ZEPHYR'S P.O.V: "KAILANGAN BA talagang kasama ako?" usisa ko kay Thrain at Sato na pinag-aaralan na ang pasikot-sikot ng buong hall kung saan gaganapin ang isang auction. "Well, ikaw ang magiging partner ni Tadeus at ako ang magiging escape man niyo. Magiging driver niyo ako ngunit papasukin ko ang system ng hall kung saan gaganapin ang auction at sasabihin ko sa inyo kung saan nila itinago ang mga babaeng ilalabas sa auction." Humalukipkip ako sa aking kinauupuan at mukhang wala talaga akong kawala sa kanilang dalawa. Isasantabi ko na lang muna siguro ang balak kong komprontasyon sa Hemlock Cartel at unahin ang misyon na ito na kasama silang dalawa. "Nakakuha na rin naman ako ng floor plans at nagtanim ng mga security system override kit, sound emitters, at phantom box na pwedeng lagy

