Nagmamadali kami palabas. At nang makalabas nga kaming lima sabay naman kaming tinutukan ng mga pulis. Sabay-sabay kaming lima na napataas ng magkabila naming kamay. At naaresto na nga nila kami sa sobrang bilis ng pangyayari. Nakatulala lang ako at tumatawa tawa lang naman ang mga kaibigan ko na parang sanay na sa ganitong eksena. Nang maisakay kami sa sasakyan ay katabi ko si South, napatingin ako sa kanya. Tulog na siya sa kalasingan at nakita kong may hawak pa siyang alak. Napailing nalang ako. Nagkasala ako kay South. Hindi kami pero pinapaasa ko siya. Hindi kami pero may paki ako bilang kaibigan niya. Malinaw na ang lahat sa akin. Ano ba talagang meron noon? At gulong-g**o ako ngayon? Nasa kabila ko si North. Sa tabi ni South si West na nakangisi, tuwang-tuwa pa sa nangyare. Kanin

