Kabanata 1: Martians nga ba tayo? (1)
Kabanata 1: Martians nga ba tayo?
(Unang Bahagi)
Narinig mo na ba ang salitang Annunaki? O kaya yung Babylonian Brotherhood? Kung hindi ka gaanong fan siguro ng mga napapanood mo sa T.V lalung lalo na sa mga temang showbiz at tsismis o kaya Tulfo at mga influencers naman sa social media, at nagkataong natisod mo ito sa internet, youtube, o facebook... at kahit papaano ay nagka-interes kang i-extend ng kaunti ang kaalaman mo dito, malamang pamilyar ka dito.
Ayon sa mga nabasa ko patungkol dito, sila ang kumo-kontrol ngayon sa buong mundo. Sila ang responsable sa edukasyon, relihiyon, sa impormasyon, sa entertainment, at ultimo kinakain natin. Pero maganda nga ba ang adhikain nila para sa ating mga tao? O sila ang dahilan ng mga bagay na nararanasan nating paghihirap sa buhay?
Kung susumahin, sila ang lahi ng mga nagi-interbreed (inaanakan ang kadugo). Sila ay nagmula sa Gitna hanggang malapit na Silangan ng sinaunang panahon (mga libong taon na ang nakalilipas); at sila ay kumalat sa buong mundo. Sila ang pasimuno sa pagtatatag ng mga mystery schools at secret societies upang palihim nilang ipalaganap at isakatuparan ang kanilang Agenda. Isa na rito ang pagtatatag ng mga relihiyon upang ikulong ang mentalidad at emosyon ng mga tao, at magpasiklab ng giyera sa pagitan ng mga ito. Tinatawag silang Babylonian Brotherhood, dahil nagmula sila sa mga lugar na malapit sa sinaunang Babylonia, at karamihan sa mga kasapi nito ay mga lalake. Sila ay may kinalaman sa pagtatatag ng istruktura ng gubyerno, ng mga bangko (pananalapi), negosyo, militar at ng media. Libong taon na ang nakalilipas ay sila ang nagpasimula ng mga ito; unti unti na pagsasakatuparan ng kanilang planong mapasailalim sa iisang pamamahala at pagkontrol sa sangkatauhan.
Kilala natin sa kasalukuyang panahon ang mga pamilya o bloodlines na ito bilang ang mga sumusunod:
1. British House of Winsdor
2. Rotschilds
3. Mga European royalty and aristocrats
4. Rockefeller
5. East American Establishments (na responsable sa pagtatalaga kung sino ang magiging presidente, business leaders, at banking managers ng Central America)
6. Cabal - ang pinakamataas sa lahat, at kumokontrol sa lahat ng tao (ngunit hindi nila ito ginagawa ng 'sila', at sa halip ay paggamit ng mga nararapat, pili at mga natatanging tao).
Bagamat ang mga ito ay gaya ng mga ordinaryong tao na madalas ay hindi nagkakasundo, at nagkakaroon ng hidwaan (halimbawa ay sa kung paano nila paghahati-hatian ang kanilang mga nakakamal na yaman) ay nananatili silang tapat at nagkakasundo sa iisang bagay: Ang sakupin ang buong mundo at mapasailalim sa iisang pamamahala (central government). Ang kanilang iba't ibang mga paksyon ay nagkaroon ng matitinding labanan sa mga nakalipas na panahon, ngunit bumabalik pa rin sila sa pagkakasundo sa iisang adhikain o Agenda.
Upang mas malalim mo pang maintindihan ang pinagmulan ng mga lahing mapanupil na ito, ay kailangang bumalik pa tayo ng daanlibong taon kung saan ito nagsimula. At syempre una mong maiisip at maitatanong; 'may tao na ba ng mga ganito kalayong panahon ng ating kasaysayan?' Ang sagot ay siyempre... WALA! Kaya ang matitira mo na lamang na sukat-maisip at akalain, marahil sila ay ang mga diyos. Pero kung ayaw mo ang ideyang ito dahil nasasaling ang iyong relihiyon o paniniwala ay gamitin na lang natin ang salitang extraterrestrial beings o kaya ay E.T.
At bago ka mapaismid at makapagtaas ng kilay ay unawain mo muna ang mga sumusunod; na ayon sa mga tala at mga pananaliksik. Ang ating araw ay isa lamang sa 100 bilyong bituin sa ating kalawakan (galaxy) pa lamang. May tantya na umaabot sa 100 bilyong kalawakan (galaxy) sa ating uniberso (sangkalawakan / universe). Siguro naman sa dami ng galaxies na ito at bituin ay at least sabihin natin na mayroong isang solar system sa kada isang libong galaxies, na may buhay. Ibig sabihin ay at least 100 milyong planeta sa buong uniberso ay may naninirahang mga nilalang. Ang pinakamalapit na bituin sa ating araw ay 4.3 years mong malalakbay sa bilis ng liwanag (4.3 light years. Sa bilis na 186 miles per second). Yan ang impormasyon na makukuha natin sa 'science' na nakagisnan natin at itinuturo sa mga eskwelahan. E.T nga ba itong mga Babylonian Brotherhood hundred thounsands years ago?
Sa Timog-hilaga ng Beirut Lebabon ay may tatlong dambuhalang tipak ng bato, na may bigat na 800 tonelada, naiusog ito ng halos 1/3 milya at nailapag sa bawat isa bilang pader. Ito raw ay nagawa libong taon na ang nakararaan ng ating mga sinaunang tao gamit ang kanilang mga makalumang kagamitan. Ang 1,000 tonelada ay katumbas ng tatlong jumbo jet. Paano nila ito nagawa? Ayaw itong pagusapan ng ating kasaysayan pagkat maaaring magbukas ito ng ibang kaaalaman na pilit ikinukubli sa sangkatauhan. Isa na rin dito ay ang misteryosong Nazca lines sa Peru, kung saan makikita mo lamang ang kabuuan ng dibuho kapag nasa taas ka na 1,000 talampakan. Ilan lamang ito; Baalbek boulders, Nazca lines at ang Great Pyramid sa Giza na nagpapatunay na mayroong advanced civilization na nauna pa sa atin. Pagkat kung tatanungin mo ang mga dambuhalang construction firm sa kasalukuyan kung kaya nilang maglipat ng 800 toneladang boulder ng miski ikatlong bahagi ng milya ay sinasabi nilang imposible at wala silang kagamitan na makagagawa nito. Kaya nga sila diumano ang mga 'diyos' (gods - small 'g') na tinutukoy sa Old Testament. Pinabubulaanan pa ito ng mga tagasunod ng Bibliya, na walang salitang 'gods' (mga diyos) na nasusulat dito, sa halip ay 'God' na tumutukoy lang sa iisang Diyos. Ngunit sa mga salin mula sa mga orihinal na scriptures ay 'gods' ito at hindi lamang 'God'. Dahil kung pakaiisipin, paanong ang isang sibilisasyon na napaka-advanced gaya ng Egypt at Sumer (ang lupain ng Shinar sa Bibliya) ay bigla na lamang mada-downgrade kung pagbabasehan natin ang lohika ng ebolusyon. Alam naman natin, na ang turo sa atin tungkol sa ebolusyon ay mula sa payak at mahina hanggang sa kumplikado at malakas. Ibig sabihin lamang nito na may nanghimasok o kaya ay namagitan sa proseso ng ebolusyon ng mga sinaunang sibilisasyon na ito; na may mataas na antas ng kaalaman. Sa katagalan nga lang ay nawala sa mga sibilisasyong ito ang mga kaalamang iyon. Isang patunay na may nanghimasok na mga nilalang na may mataas na antas na kaalaman sa mga sinaunang mga tao ay ang kagila-gilalas at kamanghamanghang kaalaman nila sa astronomiya. Ito ang Golden Age ng mga panahong ito.
Ang isang ebidensya na magpapatibay sa kaalamang ito tungkol sa mga E.T o 'gods' at advanced civilizations ay ang mga nahukay na clay tablets sa bandang Bahgdad, Iraq. Habang hinuhukay ang isang lugar sa Nineveh, kapitolyo ng Assyria. Ngunit ang mga kaalamang ito ay hindi galing sa mga Assyrians kundi sa mas naunang sibilisasyong Sumerians na nanahan sa mismo ring lugar 4,000 - 2,000 BC. Bagamat may mga ganitong tuklas sa ating kasaysayan ay hindi ito ipinalalaganap sa mga ordinaryong mamamayan ng daigdig. Sa halip ay ang mga mabababaw at walang katuturang bersyon ng mga mapaniil na mga tao sa tulong ng mga kurap na historians at arkeyologo.
Ayon sa salin ng mga Sumerian tablets na ito, ang sibilisasyong Sumerian ay 'gifts from gods'. Hindi ng mga 'mythical gods' (mythical = walang pisikal na anyo kundi gaya sa ispiritu), kundi mga diyos na may laman. Sa mga clay tablets na ito, sila ay tinatawag na AN.UNNAK.KI (Those who from Heaven to Earth came), at DIN.GIR (The Righteous Ones of the Blazing Rockets). Ang pangalan ng Sumer sa mga clay tablet ay KI.EN.GIR (The Land of the Lord of the Blazing Rockets o kaya ay The Land of the Watchers). Sa Book of Enoch, ang 'gods' ay tinagurian ding 'the Watchers', gayon din ng Egyptians. Sa mga Egyptians ito ay 'Neteru' na ang ibig sabihin ay 'Watchers', at ayon sa kanila ay lumapag ito sa ating mundo lulan ng mga lumilipad na bangka.
Ayon pa sa mga Sumerian tablets, ang mga Annunaki ay nagmula sa planetang Nibiru (The Planet of the Crossing), na lumiligid (orbiting) sa pagitan ng Jupiter at Mars at lumalagpas pa ito mas malayo pa sa Pluto. Bagamat napakalawak at napakalayo ng pagligid o pag-orbit nito sa ating araw, at maaaring hindi nito napananatili ang eksaktong pagligid nito ay itinuturing pa rin itong parte ng ating Solar system. Ito ay may isang kumpletong pagligid na 3,600 Earth years. Meron diumanong isang planeta noon sa pagitan ng Jupiter at Mars na tinawag na Tiamat na pinangalanan ng mga Sumerian na 'The Watery Monster'. At ang isang buwan ng planetang Nibiru ay sumalpok sa planetang Tiamat kung kaya nagkaroon ng mga pira-pirasong bahagi ito na bumuo sa tinatawag ngayong asteroid belt. Ang ibang bahagi diumano naman ng Tiamat ay nabuo bilang ang ating mundo (Earth). Ito ay tinagurian 'Cleaved One' dahil may butas diumano ito nang mapadpad sa kanyang orbit, sa ating Solar system. Kung kaya diumano pag inalis mo ang tubig ng ating mundo, makikita mong butas ang bandang Pacific Ocean nito.
Ang impormasyong ito na matatagpuan sa mga Sumerian tablets ay hindi naitala ang mga eksaktong detalye pagkat ito ay produkto lamang ng pagsasalin salin sa pamamagitan ng bibig o pagkukwento (oral tradition) at pehadong nabawasan o kaya ay nadagdagan ng ibang kwentong simbolismo o mga parabula. Maaaring ang senaryong Nibiru-Tiamat ay di kapani-paniwala lalo na kung pagbabasehan ang timescale nito na nangyari lamang hundred thousand years ago, ngunit hindi maikakaila na mataas ang antas ng kaalaman ng mga Sumerian sa Astronomiya. Sapagkat naitala ng mga Sumerian sa kanilang mga clay tablet ang eksaktong kinaroroonan ng mga planeta, pagligid ng mga ito, kanilang hugis at laki kumpara sa isa't isa, sa ating Solar system. Ito ay natuklasan at nakumpirma ng ating modernong agham 150 taon pa lang ang nakalilipas. Idagdag mo pa dito ang pagkakaalam ng mga Sumerian sa kulay ng Neptune at Uranus, na kailan pa lang din natin natuklasan gamit ang modernong teknolohiya.
Ang pinaka-nakamamangha sa mga Sumerian Tablet ay ang pagkakalarawan sa pagkakalikha ng mga homo sapiens. Ang mga Annunaki diumano ay narito na sa ating mundo bandang 450,000 taon na ang nakalilipas upang magmina ng ginto sa lugar na kilala ngayon bilang Africa. Ang pangunahin nilang minahan ay ang kilala ngayon bilang Zimbabwe, na tinagurian ng mga Sumerian bilang AB.ZU (deep deposit). Ang mga namininang ginto ng mga Annunaki ay kanilang ipinadadala sa kanilang pinagmulang planeta, mula sa kanilang malalaking himpilan sa Middle East. Ang pagmiminang ito ay isinasagawa ng mga 'working class' na mga Annunaki, hanggang sa ang mga ito ay naglunsad ng rebellion sa kanilang mga amo (royal Annunaki). Kung kaya ang huli ay lumikha ng isang lahi o lipi ng mga alipin na hahalili upang gawin ang pagmimina, na inalmahan ng mga 'working class' na Annunaki. Ayon sa Sumerian Tablets ay ihinalo ang genes ng mga native humans sa isang 'test tube' kasama ng genes ng mga Annunaki kung kaya nalikha ang 'updated version' ng mga native humans. Ang 'updated version' na mga taong ito ay may kapasidad na gawin ang pagmimina. Ang impormasyon tungkol sa 'test tube babies' nang madiskubre ang mga Sumerian Tablets noong 1850 ay lubhang katawa-tawa, subalit paglaon ng panahon ay napatunayang ito ay maaari ngang maisagawa. Malaking ebidensiya rin ang biglaan at lubhang kapuna-punang 'upgrade' ng sinaunang tao, mula homo erectus na biglang naging homo sapiens may 200,000 taon na ang nakalilipas. Ito ang kilala nating tinaguriang 'missing link' (itinaguri ng Official science o Mainstream science). Ang mga homo sapiens na ito ay may abilidad na magsalita ng kumplikadong wika at may kapansin pansing laki ng utak kumpara sa mga homo erectus. Ayon sa mga siyentista at mananaliksik ang ganitong kalaking pagbabago sa ebolusyon ng tao ay aabutin ng milyun-milyong taon. Ito ay sinusuportahan ng ebidensya kung saan ang mga homo erectus ay tinatayang umusbong 1.5 milyong taon na ang nakalilipas, at kapansing pansing sa loob ng humigit kumulang 1 milyong taon ay nanatili ang kanilang pisikal na kaanyuan at bigla na lamang nagbago ng basta basta na lamang. Ang homo erectus ay biglang naging homo sapiens. At tinataya namang 35,000 years ago ay nagkaroon uli ng 'upgrade' ang mga tao at naging 'homo sapien sapiens', ang itsura ng kasalukuyang mga tao. Ang mga Sumerian Tablet ay pinangalanan ang dalawang mahalagang tao na responsable sa pagkakalikha ang 'aliping lahi' (slave race). Ito ay sina Enki ang chief scientist, ang tinagurian ding 'Lord of the Earth' (Ki = Earth), at si Ninkarsag na kilala bilang Ninti (Lady Life), dahil sa kanyang husay sa medisina. Kalaunan ay tinawag syang Mammi, kung saan nagmula ang mga salitang 'mama' o mother. Si Ninkarsag ay sinisimbulo ng Mesopotamians bilang isang gamit na pamutol ng pusod ng sanggol. Ito ay animo'y hugis ng sapatos ng kabayo na ginagamit sa sinaunang panahon. Siya rin ay naging 'mother goddess' ng mga kilalang relihiyon, sa mga pangalang Queen Semiramis, Isis, Barati, Diana, Mary at marami pang iba na sumibol halaw sa alamat na ito ng mundo. Si Ninkarsag ay laging nilalarawan bilang isang 'buntis'.
Si Enlil ay ang kumander ng mga Annunaki, na half-brother ni Enki. Sina Enki at Ninkarsag ay napakaraming palpak sa pagtitimpla ng genes ng Annunaki at katutubong tao. May mga tala na nagsasabing nakabuo sila ng mga nilalang na may malalang depekto sa pisikal na kaanyuan. Ganun din ang hybrid ng tao at hayup. Hanggang sa makuha nila ang tamang timpla ng pinaghahalo nilang genes, at ang unang homo sapiens ay tinawag nilang LU.LU (One who has been mixed). Ito ay ang Bibliyang Adan na kilala natin sa relihiyon. Si LU.LU ay isang genetic hybrid ng genes ng homo erectus, at ng genes ng 'gods' (mga diyos) upang malikha ang 'aliping lahi'. Nangyari ito 200,000 - 300,000 taon na ang nakalilipas, at gumawa rin sila ng female version nito. Ang Sumerian term na 'LU' ay nangangahulugang 'tao', mula sa salitang ugat nito na ang ibig sabihin ay manggagawa o tagapagsilbi (worker/servant), at nangangahulugan ding 'alagaing hayup' (domisticated animal). Ito ang sangkatauhan simula-at-sapul pa... Ang mga Annunaki ay hayagan ang paghahari nila sa ating sangkatauhan noon, hanggang sa kasalukuyan ngunit palihim. Ang mga maling salin ng Bibliya ay literal na sumira sa tunay na kahulugan ng mga salita at impormasyon, at naging kwentong pantasya na lamang. Ang Genesis at Exodus ay isinulat ng mga paring Hebrew, ang mga Levites, noong sila ay dalhin sa Babylon mga bandang 586 B.C. Ang Babylon ay ang dating lupain ng Sumer, kung kaya ang kasunod ng mga Babylonian na mga Levites ay nalalaman ang mga kwento at impormasyon ng mga Sumerian. Ang pagkakasulat ng Genesis at Exodus ng mga Levites ang buhay na patotoo ukol dito, at ang pinagmulan ay agad na matutukoy - mula ito sa mga Sumerians. Ang tinutukoy sa Sumerian Tablets na E.DIN (The Abode of Righteous Ones), ito ay tumutukoy sa kanilang mga diyos; DIN.GIR (the Righteous Ones of the Rockets). Kung kaya ang tinutukoy na EDIN ng mga Sumerian at ang nasa GENESIS ay walang iba kundi ang 'Garden of Eden'. Ito ay ang pangunahing himpilan at kinaroroonan ng mga Annunaki noong unang mga panahon. Sa Sumerian Tablets ay may tala, na si Haring Sargon ang Ninuno (Elder), ay natagpuan bilang sanggol na lulan ng basket na palutang lutang sa ilog, at natagpuan at kinupkop ng royal family. Sa Exodus naman ay si Moses na may kaparehong kwento ng pagkakatagpo sa kanya ng isang prinsesa at kalaunan ay alagaan at palakihin ng Egyptian royal family. Marami pa ang may ganitong kahalintulad na kwento sa mga relihiyon.
Ang Lumang Tipan (Old Testament) ang isang halimbawa ng kilalang nagreresiklo ng mga kaganapan. Kaya't kung ikaw ay naghahanap ng orihinal na pinagmulan ng Genesis at kwento ni Adan ay kailangan nating balikan ang mga tala ng mga Sumerians upang maintindihan kung paano ito 'dinuktor'. Sa Genesis sinasabing nilikha ng Diyos (mga diyos) ang unang tao, si Adan mula sa alabok, at kalaunan ay mula sa kanyang tadyang ay si Eba, ang unang babae. Ang salin na 'dust from the ground' ay mula sa salitang Hebrew na 'tit' (sa English), at pinanggalingang salitang Sumerian na TI.IT (that which is with life). Si Adan ay hindi nilikha mula sa alabok bagkus ay mula sa TI.IT (that which is with life) - na isang buhay na selyula (cell). Ang salitang Sumerian na 'TI' ay nangangahulugang tadyang at buhay. Si Eba (She who has life) ay hindi hinugot lamang sa tadyang ni Adan, pagkat siya ay may buhay na - buhay na selyula. Ang human egg cell na pinagmulan ni Lulu/Adan, ay galing sa isang babaeng taga-Abzu, Africa, ayon sa Sumerians, at pinatotohanan ito ng mga modernong labi (fossils) at mga researches na isinagawa ng mga arkeyologo, na ang pinagmulan nga ng homo sapiens ay sa Africa. Maraming naging mga eksperimento ang isinagawa mula pa noong 1980s, nang tipunin nila ang 800 na kababaihan at eksaminin nila ang DNA ng bawat isa; lumalabas sa pagsusuri na ang lahat ng DNA ng mga nasabing respondents ng eksperimento ay nagmula lamang sa iisang ninunong babae na nabuhay noon sa Africa sa pagitan ng 140,000 hanggang 300,000 taon na ang nakalilipas. Ngunit salunghat dito ang aking palagay, at para sa akin ay maraming pinagmulan ang lipi at lahi ng mga tao, hindi lamang sa mga Annunaki.
Sa mga tala ng Sumerian Tablets kalaunan ay ang kwentong Akkadian ay sinasabing may heirarchy ang mga Annunaki. Ang 'AN' ay tumutukoy sa langit (heaven). Si AN o Antu (Our Father Who Arts in Heaven) ng mga Akkadians ay sinasabing naroroon lang sa langit kasama ng kanyang asawa at madalang ang pagbisita sa E.RI.DU (Home in the far away built), ang planeta na kalaunan ay naging Earth. Ang pagkakalarawan ay maaari ding isalin na; ang mga Antu ay nananahan sa mga bundok sa malapit na Silangan, kung saan naroroon ang 'Garden of Eden'; ang lugar ng 'mga diyos', at ang mga ito ay madalang na bumibisita sa kapatagan ng Sumer. Isang siyudad sa Sumer ay pinangalanang Eridu. Si Anu ay ipinadala ang kanyang dalawang anak na lalaki upang ayusin at pamahalaan ang Earth. Si Enki na sinasabing lumikha sa mga homo sapines, at ang isa ay si Enlil na kanyang kinakapatid sa ama (half-brother). Kalaunan itong dalawa ay magtatagisan at magbababag upang manalong tagapamahala ng buong sangsinukob (Earth). Si Enki na panganay ni Anu ay mas mababang uri kumpara kay Enlil, ayon sa batas ng Annunaki ukol sa 'purity' ng genes. Ang ina kasi ni Enlil ay half-sister ni Anu kung kaya ang paglaganap ng kanilang genes patungo sa lalaki (Enlil) ay mas 'efficient' kumpara kay Enki sa pagkakaroon nito ng ibang nanay. Ayon pa rin sa mga Sumerian Tablets, kalaunan ay bumuo at kinilala ng mga Annunaki ang iba't ibang bloodlines ayon sa 'purity' ng genes, at itong mga bloodlines na ito ang siyang magko-kontrol sa sangkatauhan sa ngalan ng mga ninuno nilang Annunaki. At ito nga ang mga pamilyang kumokontrol sa buong mundo hanggang sa kasalukuyang panahon. Sinasabi rin sa mga Sumerian tablets na ang mga kingship ay may basbas ng mga Annunaki, at dating kilala sa tawag na 'Anuship', bilang ang salitang 'An' o 'Anu' ay nangangahulugang 'the ruler of the gods'. Ang mga Brotherhood families ay sobrang hilig o obsessed sa bloodlines at genetic inheritance, lalong lalu na sa usaping 'purity' kung kaya sila ay nagi-interbreed (inaanakan ang kadugo). Kilala natin ang mga ito bilang ang mga royal families at aristocrats ng Europa, ang mga Eastern Establishment familes naman sa Estados Unidos. Silang lahat ay nagmula sa iisang tribo at magkakadugo (genetically related). Ang kanilang obsession sa interbreeding ay nagbibigay kasi sa kanila ng isang kakayahan na walang katulad sa mga 'hindi puro' - ang kakayahang mag-shapeshift o mag-iba ng anyo.
Sinasabi rin sa mga Sumerian Tablets na binigyan ni Enki ng kakayahang gumawa ng sanggol ang mga tao, at ito ay nagdulot na rin ng pangamba sa mga Annunaki na ang mga tao'y malampasan ng husto ang kanilang kakaunting bilang. Kakaunti lang kasi ang bilang ng mga Annunaki. Napakaraming g**o sa pagitan ng mga Annunaki na nahahantong sa mga 'high-tech' na digmaan, lalo na sa pagitan ng paksyon nina Enki at Enlil. Sinasabing si Enki ay nasa panig ng mga tao, pero para sa akin isa lang ang gusto ng parehong paksyon; ang mapasa-ilalim sa kanilang kontrol ang mga tao. May mga tala sa sagradong librong Vedas ng India, na talaga nga namang nagkaroon ng matitinding labanan at giyera ang 'mga diyos' dahil sa motibong pagharian ang sansinukob (battle of supremacy). At walang ibang tinutukoy ang Sumerian tablets kundi ang 'mga diyos' ng Annunaki ang mga nagbabanggaang malalaking pwersa, lalo sa pagitan ng magkapatid na Enki at Enlil, hanggang sa ang mga anak din nila ang nagpatuloy ng mga 'high-tech' na digmaan. Sila diumano ang responsable sa pagkakasira ng Sodom at Gomorrah, kwentong mababasa sa Bibliya. Ang mga siyudad na ito diumano'y nasa hangganang timog ng Dead Sea, at sa kasalukuyan ay may 'radiation readings' pa rin na sinasabing ebidensiya, na dito ang 'battle ground' ng 'mga diyos' ng Annunaki, at dulot ng 'hightech' nilang digmaan. Dito nga daw halaw ang pangyayari sa asawa ni Lot, na natunaw o na-vaporized dahil sa radiation.
Sa buong mundo, sa iba't ibang katutubong kultura, ay maririnig natin ang kwento tungkol sa 'Great Flood', at ang tala sa Sumerian Tablets ay hindi iba. Sinasabing ang mga Annunaki ay nilisan ang mundong ito lulan ng mga 'lumilipad na bangka' (space craft) habang nililipol ng matinding baha ang sangkatauhan. Naganap ang delubyong ito noong 11,000 at 4,000 B.C. May ebidensiyang geological at biological ang magpapatunay sa pangyayaring ito, napakaraming kwento at tradisyon na tumutukoy sa ganitong pangyayari. Mula sa Europe, Scandanavia, Russia, Africa, hanggang sa kontinente ng America, Australia, New Zealand, Asia, China, Japan at Middle East; at sa lahat ng dako ng mundo ay may kwento nitong 'Delubyong Baha'. Ang iba'y inilalarawan na kumulo ang buong karagatan, at dumudura ng apoy ang mga kabundukan, ang pagkawala ng araw at buwan; na sinundan ng kadiliman, ang pag-ulan ng dugo, yelo at bato; ang pagbaligtad ng mundo; ang pagbagsak ng himpapawid; ang paglitaw at paglubog ng mga lupa, at pagkawala ng mga kontinente, ang paglaganap ng pagyeyelo sa lahat ng dako, lahat ito ay iisa ang tinutukoy at inilalarawan - ang 'Great Flood', 'pader ng tubig' (tsunami), na lumipol sa sangkatauhan. Kung napanood mo ang pelikulang 'Deep Impact' ay ito ang larawan kung paanong ang isang dambuhalang 'tidal wave' na dulot ng pagsalpok ng isang kometa sa ating mundo ay nalalapit na pagsasalarawan ng pangyayaring ito. Sa tala ng sinaunang Chinese, inilalarawan na gumuho ang mga haligi na tumataguyod sa langit kung kaya ito'y bumagsak, kung saan ang araw, buwan at mga bituin ay bumagsak sa bandang hilagang-kanluran, kung saan naging mababa ang langit, at ang mga ilog, dagat at karagatan ay nagsisulong sa timog-silangan, at nilunod ang buong mundo ng dambuhalang bahang ito. Sa America naman ay kwento rin ito ng mga Pawnee Indians, kung saan ang mga bituin sa North pole at South pole ay nagkapalit. Sa North America naman ay sinasabing may napakatinding init na nagpakulo at naging singaw ang lahat ng tubig sa mga karagatan. Ang mga Eskimo ng Greenland naman ay sinasabing bumaligtad ang mundo. Sa alamat naman ng Peruvian sinasabing nahati ang Andes dahil sa digmaan sa pagitan ng sangkatauhan at mga 'sky people'. Sa mga Brazilian naman ay nagalit daw ang langit na naglaglag ng mga malalaking bubog na pumatay sa lahat at nagkapalit ang lupa at langit. At sinasabi naman ng mga Hopi Indians ng North America na ang buong sangkatauhan ay napasailalim sa biyak ng lupa at ito'y natabunan ng tubig baha at putik.
Ang lahat ng mga ito'y nauugnay at nahahalintulad sa alamat ng Atlantis at Mu (Lemuria): ang dalawang dambuhalang kontinente, ang isa ay nasa Atlantiko at ang isa naman ay nasa Pasipiko, kung saan maraming taong naniniwalang nanirahan dito ang isang sibilisasyon ng lahing may mataas na antas ng teknolohiya at pamumuhay. Ang mga kontinenteng ito ay sinasabing naglaho na lang sa pagkakalubog nito sa ilalim ng karagatan gaya sa isinasaad ng 'great flood'. Ang natira na lamang halimbawa sa Atlantis ay ang nga isla ng Azores. Ganito nilarawan ni Plato (427-347 B.C) ang Atlantis, isang 'highly-technological advanced civilization'. Isa siyang Greek Philosopher, at isa ring 'high initiate' ng lipon (network) ng mga society-mystery school. Subalit ang 'official history' ay pinabubulaanan ang pahayag at paglalarawang ito ni Plato, at sinasabing walang ganitong mga supercontinent sa kasaysayan ng daigdig. Ngunit mas lalo lamang nagkakaroon ng 'discrepancy' sa ating kasaysayan pagkat may mga buhay na ebidensyang magpapatunay dito gaya na lang sa mga isla ng Azores. Ang Azores ay pinaniniwalaang bahagi lamang ng Atlantis na nasa 'Mid-Atlantic Ridge' (ridge = mga bundok at hukay sa ilalim ng tubig na likha ng malalaking fractures o bitak dahil sa paggalaw ng mundo/paglindol). Ang ridge o fracture line na ito ay nasa habang 40,000 miles, at ang Mid-Atlantic Ridge ang pangunahing pinagmumulan ng pagyanig ng lupa, o paglindol at mga pagsabog ng bulkan. Apat na malalaking tectonic plates, ang Eurasian, African, North-American at Caribbean, ay nagpapang-abot at nagsasalpukan sa lugar na ito. Ang parehong Azores at Canary Island (mula sa salitang 'canine' = dogs, at hindi 'canary'), ay nakararanas ng unstable na heograpiya, dahil sa mga paglinod at pagputok ng mga bulkan na marami sa lugar na ito. At ito ang nagwakas sa Atlantis ayon kay Plato. Ang tachylite na isang uri ng lava ay nasisira agad sa tubig dagat sa loob ng 15,000 taon subalit natatagpuan pa rin ito sa 'seabed' sa palibot ng Azores, isang katibayang nagpapatunay na kailan lamang naganap ang heyograpiyang-paggalaw nito. Isa pang ebidensya dito ay ang buhangin sa ilalim ng 'sea bed' ng Azores sa lalim na 10,500 - 18,300 talampakan, na nangangaluhugang ito ay dating nasa 'sea level' o kaya ay kapantay ng hangganang tubig-dagat sa lupa. Miski ang lalim ng pagkakalubog ng mga kontinenteng ito ay di nagkakalayo sa sukat.
Ang mga ebidensyang geological at biological ay nagsasabing ang malawakang pagsabog ng mga bulkan ay nagpalubog sa rehiyon ng Azores, gayun din ay kasabay na paglubog din ng malaking masa ng lupang tinatawag na Appalachia, kung saan ito na ang kasalukuyang Europe, North America, Iceland at Greenland. Kahalintulad ding ebidensiya ang ipinapakita ng pangyayari sa kontinente ng Mu o Lemuria na nakalagak sa ibabaw ng Pacific. Ang kilalang Bermuda Triangle, sa pagitang ng Bermuda at southern Florida, at ng isang dulong lugar ng Antilles, ay matagal nang nauugnay sa Atlantis. Ito rin ang lugar na kilala dahil sa mga nawawalang mga sasakyang pandagat at panghimpapawid. May matatagpuan ding mga gusali, pader, kalsada, at gayun din ng Stonehenge, at Pyramid ay nasa isang lugar malapit sa Bimini, sa ilalim ng katubigan ng Bahama Banks na bahagi ng 'triangle' na iyon. Ang iba pang katotohanang di alam ng marami ay ang tungkol sa Himalayas, sa Alps at ng sa Andes kung saan kailan lang din nito naabot ang taas nila 11,000 taon na ang nakalilipas. Ang lawa ng Titicaca sa border ng Peru-Bolivia ay ang isa sa buong mundo sa kasalukuyan, na kayang paglayagan at sisirin at galugadin hanggang sa lalim nitong 12,500 feet. Mga 11,000 years na ang nakalilipas ang mga ito ay nasa 'sea level' pa lamang. Katakatakang sa mga tuktok ng mga nasabing kabundukan ay may matatagpuang fossils ng mga lamang-dagat gaya ng isda, patunay na ang mga ito sa nakaraang 11,000 years ay nasa 'sea level'. Mas dumarami na sa kasalukuyang panahon ang naniniwalang napakaraming malalaking delubyo (geological upheavals) ang pinagdaanan ng ating mundo. Ang ganitong pagbago ng ating mundo ay may kinalaman sa nangyayari sa ating buong solar system. Pagkat ang ibang mga planeta gaya ng mundo natin ay nagbabago ang balat ng lupa (crust) at atmosphere, dahil na rin sa iba't ibang bilis ng pagligid (orbit) ng mga ito, at gaano nito kalawak na nilalakbay ang paikot ng ating araw, lahat ito ay nakapagdudulot ng mga kagimbal gimbal na kaganapan sa isang planeta. Lahat ito ay nasa tala ng Sumerian Tablet at masasabi kong tumpak, at kumbinsido ako, pwera lang sa isang detalye tungkol sa time scale. Masyadong matagal ang 450,000 years nang dumating ang mga Annunaki sa ating planeta, habang ilang libong taon lang ang nakalilipas ng maitala ng mga Sumerian ang kaganapang ito. Siguradong may malalawak at malalalang pangyayari sa ating mundo 11,000 taon na ang nakalilipas, na sumira sa Golden Age ng Advanced Civilization. Nung 13,000 taon na nakalilipas naman ay umusbong ang sibilisasyon na katulad ng sa ating kasalukuyang panahon, bago ito panghimasukan ng advanced na mga nilalang (ang mga diyos). Gaya ng mga planeta na nagre-revolve sa ating araw, ang solar system din natin ay nagre-revolve naman sa sentro ng galaxy. Ito ang tinatawan na 'central sun' o galactic sun, at pagkaminsa'y tinatawag ding 'Black sun'. Inaabot ng 26,000 years bago makumpleto ng ating solar system ang pag-revolve sa galactic sun/galactic center na ito, at kilala ito sa kultura ng India bilang 'yuga'. Noong kalahati ng 26,000 taon ang Earth ay nakapaling (tilted) sa gawi ng Black Sun, ang pinanggagalingan ng liwanag, at sa sunod na 13,000 years naman ang ating planetang Earth ay nakapaling palayo (tilted away), ayon sa mga mananaliksik. Samakatuwid, ang siklo na ito ay binubuo ng dalawang yugto, ang unang yugto ay ang Earth ay nasisinagan ng positibong liwanag (positive light) sa loob ng 13,000 taon, at ang ikalawang yugto ay nasa 'kadiliman' (negative light) naman ang Earth sa loob ng 13,000 taon. Sa madaling sabi, ang liwanag na natatamasa natin ay may magandang dulot na enerhiya sa ating buhay sa daigdig. Ang nakamamangha ay 13,000 taong nakalilipas ay nagtapos ang Golden Age sa pamamagitan ng mga kagimbal gimbal na mga pangyayari at delubyo, sa kasalukuyang panahon tayo ay nasa 13,000 taon ng 'kadiliman' at ito ay nalalapit na ring matapos. Ang patunay nito ay mas mabilis na nagaganap ang Spiritual Awakening ng mga tao, at malapit nang maganap ang mga kamangha-mangha... Pagkat muli tayong pumapasok sa liwanag. Ibig sabihin ay may kamangha-manghang pangyayaring naganap noong nagtatapos na ang Golden Age ng Advanced Civilization. Ang tanong ay isang kaganapan lamang ba ito? Marahil ay hindi...
Itutuloy...