Chapter 1: Scape
Disclaimer:
This work of fiction. Names, Characters,businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used fictitious manner. Any resemblance to actual person , living, dead or actual events is purely coincidental.
Warning:
Some of the scenes of the story are just a product of the author's imagination and don't do it in real life. Thank you.
----------
Chapter 1
"Carie! Carie! Carie!" Rinig kong sigaw ng kaibigan kong si Lolene. Agad naman akong napatingin sa likod ko para tignan ito. Patakbo at kumakaway ito sakin dahilan para itigil ko ang ginagawa ko. "Carie! Hindi mo alam ang nangyari sakin! Ahhhh! Girl kinikilig ako!!" Tiling ani nito dahilan para mapangiwi ako ingay nito.
"Kung tungkol sa teleseryeng pinapanood mo yang sasabihin mo Lolene, tigil tigilan mo ako." Nakangiwing sabi ko saka bumaling sa suki kong si Manang Saya para isupot ang mga napili nya sa paninda ko. "Treinta lang po lahat." Sabi ko kay Manang Saya saka ibinigay ang binili nito.
"Ano ka ba Carie! Hindi noh! Ang sabi kase ng pinsan ko, may pupuntang banda dito sa baryo natin! Eto sila oh!" Ani ni Lolene at saka ipinakita sakin ang picture na nasa cellphone nya. Napailing nalang ako saka kinuha ang bayad ni Manang.
"Salamat po Manang Saya. Bukas po ulit bili kayo ah?" Nakangiting sabi ko kay Manang na ikinangiti din nito pabalik sakin.
"Nako, ikaw pa ba ija? Suking suki mo na ako sa paninda mo palagi." Nakangiting sagot nito sakin na mas ikinangiti ko pa.
"Oo nga po pala." Ani ko saka kinuha ang bilao na nasa lapag. "Mag iingat po kayo Manang ahh, saka dapat palaging naka ngiti lang po para hindi kumupas ang kagandahan nyo." Dagdag ko pa na ikinatawa ni Manang bago magpaalam sakin at pumasok na ng bahay nito. Ako naman ay naglakad na ulit para mag lako ng paninda ko.
"Hayst, alam mo sis. Hindi bagay sayong mag lako ng ganyan." Ani ni Lolene na naglalakad din kasama ko.
"Siguro nga hindi bagay, pero kailangan ko para samin ng tiyo ko." Sagot ko sa kanya.
"Tss, para namang ang bait ng tiyo mo sayo. Kayang kaya mo na ngang umalis sa pader nya eh kaso ayaw mo."
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya. "Alam mo namang, sya nalang ang natitirang kapamilya ko diba?" Tanong ko sa kanya.
"Alam ko pero girl! Pang aabuso na ang ginagawa sayo ng tiyo mo! Sa tingin mo ba gawain ng tiyo ang ginagawa sayo ng tiyo mo?" Mahinang tanong nya sakin na ikinabuntong ko ulit. "See? Pati sarili mo hindi na masagot yung tanong ko! Kaya nga tumakas ka lang at magpakalayo layo dito sa Matapan! Alam mo namang tutulungan ka namin nila ate Sandra na makahanap ng trabaho eh!" Mahinang sigaw nito sakin.
Napapabuntong hininga nalang ako sa sinasabi nya dahil tama naman sya pero may gusto pa akong malaman kung buhay ba talaga ang magulang ko o hindi. Si tiyo lang ang makakapag sabi sakin kung buhay ba sila o hindi.
"Carter! Meron ka pa bang tinda?" Tanong sakin ng nasa kabilang bahagi ng kalsada.
"Meron pa ho, ate Mitch!" Sigaw ko.
"Patingin nga ako!" Ani ni ate Mitch kaya tumawid kami ni Lolene sa kabilang kalsada at hiniharap kay ate Mitch ang bilao saka ito pumili ng gusto nito. "Sakto, kumpleto yung tinda mo. Ibibilhin ko na lahat ng yan bunso." Sabi ni ate Mitch na ikinagulat ko.
"Talaga po ate?" Tanong ko sa kanya at tumango ito.
"Naisipan ko kaseng mag pinakbet nalang ngayon, buti nalang nasa paninda mo yung mga hinahanap ko. Tsaka hindi pa bumibili sa suki ni aling Moni ng mga gulay kaya buti nalang talaga nakita kita kundi sisimangot na naman yung kuya Arjay nyo kung payless na naman ang ulam namin ngayon." Napapailing na sabi nito samin, na ikinangiti ko.
"Sakto nga po hahaha" Natatawang ani ko at nag umpisa ng isupot ang natirang paninda. "Eighty three po lahat." Ani ko sabay bigay ng binili nya. Ibinigay naman nya ng bayad sakin kaya nagpasalamat na ako.
"Hays! Sa wakas wala ka ng ilalako. Tara na sa parlor nila ate Nene!" Pag aaya sakin ni Lolene ngunit tumanggi ako.
"Pasensya na Lolene. Bibili pa kase ako ng bigas at ulam namin para may makain ngayon. Mamaya siguro pupunta ako." Sabi ko sa kanya. Kahit nadismaya ito ay tumango nalang si Lolene sakin.
"May magagawa pa ba ako?" May pagkadismayang sabi nya. "Oh sya, mauuna na ako sayo. Paghindi ka sumulpot don mamaya, talagang pupuntahan ka namin sa inyo ahh." Dagdag na. Napatango nalang ako habang si Lolene ay kumaway habang palayo na sakin. Nang mawala na ito sa paningin ko ako ako naman ay naglakad pabalik para pumunta sa bayan. Medyo malapit lang naman yung bayan dito sa pinaglakuan ko kaya hindi ko na kailangang sumakay ng tricycle para lang makapunta don.
Nang makarating ako sa bahay ay pinuntahan ko agad kung saan nakapwesto si ate Polenta, pinsan ni Lolene.
"Ate Polen, Magandang tanghali po." Bati ko sa kanya na ikinangati nya sakin.
"Oh ikaw pala, Carter. Kape tayo." Pag aaya nya sakin na ikinatanggi ko naman.
"Hindi na po ate. Bibili lang po ako isang kilong bigas tsaka isang sardinas lang po." Sabi ko na kanya. Agad naman nyang ginawa ang sinabi ko.
"Nakapag desisyon ka na ba?" Tanong sakin ni ate Polenta.
"Hindi pa ho." Mahinang ani ko.
"Hays, Carter pag isipan mo yung sinabi namin nila Sandra sayo. Nasa tamang edad ka na para umalis sa Tiyo mo. Alam mo namang gustong gusto ka naming tulungan para magkaron ka ng magandang buhay ng wala ang tiyo mo at para mahanap mo na yung magulang mo na hindi kayang gawin ng Tiyo mo." May pag aalalang sabi nito bago ibigay ang supot na may lamang bigas at sardinas. Tinanggap ko ito bago ibigay ang pera sa kanya.
"Pinag iisipan ko naman po yun at kapag pumayag na po ako pupuntahan ko po agad kayo." May maliit na ngiting ani ko at nagpaalam na.
Habang naglalakad ako ay hindi ko parin matanggal ang mga sinabi nila sakin. Sa totoo lang, gusto ko naman talagang umalis dito at magtrabaho sa ibang lugar pero alam kong hahanapin ako ni tiyo at ibabalik dito kung sakali mang mahanap nya ako at papahirapan pa ng todo. Hindi ko nakakalimutan nung araw na ilang araw nya akong ikinulong sa bahay at.....
"Ate Carter!" Rinig kong sigaw sa pangalan ko dahilan para mawala ako sa pag iisip. "Ate!" Sigaw ulit nito dahilan para mapatingin ako sa paligid at nagulat ako ng makita ko si Toni sa puno ng mangga.
"Toni! Bumaba ka dyan!" Sigaw ko sa kanya. Sinunod naman nito ang sinabi ko at patakbong yumakap sakin.
"Ate Carter! Hihi!" Masayang sabi ni Toni sakin.
"Ikaw talagang bata ka, kung saan saan ka nakakarating. Pag ikaw nakuha ng masasamang tao dito hindi mo na makikita si ate Carter mo." Pananakot ko sa kanya bago ito buhatin at maglakad na pauwi.
"Nakakatakot po ba sila?" Tanong nya sakin na ikinatango ko. "Edi tatakbo po ako ng mabilis para hindi nila mahuli." Pagmamalaking sabi ni Toni. Napailing nalang ako at tumingin sa dinaraanan.
"Ate Carter?" Tawag sakin ni Toni.
"Anu yon?"
"Nakita ko po si kuya Hans kanina, kasama si kuya Miguel na pinag uusapan ka po." Aniya na ikinahinto ko at tumingin sa kanya. "Sabi po ni kuya Hans pagkakaisahan ka po nila ngayon. Ano pong ibig sabihin nila don?" Tanong nya sakin. Kahit may takot akong nararamdaman ay ngumiti lang ako at sinagot sya.
"A-Ayun ba? Wala yun bunso." Pagsusunungaling ko sa kanya. Nakita ko naman syang napakunot.
"Bakit ka po umiiyak ate?" Tanong nya sakin dahilan para punasan ko agad ito at ngumiti sa kanya.
"W-Wala ito bunso. Napuwing lang si ate." Pagsusunungaling ko ulit at ibinaba sya. "Andito na tayo sa bahay nyo. Pumasok ka na at maligo na ahhh." Aniko sa kanya. Sumaludo naman ito bago tumakbo papunta sa loob ng bahay nila. Ako naman ay naglakad papunta sa parlor nila ate Nene. Medyo malayo ito kaya sumakay na ako sa tricycle para makapunta doon ng mabilis. Ayokong pumunta sa bahay dahil sa nalaman ko.
Nang makarating ako don ay agad kong nagbayad at pumasok sa parlor. Nginitian naman nila ako ngunit tumingin lang ako sa kanila dahilan para mabago ang ngiti nila sa pagiging seryoso.
"Okay! Magsasarado na kami mga beks. Bukas nalang siguro tayo mag open ulit." Anunsyo ni ate Nene sa mga nagtatrabaho dito. Kaya agad naman nila itong sinunod maliban kay Sark na ayaw bitawan ni ate Sandra.
Nang mawala na ang mga katrabaho nila ay agad na iniba ni Lolene ang sign sa harap ng pinto at tinakpan ng kurtina ang glass wall sa harap. Ipinaupo muna nila ako bago nila ako tanungin.
"Anong nangyari?" Tanong sakin ni ate Nene. Napayuko naman ako at umiyak dahil sa nalaman ko.
"P-Payag na ko sa gusto nyo." Naiiyak kong sabi na ikinatahimik nila. "T-Takas na ko....A-Ayoko na dito.. Hindi ko na kaya....."
"Sigurado ka na ba talaga bunso? Kase wala ng urungan toh." Paninigurado ni ate Sandra. Tumango lang ako.
"Okay Sark, kuhanin mo yung papeles na nasa baba ng drawer." Utos ni ate Nene sa kay Sark habang sila Lolene at ate Sandra ay lumapit sakin at niyakap ako. Ilang saglit lang ay may inabot saking folder si ate Nene na ikinatingin ko sa kanya saka binuksan. Nagulat ako ng nakita ko ang mga kailangan ko para makapagtrabaho.
"P-Paano?"
"Carter, hindi mo pa nga siguro ako kilalang kilala." Nakangiting ani nito bago hawakan ang kamay ko. "Pero kaya kong hilahin ang ilang mga string upang makuha ang gusto ko. Lalo na sa pagtulong sayo ng malaman kong gago ang tiyo mo." Pagpapaliwanag nya habang tinitignan ko lahat pati ang birth certificate ko. Tinignan ko agad ang pangalan ng mga magulang ko na mag lalo ko pang ikinasaya. Charlotte Kate M. Hope and Zaid K. Hope...
"M-Maraming salamat ate." Masayang sabi ko at niyakap ito.
"Group hugs!" Masayang sigaw ni Lolene kaya nagsiyakap din ang iba na ikinatawa ko nalang kahit na umiiyak ako.
Ilang minuto ang tinagal ng pagyayakapan namin lahat ng nainip na si ate Nene sa tagal nito kaya natatawa nalang ang lahat.
"Teka lang. Tatawagan ko lang si ate Polenta." Pagpapaalam ni Lolene samin. Napahinto naman ako ng maalalang wala akong naimpakeng damit.
"Y-Yung mga damit ko....." Mahang sabi ko habang inaalala ko ito kaya tumayo ako at magpapaalam na sana ng marinig kong nagsalita si Lolene.
"Papunta na daw si ate Polenta dala yung mga gagamitin ni Carter." Aniya.
"T-Teka. N-Ngayon na ko aalis?" Gulat kong tanong sa kanila. Nakita ko namang tumingin si ate Nene sakin at tumango.
"Yes, kung bukas ka pa aalis baka mahanap ka pa ng gagong yon." Galit na sabi nito. "Hayaan mo na kaming lahat na gumawa ng paraan para sa tiyo mo. Aasahan mong hindi ka na nya matatagpuan sa lugar kung saan ka magta trabaho." Mag paniniguradong sabi ni ate Nene. Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Pero Carter, wag mo kaming kakalimutan ahh kahit makita mo na ang mga magulang mo." Ani ni ate Sandra sakin. Tumango naman ako bago sya yakapin.
"Mamimiss ko kayo at promise hinding hindi ko kayo kakalimutan." Nakangiting sabi ko. Naramdaman ko namang hinagod ni ate Sandra ang buhok ko.
"Nandito na ko!" Rinig kong sigaw ni ate Polenta dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nang magkatinginan kami ay agad syang tumakbo papunta sakin ay yakapin ako ng mahigpit.
"Ang bunso namin." Naiiyak na sabi nito. "Wag kang susukong hindi mahanap ang mga magulang mo don ah, at wag kang magpapaapit dun. Mahal na mahal ka namin." Umiiyak na ani nya. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti nalang ako at niyakap ko din sya ng mahigpit.
Ilang oras lang ay dumating na ang driver na sinasabi ni ate Nene na maghahatid sakin sa pagta trabahuan ko. Sa huling pagkakataon ay niyakap ko ulit sila bago pumasok sa magarang kotse.
Habang bumabyahe kami ay hindi ko parin matanggal sa isip ko kung paano niya nakuha itong mga papeles tungkol sakin. Mayaman ba si ate Nene? Ganun din ba sila ate Sandra? Kase nung nakilala ko sila hindi ko pa nakikilala yung magulang nila kahit sa litrato man lang pero kung ganon nga, bakit nila ako tinutulungan? Para saan?