Chapter 8

2070 Words
----- Isaiah Montgomery Andrea... Andrea... Andrea "f*****g hell!" I said miserably. I sat up and ruffled my hair in frustration.  Matapos ang ilang beses na pagbiling ay sumuko na ako. Mukhang hindi ako makakatulog. I've known her for what, a month pero gusto ko na siya. I can't get her out of my mind. She's all I've been thinking of. Para akong isang bagito na nararanasan pa lang ang unang crush niya. Damn it. Dahil mukhang hindi ako dadalawin ng antok ay naisipan ko na lang tumugtog. Tumayo ako at bumaba kung saan naroon ang piano ko. I closed my eyes and started playing a song. Boom ba-dum  Boom ba-dum Boom ba-dum Boom ba-dum  Boom ba-dum Boom ba-dum Boom ba-dum Boom ba-dum I still remember when I first saw her Eating cake off a plastic saucer All my thoughts began to form a single file line. Let's keep our eyes in a safe location Take a stab at a conversation Lets move slow, she's lovely though A sample of my eye As far as I can tell She had no one, a magic spell but I can't stop thinking about you I can't stop thinking about you It seems there's nothing I can do To stop from thinking about you. Let me know, let me down Just let me hear the sound of your voice I have no choice I can't stop thinking about you. Parang nagkaroon ng flashback sa isip ko simula ng makilala ko siya. Her beautiful face, her voice. Everything about her makes me want to take the risk. She's one of a kind. One in a million. Am I willing to give this a chance?  Paano ko siya makukuha gayung ayaw niya sa lahi namin? Well f**k it. I will take the risk. I will chase her. Kinabukasan ng umaga, pagdating pa lang sa studio ay kinausap ko na ng sarilinan si Kim. "I think you should know this because you're not just my manager but you're also my friend. I will court Andrea." walang pag-aatubili kong sabi sa kaniya at hinintay ang reaksyon niya. Ang inaasahan kong gulat o inis na lalarawan sa mukha niya ay hindi nangyari sa halip ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya sabay sabing. "Finally! It took you a month, huh? Ang bagal mo, Cornett." nanunuksong sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Importante sa akin ang opinyon niya bilang isang kaibigan pero kahit hindi siya pumayag ay itutuloy ko pa rin naman ang plano ko.  "You're not mad?" paniniguro kong tanong sa kaniya. She snorted and shook her head no. She surprised me by hugging me. "Isaiah, I've been waiting ages for you to date someone. Alam kong may hinahanap ka kaya ka alangang maghanap ng babaeng magugustuhan but I know that you and Andrea are perfect together."malambing niyang sabi. Nakangiti ko naman siyang niyakap at nagpasalamat pero dahil sa sinabi niya ay natigilan ako. Mula nang dumating sa buhay ko si Andrea ay nakalimutan ko na ang Angel ko. "ZACH, wala ka bang bagong nalaman?" tanong ko sa pinsan ko habang naghihintay na matapos ang paghahanda nila para sa pagre-record ng bago kong kanta.  "Zay, alam mong mahirap itong pinapagawa mo sa akin dahil ni pangalan niya ay hindi mo alam. Ang alam mo lang ay ang lugar na pinagtitirahan nila na iba na ang nakatira. Sinabi ko na rin sa'yo na hindi nila alam kung saan na nakatira ang dating nakatira doon. I'm sorry bro but it's been thirteen years. You have to give up."  Nanlumo ako dahil sa sinabi niya. Nang magkaisip ako ay hindi na ako tumigil sa paghahanap sa kaniya pero siguro nga ay hindi kami itinadhanang magkita ulit. "I guess you're right. Thanks, Zach."  Bumalik ang alaala sa aking labing-tatlong taon na ang nakararaan. We are on a vacation sa probinsya ng mga Lolo at Lola ko. The kids around me are laughing and playing with each other while I sat here sulking because my Yaya won't allow me to play.  Maya-maya pa ay may lumapit kay Yaya at nagsimula silang mag-kuwentuhan. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero lumayo sila para mag-usap. Napangiti ako habang tinatanaw sila at ibinalik ang tingin sa mga batang tuwang-tuwang naglalaro. Lumapit ako sa kanila at nginitian sila. Tumigil sila sa paglalaro at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Hi! Can I play with you guys?" magiliw kong tanong sa kanila. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagtawa nila habang nakaturo sa akin. "Hoy batang may gintong kutsara sa bibig! Huwag mo kaming iniingles at lalong ayaw naming makipaglaro sa'yo!" sigaw ng isang batang lalaki na sa tingin ko ay ka-edad ko lang. "B-But I just want to play." malungkot kong sabi sa kanila. "Aw, tignan mo pinaiyak mo si labanos. Ganito na lang, ibigay mo na lang sa amin iyang damit at sapatos mo para pumayag kami." nakangising sabi ng isang lalaki sa akin sabay turo sa suot ko. "H-Hindi pwede." pagtanggi ko sa kanila. "Aba ayaw mo? Pwes kukunin na lang namin sa'yo!" bago pa ako makatakbo palayo ay sinimulan nilang hubarin sa akin ang damit at sapatos ko habang naiiyak na lang ako at nakikiusap sa kanilang tumigil sila. "Hoy! Ano'ng ginagawa niyo ha? Bakit niyo hinuhubaran 'yan?!" sigaw ng isang boses na hindi ko agad nakita dahil sa nakahiga ako.  Mabilis namang nagsilayuan sa akin ang mga bata kaya inayos ko ang nahubad kong damit at sapatos habang umiiyak. Gusto ko lang namang makipaglaro sa kanila pero bakit ayaw nila sa akin? "Hehe, sorry, boss! Nakikipagbiruan lang kami. HIndi ba, bata?" panlalaki ng mata sa akin ng pinakamalaki sa kanila. Tinignan ko ang taong tumulong sa akin para lang matigilan. Isa itong babae. Magandang babae. Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo. "Totoo ba 'yun?" tanong niya sa akin.  Napalunok ako at muling tumingin sa grupo ng mga bully na tinatakot ako. "O-Oo." Napataas ang kilay niya at sinamaan ng tingin ang mga lalaki na napapiksi naman. Nagtaka ako kung bakit takot sila sa isang babae gayung mas maliit pa ito sa kanila. "Alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo kaya bibigyan ko ng leksyon 'tong mga ungas na 'to." lumapit siya sa mga natatakot na lalaki at isa-isa silang binigyan ng batok sa ulo.  Pinigilan ko ang sarili kong mapatawa dahil sa hitsura ng mga bata. Babae lang pala ang magpapatiklop sa kanila. "O siya. Alis! Huwag niyo na ito ulit gagawin ha!" pasigaw na sabi ng babae at sunod-sunod ng kumaripas ng takbo ang mga lalaki. "Mga duwag!" habol pa ng babae. Buong paghanga naman akong nakatingin sa kaniya. Kinaya niyang takutin ang mga lalaking iyon.  "Oh, ano pang tinatayo mo diyan? Hindi ka pa uuwi? Base sa suot mo ay hindi ka nababagay sa lugar na ito."  "What's wrong with you guys? Bawal ba akong makipaglaro sa mga bata just because I'm different?" bumalik ang lungkot na naramdaman ko at umupo sa naroong bench.  "Alam mo, gano'n talaga ang buhay, kapag magkaiba, hindi magkatugma. Huhusgahan ka ng ibang tao. Kami kasing mahihirap dito ay may takot sa mayayamang tulad niyo dahil ilang beses na kaming pinapaalis dito."  "Bakit ikaw hindi ka takot sa akin?" "Mukha ka namang mabait eh." nakangiting sabi niya. Ngumiti rin ako sa kaniya at nag-kwentuhan pa kami ng ilang bagay hanggang sa mapasin kong dumidilim na. Naputol ang pagku-kuwentuhan namin ng may marinig kaming ingay. Nakita ko ang mga lalaki kanina na may kasamang ibang bata at papunta sa direksyon namin. "Hala ka, nagsama pa sila ng mga ungas din. Tara!" tumayo siya at hinila ang kamay ko. "Saan tayo pupunta? Baka hanapin ako ng Yaya ko."  "Basta sumunod ka na lang kung ayaw mong umuwi ng nakahubad!" wala na akong nagawa ng hitakin niya ako at nagsimula kaming tumakbo. Rinig na rinig ko ang pagsigaw ng mga lalaki sa likod namin at nakaramdam ako ng takot. "Bilisan mo!" sigaw niya at binilisan nga namin ang takbo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero sumama na lang ako. Ilang beses kaming lumiko at pumasok sa mga eskinita hanggang sa nawala ang mga sumusunod sa amin.  Tumigil kami sa harap ng isang parola habang parehas na hinahabol ang paghinga. Mayamaya pa ay sabay kaming tumawa.  "Grabe. Ngayon lang kita nakilala pero napasuong ako sa problema." Napatigil ako sa pagtawa at nakatingin lang sa nakangiti niyang mukha. Mukha pala siyang isang anghel. Isa siyang anghel dahil iniligtas niya ako kanina. Tumingin ako sa parola at namangha sa kagandahan nito.  "Ganda 'no? Dito ko paboritong tumambay kapag gusto kong lumayo sa Itay ko." lumarawan ang lungkot sa mga mata niya. Gusto ko mang magtanong ay hindi ko ginawa dahil alam kong hindi pa kami magkakilala. "Gabi na. Paano ka na makakauwi? Alam mo ba kung saan ang address niyo?"  Umiling ako at inilagay ang mga braso ko sa tuhod ko para mangalumbaba. "Lagi akong may kasama at ngayon lang ako nawala. Paano ako makakauwi?" natatakot na sabi ko sa kaniya. "Uhm, hindi ka rin pwede sa bahay namin. Sasamahan na lang kitang pumunta sa barangay para sila na ang maghahatid sa'yo."  "Saan ka nakatira?" "Ako? Malapit lang dito. Katabi lang 'yun halos ng barangay. Madaling makita ang bahay namin dahil iyon lang ang bahay na maraming halaman dito." Pumayag ako at naglakad na kami papunta sa barangay na sinasabi niya. Pagdating don ay hindi niya ako iniwan at sinamahan niya ako hanggang sa dumating ang Mommy at Daddy ko na alalang-alala sa akin. Nalaman na rin pala dito na nawawala ako kaya hindi na sila nahirapang makilala ako. "My friend helped me, Mom." nakangiti kong sabi kay Mom. "Friend? Who?"  "Siy---" ituturo ko sana ang batang babae na nagligtas sa akin pero nawala na ito sa kinauupuan. Kumalas ako kay Mommy at inilibot ang paningin ko pero hindi ko na siya nakita. Nalungkot ako at nanghinayang. I forgot to ask her name.  Thirteen years after. She's still on my mind. HIndi ko siya nakalimutan. At dahil hindi ko alam ang pangalan niya ay tinawag ko siyang Angel. My Angel. Pinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko siya at aalamin ko ang pangalan niya. I even got a feather tattoo because of her. I sighed and leaned back on my chair.  I was snapped out of my thoughts nang may kumatok sa pinto ng office ko. Dumungaw si Kim na nakangisi sa akin. "Uwian na. Baka gusto mong ihatid ang liligawan mo? Nakita ko siyang nag-aayos na ng gamit. You're welcome." pagkasabi niya noon ay sinara na niya ang pinto. Naiiling na lang ako pero tumayo na rin para ihatid siya. Buong maghapon ay pasulyap-sulyap lang ako ng tingin sa kaniya at kumukuha ng pagkakataon para makausap siya. Kinuha ko ang kotse ko at paglabas ng building ay nakita ko siyang nag-aabang ng masasakyan. Huminto ako sa tapat niya at ibinaba ang salamin. "Hop in." nakangiti kong sabi sa kaniya. "Ah, ayos lang. May dadaan namang jeep, baka maabala ka pa." pagtanggi niya. "I insist."  Napabuntong-hininga na lang siya bago sumakay. I grinned at myself at pinaandar na ang kotse. "Where to?" tipid kong tanong sa kaniya. "Gagabayan na lang kita."  Tinatapik ko ang mga daliri ko sa manibela habang pasulyap-sulyap sa kaniya.  "Can I ask you a question?" pagbubukas ko ng usapan. Sandali siyang sumulyap sa akin at muling ibinalik ang tingin sa daan. "Sige. Teka, kanan ka dito."  Kinabig ko ang manibela pakanan bago siya tinanong. "Why do you hate my team so much?"  Hindi siya kaagad sumagot at para bang hindi niya ako narinig na nagsalita.  "Mawawalan ba ako ng trabaho kapag hindi ko 'yan sinagot?" seryosong tanong niya sa akin. "Of course not!" mabilis kong sagot sa kaniya. "Sorry pero hindi ko sasagutin ang tanong mo." Napabuntong-hininga na lang ako. Inaasahan ko na naman ang sagot niya. "I want to know you more, Andrea. I want to know everything about you." natagpuan ko na lang ang sarili kong sinasabi iyon. Hindi siya nagsalita at nakaramdam ako ng kaba. s**t, am I moving too fast?  "Pakihinto na lang sa tabi." Inihinto ko ang kotse sa tapat ng isang simpleng bahay na may malawak na bakuran. "Salamat sa paghahatid." matapos niyang sabihin iyon ay bumaba na siya. I cursed silently bago tinanggal ang seatbelt at bumaba bago mabilis siyang pinigilan sa braso. "Wait." Hindi siya lumingon pero huminto siya. I gulped and opened my mouth to tell her that I like her and I want to court her nang may magsalita. "Ikaw na ba 'yan, anak? May bisita ka pala. Hala pasok kayo!"  Napakamot ako sa ulo ko bago sumunod sa tahimik na si Andrea papasok sa loob ng bahay nila. Pagpasok ay nakita kong malinis ang bahay nila kahit pa konti lang ang gamit. "'Nay, siya ho ang boss ko." pagpapakilala niya sa akin. Nakangiti akong nagmano sa Nanay niya na maganda pa rin kahit na may edad na. "Magandang gabi ho. Ako po si Isaiah Montgomery. At.." tumingin ako sa nakatingin din sa aking si Andrea bago nakangiting sinabing. "Gusto ko ho sanang ligawan ang anak niyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD