Chapter 31: Vows Unveiled

1684 Words

ZEPHYR'S P.O.V: PAGSAPIT ng umaga, umalis na ako sa HuPoFEL at kasalukuyan na akong nasa tapat ng bahay ni Jenny. Dala ang itim na folder, pumasok ako sa loob ng bahay at gising na si Jenny nang madatnan ko siya sa sala. Nakasuot ito ng puting roba at naghahanda ng daily routine niya - maglagay ng face mask sa mukha at hiniwang pipino at ibababad ang kanyang paa sa palanggana na may maligamgam na tubig at dahon-dahon. Nakaupo siya sa mahabang sofa at nalublob na sa palanggana ang paa niya. "Saan ka galing?" kunot noong wika niya ngunit ipinakita ko lang sa kanya ang hawak kong folder at saka ako naupo sa couch ngunit hindi ko pinakita ang laman niyon. "May inaasikaso lang. Si Cataleen ba tulog pa?" tanong ko habang nakapangalumbaba sa couch. "Oo, may pasok ba yun sa school ngayon?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD