ZEPHYR'S P.O.V: "ITO ANG training ground namin," ani ni Thunder nang pumasok kami sa isang kwarto na malawak at puno ng iba't-ibang klase ng gamit tungkol sa pakikipaglaban. Nang makapasok ako sa mundo ng karahasan, si Phantom lang ang nagturo sa akin kung paano lumaban at siya rin ang nagbukas sa akin ng pintuan tungkol sa ganitong kakaibang mundo. "Hawig siya sa training ground ni Darkhaven sa bahay niya," komento ko. "Oh, talaga? Gaya-gaya kasiya porket mayaman pero hindi pa siya nakakapunta rito." "Bakit naman?" tanong ko at napansin ko si Luther na umupo sa isa sa mga bench at ipinikit ulit ang kanyang mga mata at mukhang matutulog ito. "Dahil sa teritoryo lang naman sila ng Cynic Hack nakakatuntong at hindi rito sa main building ng Bloodfist mafia." "Eh bakit niyo ako dinala r

