Nanatili muna ako ng mga 20 minutes na mag-isa sa may dalampasigan malalim ang iniisip at saka ko napagdesisyunang bumalik na sa townhouse dahil kanina pa lumubog ang araw. Pagpasok ko sa townhouse nila East na mistulang mansion ay para akong nahiya sa balat ko. Kung totoo nga na hiniling ko iyong mga bagay na iyon sa kanila bakit nila sinunod yun? At bakit ngayon ang babait pa rin nila sa akin? Teka sinabi ko rin ba yun kay Beatrize at Roa? Kaya ba sila lumayo sa akin at hindi ako tinutulungan dahil yun ang hiniling ko? Ano ba kasing nangyari noon at pinili ko ang ganitong buhay? Bakit napakabait nila sa akin at sinunod ang mga sinabi ko noon, kung sinabi ko ba talaga? But why do I want answers if in the first place I've told them not to answer me kahit anong mangyari? Napadiretso ako

