Chapter Seven
Isaiah Montgomery
Bago pa man tuluyang maglapat an gaming mga labi ay nagpalakpakan ang mga tao sa paligid naming kaya naman parang napasong lumayo sa akin si Andrea at nahihiyang inilibot ang paningin sa paligid at pilit na iniiwasang mapatingin sa akin.
I cursed silently. It was so damn close! I was close to kissing her again, dammit. I lost control over myself once again. Hindi ko alam pero nang makita ko siya ay labis akong humanga sa kagandahan niya. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niya at napakaganda niya sa suot niya. I was totally smitten by her beauty.
Ano nga ba ang mayro'n sa kaniya na naka-agaw ng pansin ko?
I cleared my throat and smiled at people looking at me with amuse and curious eyes. Damn, another issue.
Nakita kong papalapit sa amin si Tito Allan kaya naman ngumiti ako sa kaniya. Nakita kong nakatingin siya kay Andrea na halatang kinakabahan nang makitang papalapit ang producer ko.
"Thank you for that wonderful performance, Isaiah."
"It's my pleasure, Tito." Nakangiti kong sagot sa kaniya. Nang muli niyang tignan si Andrea ay ipinakilala ko ito sa kaniya. "Andrea, I'd like to introduce to you, my producer, Allan Gomez, Tito, meet my new personal assistant, Andrea Samonte."
"H-hello. Happy birthday, Sir." Rinig kong sabi ni Andrea. Bahagya ko siyang sinulyapan ng tingin at nakita kong ang kaba niya.
"Hello, Andrea. I've heard so much about you. Wow, you sure you're his personal assistant? Kung hindi ko lang alam ay aakalain kong siya ang date mo Isaiah base na rin sa mga tingin mo sa kaniya." He blatantly said making Andrea blush.
"Tito.." apela ko sa akusa niya sa akin.
"What? She's beautiful, isn't she? Come, I'll introduce you to my wife and children, hija." Nakangiting aya niya kay Andrea.
Tumingin muna sa akin si Andrea na para bang humihingi ng permiso, tango lang ang isinagot ko sa kaniya at sumama na siya kay Tito Allan.
Was I really that obvious? Tanong ko sa sarili ko nang makalayo na sila.
"Hi Cornett~"
I groaned at playfully glared at my Manager.
"Why are you calling me that? Nanalo ka na ba?" panghahamon ko sa kaniya kahit pa alam kong siya naman talaga ang nanalo.
She smirked at me and held up her phone. My eyes widened in surprise when I saw the photo of me and Andrea. Magkalapit ang mukha naming at parang walang pakialam sa paligid.
"Need I say more? I win! Muula ngayon ay Cornett na ang itatawag ko sa'yo. Gosh, Zay. You should have seen your face! Nang una mo siyang makita ay natulala ka at parang na-hipnotismo. You got it bad. Tsk."
"Shut up, Kim. Aren't you worried that this might come out? This is an issue." Paalala ko sa kaniya na ikinibit balikat lang niya.
"Who cares? Besides, hindi nila makikilala si Ann kapag hindi na siya naka-make up. Mahihirapan lang silang hanapin ang 'mahiwagang babae'." Pagbibigay katwiran niya sa akin.
"Bakit parang pakiramdam ko ay itinutulak mo siya sa akin, Samantha?" seryosong tanong ko sa kaniya. Napatingin ako sa gawi nila Andrea at Tito Allan at nakita ko siyang nakangiti. Parang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko dahil sa ngiti niyang iyon.I got it bad, alright.
She sighed. "Zay, it's been years mula nang makita kitang nagkagusto sa isang babae, umabot na nga sa puntong naisip ko na baka lumipat ka na ng team." Natatawang sabi niya pero tumikhim ng makita ang hitsura ko. "Honestly, yes. Gusto ko si Andrea para sa'yo. Alam kong bagay kayo sa isa't-isa at ako ang magiging number 1 fan ng love team niyo. May ship name na nga ako eh, Ansaiah. Parang an'saya 'no?" tumawa siya ng malakas matapos niya iyong sabihin dhailan para mapatingin sa kaniya ang ilang guests. Naiiling na lang ako sa kabaliwan niya.
"I swear, sana hindi magmana sa'yo ang magiging inaanak ko."
"Tse. Anyway, your birthday is tomorrow, same plan or you want something new?"
I shook my head a little. "Same old, same old. It's nothing special for me."
Muli akong napatingin sa gawin ni Andrea at nakita ko siyang naglalakad na pabalik sa amin. She's smiling shyly at other people and when she saw me looking at her, she blushed and bit her lip.
Oh f**k me, I think I like her.
Andrea Samonte
Araw ng sabado ay nagmumuni-muni lang ako sa labas ng bahay namin. Hanggang ngayon ay hindi mawaglit-waglit sa isipan ko ang nangyari sa party. Para bang... ibang Andrea ang naroon. Hindi lang dahil sa panlabas na kaanyuan kun'di dahil na rin sa mga kinilos at nararamdaman ko.
Bakit ang g'wapo ni Isaiah Montgomery sa paningin ko? Bakit parang may kilig akong nararamdaman dahil sa mga sinasabi niya? Hindi kaya... nagkakagusto na ako sa isang lalaki?
Umiling-iling ako at isinampal ang dalawang kamay sa mukha ko. HIndi p'wede! Isinumpa ko na noon pa man na hinding-hindi ako magkakagusto sa lahi ni Adan!
"Andrea!!"
Napapiksi ako nang dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan ko na kilalang-kilala ko na kung sino.
Nang makalapit si Lena ay hinampas niya ako sa braso at may inilapag na dyaryo sa hita ko pagkatapos ay padabog na naupo sa tabi ko. Tinignan ko siya at nakita kong nakalabi siya kaya naman napataas ang kilay ko sa inasal niya.
"Ano'ng problema mo, bruhilda?" taka kong tanong sa kaniya na hindi inaalis ang tingin sa mukha niya.
Inirapan niya ako bago sumagot. "Tignan mo 'yang dyaryo! Nakakasama ka na nang loob. Sabi mo hindi ka magkakagusto sa mga lalaki, eh ano 'yan? Inaagaw mo na ang asawa ko! Huhu!" madramang sabi niya kaya naman taka kong tinignan ang d'yaryo para lang manlaki ang mga mata.
"Mukhang may kinahuhumalingan na ang sikat na singer/pianist na si Isaiah Montgomery. Sino kaya ang mahiwagang dalagang kasayaw niya?" basa ko sa headline. Makikita ang picture namin na magkalapit ang mukha habang nakapikit.
Agad akong pumunta sa page kung saan ito nakalagay at mabilis iyong binasa. Nakalagay doon kung paano ako raw akong tignan ni Isaiah na buong paghanga. Nakalagay din doon na hindi nila ako kilala pero pilit aalamin daw nila kung sino ako at ano ang tunay na relasyon ko kay Isaiah.
"Paktay." bulalas ko habang nakatingin lang sa dyaryo. Kahit hindi ito ang unang beses ay nakakainis pa rin na nalagay na naman ako sa dyaryo pero kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nila ako basta-basta makikilala.
"Umamin ka nga sa akin ha, Andeng. Gusto mo na ba 'yang si Isaiah?" diretsong tanong ni Lena sa akin na seryoso ang mukha.
"H-Hindi 'no! Boss ko lang siya at sinabi ko na sa'yo na hindi ako magkakagusto sa kahit na sinong lalaki! Kahit gaano pa siya ka-gwapo o kayaman o kasikat! Itaga mo 'yan sa bato!" depensiba ko sa kaniya.
"O.A mo friend. Oo at hindi lang ang sagot sa tanong ko ay napunta na sa tagaan. Naku, defensive much?" panunundyo niya sa akin.
"Heh! Tigilan mo nga ako. Sa'yong-sa'yo na 'yang si Isaiah dahil wala akong interes sa kaniya."
"Akin na naman talaga siya." nangangarap na sabi niya pero maya-maya ay biglang sumeryoso. "Seriously, ayos lang sa akin na magkagusto ka sa kaniya, matatanggap ko iyon. Alam ko naman kasi noon pa man na mas maganda ka talaga sa akin at alam ko rin na hindi niya mapapansin ang isang kagaya ko." pabuntong-hiningang sabi niya na ikinailing ko na lang.
Binilot ko ang dyaryo at bahagya itong ipinalo sa mukha niya. "Drama mo."
Napatakip ako sa mga tenga ko nang bigla siyang tumili nang ubod nang lakas. "Omg, Ann! Muntik ko nang makalimutan! Alam mo ba kung ano'ng araw ngayon?"
"Uhm, sabado?"
"Ting! Mali! Napaka-espesyal ng araw na ito! HIndi mo alam kung ano ang okasyon ngayon? My God!" eksaheradang sabi niya na napaikot pa ng mata.
"HIndi nga. Ano bang meron?"
"Birthday ni Isaiah Cornett Montgomery! June 12 na ning! Alaga mo hindi mo alam ang birthday?"
"Oh." tanging nasabi ko na lang dahil parang nasabi nga nila sa akin na birthday niya ngayon pero nakalimutan ko siguro. "Ano namang espesyal doon? Lahat naman tayo ay nagdaraos ng birthday."
Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at nakitang si Isaiah ang tumatawag. Biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Bakit ba ako kinakabahan? Parang tumatawag lang naman siya.
Sumenyas ako kay Lena na huwag magsalita at umakto naman siyang sinasara ang bibig. Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Hey! I know it's your day off but can you accompany me today? Meron lang tayong mga gagawin at pupuntahan and I need your help." may bakas ng pagsusumamo ang tono niya.
"Ah, eh. Wala naman akong gagawin. SIge sasamahan kita." napapakamot kong sagot sa kaniya.
"Great! Pick you up later at exactly... 2pm. Bye."
"Bye."
Ano kayang meron at nagpapasama siya?
"Si Isaiah 'yun?" tanong ni Lena nang maibalik ko ang cell phone sa bulsa ko at muling naupo sa tabi niya.
"Oo siya nga. Nagpapasama siya mamaya at may gagawin daw kami. Ano naman kaya 'yun?" takang tanong ko sa sarili ko.
"Iyan ang sasabihin ko dapat kanina. Lagi niya 'yang ginagawa kapag birthday niya." nakangiting sabi niya sa akin.
"Ano naman 'yun? Mag-party? Mambabae? Mag-ubos ng pera?"
Natigilan siya habang nakatingin lang sa akin at maya-maya ay umiling. "HIndi siya ganiyang klase ng tao, Ann. SIge, aalis na ako." tumayo na siya at walang-lingong umalis.
Problema n'on?
"THANK you for coming with me, Andrea." nakangiting sabi ni Isaiah habang nakasakay kami sa van niya.
Napakagat ako ng labi dahil ilang beses ko nang tinatangka siyang batiin pero hindi ko magawa. Ano bang problema sa akin? Dalawang salita ang naman iyon.
"May gusto ka bang sabihin?" pansin niya.
"Ah, eh. Happy b-birthday." nauutal kong sabi sa kaniya na nag-iwas ng tingin.
"Thank you. You don't have to be nervous around me, you know? Hindi naman ako masamang tao."
Pinili ko na lang hindi sagutin ang sinabi niya bagkus ay iniba ang usapan. "Saan ba tayo pupunta?"
"You'll know soon enough."
Huwag mong sabihin na sa isang club o mamahaling hotel kami pupunta? SImpe lang ang suot ko at hindi bagay sa mga ganoong lugar. Ngunit bago ko pa masabi sa kaniya ang bagay na ito ay huminto na ang kotse at pagtingin ko sa labas ay nagtaka pa ako nang makitang nasa labas kami ng isang bahay ampunan.
"Ano'ng ginagawa natin dito?" takang tanong ko pero may isang ideya ang pumasok sa isip ko. "Mag-aampon ka?" gulat kong tanong sa kaniya.
Tumawa lang siya at umiling." No, silly. Come on." bago pa man ako makapag-protesta ay nahawakan na niya ako sa kamay at hinila na papasok sa loob ng bahay ampunan. Pagpasok doon ay nakita ko ang mga batang masayang kumakain, inilibot ko ang paningin ko at nakita kong may mga palaro at mga lobo rin.
Na-imbitahan kaya siya dito?
"Mga bata, dumating na ang ating birthday boy! Batiin niyo na siya at pasalamatan!" masayang sabi ng isang madre sa masasayang bata.
"Happy birthday, Kuya Isaiah! Salamat po sa pagkain!" sabay-sabay na sabi ng mga bata na ikinatahimik ko. Napatingin ako kay Isaiah na tuwang-tuwang nakatingin sa mga bata.
"Walang anuman, mga bata! Kumain lang kayo ha? Magpakabusog kayo!" masaya niyang sabi sa mga ito.
Sa mga lumipas na minuto ay pinapanuod ko lang kung paano siyang makipag-kulitan sa mga bata. Nang lapitan niya ang isang malungkot na bata at kausapin hanggang sa mapangiti niya ito ay natagpuan ko na lang ang sarili kong napapangiti na rin. Sakto namang napatingin siya sa gawi ko kaya agad kong binawi ang ngiti at tingin ko.
Matapos ang dalawang oras ay nagpaalaman na ang lahat at nalaman kong ilang taon na pa lang bumibisita sa kanila si Isaiah kaya naman kilala na nila ito. Nang sumakay kami ulit sa van ay inakala kong tapos na pero sunod naming pinuntahan ang isang home for the aged.
Nasa tabi niya lang ako habang isa-isa niyang kinukumusta ang mga matatanda. Parang may isang malamig na kamay ang humaplos sa puso ko sa paraan ng pakikisalamuha niya. Para bang mga kadugo niya ang mga ito kung ituring niya. Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng mga mata niya ng malaman niya na namayapa na ang isang matandang lalaki na napalapit na pala sa kaniya.
Habang lulan ng van ay tahimik lang siya. Nang sulyapan ko siya ng tingin ay nakatingin lang siya sa labas ng van.
Muntik pa akong mapatalon ng magsalita siya matapos ang ilang minutong katahimikan.
"His name is Fred, inabandona na siya ng mga anak niya dahil sa katandaan. Ang asawa niya ay niloko siya at iniwan. Mag-isa na lang siya sa buhay kaya naman napalapit ako sa kaniya. Itinuring ko siyang parang sarili kong Lolo, kapag may oras ako ay lagi ko siyang binibisita. Napakabait niyang tao. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya bago siya nawala. Sabi sa akin ni Mother Rosalie na hinanap niya ako bago siya mawala pero nasa ibang bansa ako noon. Hindi nila pinaalam sa akin dahil alam nilang malulungkot ako. Kung maibabalik ko lang ang oras... ginawa ko na." pasinghot-singhot siya kaya naman alam kong umiiyak siya.
Hindi ako nagdalawang-isip pa at niyakap ko siya at hinaplos-haplos sa likuran. "Sigurado akong masaya siya ngayon kung nasaan man siya."
Pinapanuod ko siya ngayon habang nakikitawa sa mga batang pulubi at ilang pamilya na binilhan niya ng regalo at pagkain. Hindi mababakas sa kaniya ang panghuhusga o pandidiri.
Marami akong nalaman tungkol kay Isaiah ngayong araw... hindi siya kagaya ng ibang mayayaman. Mali ang ginawa kong panghuhusga sa kaniya. Mabait siya at matulungin. Hindi ka niya huhusgahan kahit ano ka pa o kung anuman ang katayuan mo sa buhay.