Chapter Twenty Two Back at it again Andrea Samonte "I-isaiah?" Parang slow motion ang ginawang paglingon ng lalaki ngunit ganoo na lang ang dismaya ko ng hindi ang inaasahan kong tao ang nakita ko ngunit kamukha ito ni Isaiah. Isang kapatid? "You must be Andrea." mabait ang ginawa niyang pagngiti sa akin bago lumapit at inilahad ang kamay. "I'm Isaiah's older brother, Xavier Montgomery." Tinanggap ko naman ang kamay niya at agad ring binitawan. "Andrea Samonte po." Iwinagayway niya ang kamay. "Hindi mo na kailangang magpaka-pormal." Napatingin ulit ako kay John na naghihintay lang bago muling binalingan si Xavier. "Ano hong maipaglilingkod ko sa inyo?" "Actually.. sa akin wala pero sa kapatid ko ay meron." kinuha niya ang dalawang kamay ko at tinignan ako ng may halong pagsusumam

