bc

Fuentebella's Pride and Glory/Series-3

book_age18+
73
FOLLOW
1K
READ
others
dark
drama
sweet
heavy
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

AUTHOR'S note

This story publish in book on September, 2015. Kindly read first series-1 and series-2. They were independent stories, have beginning and end, and they can stand alone, but somehow they are related with each other.

Fuentebella's Pride and Glory

SERIES-3-KISSING WITH AN ENEMY

She looks like an ordinary lovely girl... a simple and sweet innocent girl. Pero aware si Brent John kung ano talaga ang tunay na pagkatao ng dalaga... that's why she's under surveillance by him. But looking at her from a distance, watching her every move... kagaya ng marahang paghawi sa mahabang buhok, ang simpleng pagngiti... o ang pag-imbay ng balakang, ang simpleng pagkilos ng mga daliri... why does his heart beat like crazy? Why does he feels like she's taking his breath away? Then, kusa itong lumapit sa kanya, approaching him, nakikipagkaibigan, nagpapa-cute. At alam niya ang dahilan... alam na ni Charina kung ano siya at kung ano ang pakay niya rito. At alam ng binata, panganib ang hatid nito sa kanya. But still... he's willing to take the risk... to take her with him... and making her his woman... no matter what it takes...

chap-preview
Free preview
FUENTEBELLA'S PRIDE AND GLORY/SERIES-3 KISSING WITH AN ENEMY
Teaser: She looks like an ordinary lovely girl... a simple and sweet innocent girl. Pero aware si Brent John kung ano talaga ang tunay na pagkatao ng dalaga... that's why she's under surveillance by him. But looking at her from a distance, watching her every move... kagaya ng marahang paghawi sa mahabang buhok, ang simpleng pagngiti... o ang pag-imbay ng balakang, ang simpleng pagkilos ng mga daliri... why does his heart beat like crazy? Why does he feels like she's taking his breath away? Then, kusa itong lumapit sa kanya, approaching him, nakikipagkaibigan, nagpapa-cute. At alam niya ang dahilan... alam na ni Charina kung ano siya at kung ano ang pakay niya rito. At alam ng binata, panganib ang hatid nito sa kanya. But still... he's willing to take the risk... to take her with him... and making her his woman... no matter what it takes..... CHAPTER ONE LAKAD-TAKBO siya sa makitid na eskinitang iyon, palingun-lingon, sinisigurong walang nakasunod... Basang-basa ng pawis at luha ang kanyang mukha at mga mata, habang tila bibigay na ang maliliit niyang paa na walang anumang sapin... Tatay... Nanay, tulungan ninyo ako! May momo! Ngunit alam ng batang babae na hindi darating ang kanyang mga magulang... wala na sila... iniwan na siya... Iniwan siya sa bangketa matapos iluwas ng Maynila kasama ang kanyang tatlong maliliit na kapatid... At hindi niya alam kung bakit... hindi maipaliwanag ng musmos niyang kamalayan kung bakit ang sabi ng mga ito ay dahil daw hindi na sila kayang pakaining magkakapatid kaya isa-isa silang iiwanan sa iba't ibang lugar upang matuto silang mamuhay na mag-isa... Kung hindi na sila kayang pakainin, bakit kailangan pa silang ilayo, iligaw na parang mga kuting? Sana ay ipinamigay na lang sila, ipinaampon sa kung sinumang kaya silang pakainin... Ah, kung ayaw sa kanila ng mga magulang, kung ayaw na sa kanya, ayaw na rin niya sa mga ito... Siya na lang ang bahala sa buhay niya! "Saan ka pupunta?" "H-ha?" napatigil siya sa patakbo at napaupo ng biglang humarang sa dulo ng eskinita ang tatlong malalaking babae. "Halika, sumama ka!" "Huwag po!" Pero bago pa siya nakapalag, nadakma na siya ng isa sabay takip sa mukha niya ng panyong may mabahong amoy... "Oh!" tuluyang nagdilim ang kanyang paningin... Kasunod ng tagpong iyon ay nagising siya sa banyagang lugar... "Nasaan ako?" "M-mommy, Lola Fe!" "Daddy, tulungan mo ako!" Napalingap siya sa paligid, bakit ang daming bata sa kuwartong kinaroroonan niya? Bakit nag-iiyakan ang mga ito? Nasaan ako? "Inay... Itay... nasaan ka na?" takot na wika ng isang batang kaedad maarahil niya. "M-Mommy, Lola!" isa pang bata ang nanginginig sa takot. Kagaya niya, takut na takot din ang iba pang mga bata na nagsisigawan, kanya kanyang tawag sa kapamilya nila. Pero siya, wala siyang tatawagin... wala naman na siyang pamilya... "Tumahimik kayo!" mula sa bumukas na pinto ay biglang pumasok ang may anim na malalaking babae, mababagsik ang bukas ng mukha, may hawak na mahahabang latigo. "N-nasaan po kami? B-bakit kami—" Humiginit sa ere ang latigo ng isa. "Ah!" napaigik siya sa sakit nang lakas-loob na nagtanong. Mahabang latay sa kanyang mukha hanggang sa braso at likod ang nilikha ng latigong pumulupot sa kanya, may gumitaw na sariwang dugo roon. "H-hah!" nanlaki ang mata ng mga bata. Nakakatakot ang dugo, namimilipit siya sa sakit. "Tandaan ninyo! Sa lugar na ito, walang magtatanong, walang kokontra, walang hihingi ng kahit na ano! Ang tangi lang na maari ninyong gawin, ang sumunod sa lahat ng utos at tanggapin ang anumang ibibigay namin! Maliwanag?" Iyak ang naging tugon ng mga batang babae na kanya-kanyang yakap sa isa't isa na parang humihingi ng tulong sa bawat isa... Kinagat naman niya ang pang-ibabang labi upang mapigil ang pag-iyak. Inay... Itay... nasaan na kayo? umiral ang pagiging bata niya... minsan pang naghagilap ang kanyang batang puso. "Sumagot kayo!" muling humaginit sa ere ang latigo. "Maliwanag ba?" "Ah!" sapol ang lahat ng batang nasa malapit, kabilang siya. "O-opo!" halos sabay-sabay na sumagot ang mga bata... "A-ang sakit!" mahinang anas ng batang katabi niya dahil sa mahapding latay sa braso. "Sshh, tahan na, ha? Baka marinig ka nila, malatigo ka uli!" pabulong na wika ng kayakap nito... Pero siya, niyakap na lang niya sarili... Nanay... Tatay... bakit ninyo kasi ako pinabayaan? naghuhumiyaw na sa labis na pagdaramdam ang kanyang puso. Sana'y hindi na lang kayo ang naging tatay at nanay ko! At ang pagdaramdam ay unti-unti ng nauuwi sa galit at pait... sa poot na bumabaon sa kaibuturan ng kanyang puso... ***** "T-TAHAN na!" wika ng batang-babae na katabi niya sa katre. "A-ang sakit!" pero hindi niya mapigil ang mapahikbi. "A-alam mo, masakit din ang latay ko. P-pero huwag na tayong umiyak, baka bumalik sila. Kapag nagkaroon tayo ng pagkakataon, tatakas tayo, ha?" "H-ha?" "O-oo, tatakas tayo!" Gusto niyang maniwala sa sinabi nito, pero paano? Nang ilipat sila sa barracks na iyon mula sa isang malaking kuwarto, nakita nilang lahat kung nasaan sila. Nasa isang lugar na naliligid ng malawak na dagat na para bang walang katapusan. Habang sa paligid, at sa ilang matataas na puno at ilang matataas na tila bahay ay may mga nagbabantay na may hawak na mahahabang baril... "B-baka hindi tayo makatakas..." "A-akong bahala. Sige na, tulog na tayo!" Pinilit niyang matulog kahit kumikirot ang mga latay niya sa katawan.... Nakatulog naman siya kahit na paano, habang tigmak ng luha ang kanyang mga mata... ************** At kinabukasan... "Tandaan ninyo, kamatayan ang kapalit ng pagsuway, ang pagtatangkang tumakas, at ang pagtatangkang labanan ang sinumang pinuno! Maliwanag?" "Opo!" sabay-sabay na tugon ng mga batang-babae... "Good! Now, be ready! Magsisimula na ang training ninyo para sa araw na ito!" Humanda ang lahat, tinatagan ang mga tuhod para sa unang pagsubok sa araw na iyon... ang wall-climbing... Kanya-kanyang punta sa kanilang kagrupo ang mga bata, kanya-kanyang tali sa sarili ng mga kableng magsisilbing proteksiyon nila para kung sakaling makabitaw o madulas sila sa gagawing pag-akyat ay hindi sila lubusang masasaktan... At sa pagbibigay ng hudyat ng namamahalang trainor, kanya-kanyang akyat, lambitin, at kapit ang mga bata para akyatin ang wall na may limampung-metro ang taas... Ngunit dahil likas na mga bata, sadyang mahihina pa ang mga loob at malalambot ang tuhod. Marami sa kanila ang nasaktan, may nadulas at nauntog sa mismong wall na kanilang inaakyat, may nabitin ng patiwarik dahil hindi kayang kontrolin ang sarili. And worst, may tuluyang nahulog dahil hindi maayos ang pagkakakabit ng mga harnesh at kable... "A-aray! A-ang sakit!" "H-hindi ko maigalaw ang likod ko!" "A-ang paa ko, ang sakit!" "M-mommy... tulungan mo ako, Mommy!" Kanya-kanyang daing at iyak ang mga batang nasaktan ng gabing iyon, kabilang siya... Pero minsan pa niyang tiniis ang sakit at kirot, pinilit niyang makatulog, habang sa paligid niya ay kanya-kanya pa rin iyak ang mga kasama... Nanay... Tatay... kung kukunin ninyo ako ngayon dito... kung tutulungan ninyo ako... hindi na ako magagalit sa inyo.... Muli siyang nakatulog sa pag iyak, habang lihim pa ring umaasam na makakarating sa kinaroroonan niya ang mga magulang... At kinabukasan uli... "Aray!" aringking sa sakit isang batang babae habang nakatali sa puno at nilalatigo. "K-kawawa naman siya..." "Sshh, baka marinig ka, madadamay tayo!" saway niya sa katabi... At tinandaan niya ang dahilan kung bakit ito nilalatigo... Ang kasalanan nito, napanood ito ng mga bantay habang hinihilot ang isa pang bata kagabi para makatulog at mabawasan ang nadaramang sakit. At nang matapos ang limampung hagupit... "Kayo, nauunawaan na ba ninyo na bawal ang maging malapit sa isa't isa? Na bawal ang pakikipagkaibigan? Dahil wala kayong dapat pagtiwalaan, o kapitan, maliban sa inyong mga sarili lamang!" "Opo!" "At ikaw!" baling ng babae sa isa pang bata. "Sa susunod na dumaing ka sa kahit na sino sa mga kasama mo, sa susunod na umarte-arte ka, ikaw naman ang makakatanggap ng matinding parusa, maliwanag?" "O-opo!" Tahimik nilang iniyakan ang sinapit ng kasama, pero siya... Tatandaan ko, hindi ako lalapit kahit kanino! Hindi ako dadaing, hindi ako hihingi ng tulong! At lalong hindi ako tutulong! Wala akong magiging kaibigan sa mga narito! Iyon ang gusto ng nanay at tatay ko, ang maging matatag ako, palaban, at hindi aasa sa iba! Pero sa kaloob loobang bahagi ng kanyang puso, umaantak ang pait at kirot. Kaya ang batang laging lumalapit sa kanya ay pilit niyang iniwasan... "Hoy, kausapin mo naman ako, o!" Hindi siya kumibo, patuloy lang sa pagsubo. Masarap ang pagkain nila sa araw-araw, masusustansiyang pagkain, isa iyon sa nagustuhan niya sa kinasadlakang lugar. Sagana sa pagkain, may tubig na inumin, may bubong na masisilungan, at maayos na higaan na maaring pagpahingahan ng pagod at masakit na katawan. "Hoy, ano ka ba? Anong pangalan mo? Ako si Michaela Jean, pero tawagin mo akong MJ. Ikaw, anong pangalan mo?" "Wala!" asik niya rito. "Ang sungit mo naman!" Hindi siya kumibo, nagpatuloy lang sa pagkain. Ramdam niya ang kabaitan ni MJ, tunay ang iniaalok na pakikipagkaibigan. Pero hindi niya kailangan iyon, ang tanging kailangan lang niya ay protektahan ang sarili, at siguruhing walang makakapanakit sa kanya... At walang masasaktan ng dahil sa kanya... lalo na ang mabait na batang ito na mukhang iyakin din naman... Pero isang madaling-araw... "H-huwag po! S-saan ninyo ako dadalhin?" Naalimpungatan siya sa narinig na ingay, bahagya siyang dumilat... At kitang-kita niya ang tagpong iyon... ang batang si MJ, hawak ng dalawang malalaking babae. Sapilitang ibinangon na mga ito ang natutulog na bata. "H-huwag po! M-maawa kayo sa akin!" "Tumahimik ka!" pero isang panyo ang itinakip sa mukha nito ng isang babae. "Oh!" tuluyang nalungangay ang ulo nito, pagkuwa'y walang malay na binuhat ng babae at inilabas sa barracks nila... MJ! Hintakot na nagtalukbong siya ng kumot... MJ! Kawawa ka naman! Pero gusto sana niyang bumangon, tulungan ang kapwa bata, hilahin pabalik... Pero hindi niya ginawa, hindi niya magawa... Dahil alam niya, wala siyang kakayahang gawin iyon... Tahimik na lang niyang iniyakan ang kapwa-batang naging mabait at palakaibigan sa kanya bagama't hindi niya tinanggap... Dahil alam niya, iyon na ang huling pagkakataon na makikita ito... MJ! Sorry, hindi mo na ako makukulit. Hindi na kita maiirapan... dahil baka papatayin ka na nila. Pero pangako, darating ang araw na igaganti kita sa kanila... MJ...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.2K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.9K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

Dangerous Spy

read
322.7K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
58.0K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook