Chapter 32 Pagkatapos ng malalang kaguluhan ay ipinaliwanag namin isa-isa ang nangyari simula umpisa hanggang dulo kay lolo. Halos magulantang nga rin ako sa pinag-iisip niya habang ako ay hiyang-hiya. Kaya nga ako nagtimpla ng kape ay para hindi antukin pero sa huli ay inantok din pala ako at nakatulog. Ang masama pa ay katabi ko si Sir Alaric sa pagtulog na siyang ikinagulat ni lolo. “Kung ganoon ay wala talaga kayong relasyon nitong secretary mo?” tanong ni lolo. “Wala, lolo. And we’re both men,” sagot naman ni Sir Alaric. “Well. May mga nakakaabot sa aking balita na baka bading ka kaya ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko kayo nitong si Willow na magkatabi,” paliwanag ni lolo sa amin. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Balita? Parang wala naman akong naririnig na ganoon

