PAGKATAPOS NIYANG ISULAT ang huling letra ng kanyang resignation letter ay agad na ipinadala iyon sa email ng kanyang sekretarya. Inutusan ni Lenneth na ipa-print iyon ng kanyang sekretarya at sinabihan nya rin itong huwag nang magtanong pa. Isinandal niya ang kanyang likod sa upuan niya at sumilay sa labi niya ang isang mapanganib na ngiti. Walang nakakaalam kung ano talaga ang tumatakbo sa utak niya ngayon. Tatlong lingo na ang nakakalipas simula nang malaman niya ang pinaplano ng ama ni Logan. Nakausap niya na rin ang Chairman tungkol sa gusto niyang mangyari at sa naisip na solusyon para ipamukha sa lahat na hindi siya basta-bastang kalaban. Sa loob ng panahong nagdaan ay naging maayos naman ang lahat, nagiging madalas na ang paglabas nila ni Kenneth, nakikita niyang masaya

