ZEPHYR AETHERA'S P.O.V: NANG MARATING ko ang dulo na sinasabi ni Sato, binuksan ko ang harang ng air vent at nakita ko nga ang mga babae doon kaya walang pagdadalawang-isip na bumaba ako. "Huwag kayong gagawa ng kahit anong ingay kung gusto ni'yo pang mabuhay." Mabilis na pagbabanta ko nang tumapak ang aking paa sa sahig. "Ang tapang ah?" rinig kong wika ni Sato kaya napairap ako sa kawalan. "S-Sino ka?" matapang na tanong sa akin ng isang babae na sa tingin ko ay Pilipina rin dahil naintindihan niya ang aking sinabi kanina. Parang deja vu ang senaryo na ito at parang nangyari na ito sa akin ngunit iwinaksi ko na lamang 'yon sa aking isipan at lumapit ako sa babaeng naglakas ng loob na tanungin kung sino ako. "Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ako basta ang importante ay m

