat ko ng mariin ang pangibabang labi ko bago nagsalita. “Bakit nga pala Cornett ang tawag sa’yo ni Kim?” Pag-iiba ko sa usapan.
“That’s my second name.” Nakangiwing sabi niya na bahagya kong ikinatawa.
“Parang Cornetto.” Natatawang sabi ko.
“Oh you don’t know how long she’ll call me that because of you.”
“Ako? Ano naman ang kinalaman ko?” Taka kong tanong sa kaniya.
“Malaki.” nakangiting sabi niya. Nagkaro’n ako ng pagkakataong tignan ang mukha niya. Itanggi ko man ay alam ko sa sarili ko na humahanga ako sa taglay na kagwapuhan ni Isaiah Montgomery.
“I have a wish.”
“Wish? Ano naman?” Natatawang tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot at naramdaman ko na lang ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko na lumipat sa mukha ko na marahan niyang hinahaplos.
“I wish that you won’t disappear just like what Cinderella did.” Matapos niyang sabihin ’yon ay unti-unti na niyang inilalapit sa mukha ko ang mukha niya habang nakatingin siya sa mga labi ko.
Hahalikan niya ako! Dapat ay umiwas ako, itulak siya o hindi kaya naman ay sipain siya pero nang ipikit niya ang mga mata niya ay natahpuan ko na lang ang sarili kong napapikit na rin at hinintay ang sunod na mangyayari..