ZEPHYR'S P.O.V: "DANG! Entrance pa lang nakakatulo na ng laway," biglang sambit ni Jenny nang makapasok kami sa Paradise Bar at naghanap ng mapagpu-pwestuhan. "Bunganga mo mas malakas pa sa sounds nitong bar." Saway naman ni Charlotte. "Oo nga te. Bakit hindi mo palitan ang mga speakers dito at ikaw na lang ang tumayong sound system nitong bar?" dugtong ko. "Gaga, megaphone lang ang bunganga ko pero hindi to pang disco. Doon tayo sa isang sulok!" Hinila kami ni Jenny papunta sa kabilang bahagi na medyo malapit sa dance floor at medyo madami-dami na ang tao at umaalingasaw ang amoy ng sigarilyo at alak. Kaming mga babae ay naupo sa couch na nakakabit sa pader habang ang ibang lalaki na kasama namin ay sa bakal na upuan naupo na siyang nakapalibot sa mesa. "Shanaiah, I will leave you

