-------- Andrea Samonte Gulat lang akong napatingin kay Isaiah matapos niyang sabihin iyon sa Inay ko. "Totoo bang manliligaw mo ang binatang ito, Andeng?" seryosong tanong ni Inay sa akin na nakatitig sa akin. BInuksan ko ang bibig ko para itanggi ang sinabi ni Isaiah pero wala akong maapuhap na sasabihin kaya naman muli ko na lang itong isinara at muling tinignan si Isaiah. "Ma'am, alam ko hong nagiging pangahas na ako pero totoo po ang sinabi ko at walang halong kasinungalingan. Gusto ko hong ligawan ang anak niyo pero gusto ko ho munang hingin ang permiso niyo." nakangiting sabi niya kay Inay. Sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan pang magsalita. "Teka, teka, teka! Sandali lang ho Inay ha, kakausapin ko lang itong boss ko at baka nalipasan ng gutom." paalam ko kay Inay at hini

