ZEPHYR'S P.O.V: "WHAT ARE your plans now about Hemlock Cartel," basag ni Thrain sa katahimikan namin nang dalhin niya ako sa kusina ng kanyang bahay at kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian na niluto niya. Suot ko ang isa sa mga t-shirt niya at wala aking suot na undies dahil sinira niya yun at siya naman ay tanging boxer shorts lang ang suot. Nagkaharap kaming dalawa sa mesa at kitang-kita ko kung bawat galaw niya at kung paanong magbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Dinala mo ba ako rito para usisain ang tungkol sa bagay na yan?" wika ko. "Hindi mo naman kailangang problemahin ang problema ko." "Little muffin, gustuhin ko man na hayaan ka sa gusto mong mangyari ngunit hindi ko magagawa yun. Baka nakakalimutan mong may usapan tayo na magtatrabaho ka sa ilalim ng utos ko." "Ngun

