CHAPTER 16: MARK MY WORD PAGKATAPOS IPAHAYAG ni Lenneth ang pagbibitiw nito bilang CEO at ibigay kay Logan ang titulo bilang bagong CEO ay hindi niya matiyak kung dapat ba siyang matuwa o dapat niya ba iyong ikabahala. Sa dalawang taon niyang kasama sa kompanyang iyon ang dalaga ay kilala na niya ito kapag may iniisip ito. At kapag may naisip ito ay talagang dapat kang kabahan dahil kung sinuman ang nag-offend sa dalaga ay tiyak na babagsak at madudurog. “We should celebrate, son. At last, you’ve got what is rightfully yours,” puno ng katuwaang wika ng kanyang ama nang makapasok sila sa opisina niya. “Dad, what did you do? Talaga bang kinausap mo si Chairman para lang dito?” sabi niya at binalewala ang kasiyahan ng kanyang ama. “Logan, sa tingin mob a kung hindi ko g

