Chapter 31 Kanina pa ako tulala. Hindi ko inaasahan na makakapunta ako sa mismong bahay ng boss ko para tapusin ang presentation. Buong akala ko ay dito kami mananatili ni sir sa office pero mukhang hindi iyon ang mangyayari. Plus, siya pa ang magdadrive ngayon dahil hindi naman niya tinatawagan si Zevron kapag umuuwi siya para ihatid siya nito. Binuksan ni Sir Alaric ang bintana ng sasakyan. “What are you waiting for?” tanong niya habang nakaangat ang kilay. Doon ko lang nakuha ang gusto niyang sabihin sa akin. Dali-dali kong binuksan ang pinto sa shotgun seat at sumakay. Mabilis kong inilagay ang seatbelt at pagkatapos no’n ay hindi na gumalaw. I know that I looked weird because I am tensed. Hindi ko kahit kailan naisip na mananatili ako sa kuwartong ‘yon kasama siya. I must be out

