Chapter Twenty One Loving You From a Distance Isaiah Montgomery I saw the necklace I gave her lying on the cold ground. Kinuha ko ito at kinuyom ang kamao. Nanatili akong nakaluhod sa lupa at lumuluha, umaasang babalikan niya ako at babawiin niya lahat ng sinabi niya. Na hindi pa kami hiwalay, na mahal niya ako at hindi niya ako pinaglaruan kagaya ng sinabi niya. "Isaiah, let's leave." I heard John said but I stayed on my spot. "She's coming back. Babawiin niya lahat ng sinabi niya and we'll be together again." I said mostly to myself and let out a bitter smile. She has to. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas na para akong isang tangang nakaluhod sa sahig hanggang sa bumuhos ang isang malakas na ulan. Naikuyom ko ang mga kamao ko at pumukit ng mariin pero nanatiling nakaluhod.

