ZEPHYR'S P.O.V:
"NAKITA mo na ba yung latest magazine natin na nirelease ni Miss Shaniah? Alam mo, sobrang hot mo dun. Tapos alam mo ba--"
Tila lutang sa ulap ang aking isipan habang hawak-hawak ang aking labi kung saan dumampi ang labi ni Thrain.
That man stole my first kiss at wala man lang akong nagawa para pigilan siya.
Para bang isang magnet ang humihila sa akin papunta sa kanya gamit lamang ang kanyang salita at ang titig niyang nakakapanghigop ng kaluluwa--
"Araaay!" biglang sigaw ko nang lapirutin ni Jenny Rose ang tagiliran ko kaya tinignan ko siya ng masama. "Ano bang problema mo?"
"Salita ako ng salita rito tapos hindi ka nakikinig! Kanina mo pa hawak yang labi mo, ano bang nangyayari sa'yong babae ka?"
Ang sakit ng kurot niya, pisti!
Pasalamat siya wala akong dalang armas dahil kung hindi, baka wala na akong kaibigan.
"Letse ka, ang sakit ng kurot mo. Para akong kinurot ng nail cutter," naiiyak na reklamo ko habang sapo ang aking tagiliran.
Magkatabi lang kasi kami sa upuan at kasalukuyan kaming nagpapahinga mula sa photoshoot na ginawa namin para sa isang tv commercial.
"Lutang ka kasi!" singhal pa niya sa akin.
Doon ko lang napagtanto na nasa shop pala ako ni Miss Shanaiah at isang linggo na ang nakalipas mula nang magkita kami ng lalaking 'yon at ibinalik niya sa akin ang ID ko.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako tinatawagan tungkol sa isang misyon na gusto niyang gampanan ko.
Although, hindi ako nag expect na tawagan niya kasi sino ba siya?
He's the only one who knows about my secret.
"May iniisip lang ako. Ano ba 'yong kinukwento mo?" tanong ko at itinuon sa kanya ang buong atensyon ko.
Baka sa susunod, literal na nail cutter ang ipang kurot niya sa akin.
Letse! Masakit 'yon.
"Sabi ko kung nakita mo na ba yung summer magazine na ginawa natin?"
"Hindi pa. May copy ka ba?"
"Ayun. Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan baka sinampal na kita."
Napangiwi ako sa pagiging brutal niya, "Ang sama mo ah? Para yun lang, nagagalit ka na sa akin?"
"Ay te, alam mo namang importante ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko kaya kapag ako ang kasama mo dapat makikinig ka sa akin. Learn from the expert ba?"
"Ewan ko sa'yo, patingin nga nung magazine?"
Inabot ko mula sa kanya ang bagong labas na magazine at tinignan ang laman niyon.
Normal lang naman lalo na't mukha at katawan ko ang nasa cover at nasa front page habang kay Jenny ay nasa kalagitnaan na.
"Okay na 'to," sambit ko bago ko ibalik sa kanya ang magazine at tamad na sumubsob sa mesa.
"Hindi ka man lang nagandahan or something?" eksaheradang tanong niya sa akin.
"Te, hindi na bago sa akin na maging front page ng magazine kaya anong ini-expect mo sa akin?"
"Ayun, ang taas ng confidence level."
"Syempre, maganda ako eh."
"Edi ikaw na!" singhal niya bago isilid sa kanyang bag ang magazine at muli akong hinarap. "So, ano nga ang problema mo?"
"Anong problema?" balik na tanong ko sa kanya.
Umigkas ang kaliwang kilay niya at pumangalumbaba sa mesa habang nakatingin sa akin.
"Mayroon kang problema. Sabihin mo na."
Inirapan ko na lang si Jenny at saka ako umayos ng upo at napatitig sa mesa at bumalik sa aking alaala ang ginawa ni Thrain.
"Di ba expert ka?" wala sa sariling tanong ko.
"Depende kung sa lovelife o sa kama-- aray!"
Bigla ko siyang nahampas dahil sa huling sinabi niya, "Umayos ka!"
Napanguso naman ang bruha. "Ito naman, ang seryoso masyado. Sige na nga."
"Ayun nga, bilang expert ka sa lahat ng bagay. Itatanong ko lang kung ano ang tawag sa babae at lalaki na naghalikan na kahit kakakita pa lamang nila sa isa't-isa?"
"Ah, kalandian yan."
"Paano mo naman nasabi?" tila interesadong tanong ko pero ang totoo, tungkol talaga sa akin ang topic namin.
"Zephyr, alam mo ang ganda mo sana kaso minsan tanga ka-- aray! Napaka sadista mo!" reklamo niya nang hampasin ko ang kanyang braso.
"Umayos ka kasi!"
"Sadista!" nakangusong reklamo pa niya habang hinihimas ang nasaktang braso ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ang ibig sabihin dun sa tinutukoy mo ay landian nga kasi di ba, sinong tanga ang hahalik o magpapahalik sa taong kakakilala mo lang?"
Ako.
Syempre, hindi ko yan sinagot.
Baka maglabas siya bigla ng nail cutter at balatan ako ng buhay, virgin pa ako.
"Malay ko? Naikwento lang sa akin ng kapitbahay ko," palusot ko.
Isang malalim na buntong-hininga ang binitawan ni Jenny at sumeryoso bigla ang kanyang mukha.
"Sa mundong ginagalawan natin, masyado nang liberated ang tao at iilan na lang ang matino. Kapag ganung mga tao ang naka-engkwentro mo, malay mo love at first sight, a vicious intent o kaya libog lang talaga-- araaay!"
Biglang nabuwal si Jenny mula sa kanyang kinauupuan nang tadyakan ko 'yon kaya humagalpak ako ng tawa kasi tumalsik talaga siya palayo sa akin at pinagtitinginan kami ng ibang modelo at photographer ngunit wala naman silang pakialam sa kalokohan namin ni Jenny.
"Sige, tawa pa. Sinasabi ko sa'yo, huli mo na 'yan!" naiiyak na wika niya.
Imbes na tulungan, lalo ko lang siyang tinawanan at kusa siyang bumalik sa tabi ko at inayos ang upuan niya.
"Maniniwala na talaga ako na expert ka," tatawa-tawang wika ko.
"Gaga! Friendship over na tayo, masyado kang mapanakit!"
"Ang arte mo!"
Inirapan lang ako ni Jenny at napapailing na lang ako dahil kasalanan niya naman. Ang tino-tino na ng sinabi niya tapos biglang dinugtungan ng kalaswaan sa dulo?
Marami talaga akong natututunan sa kanya.
A true friend indeed.
Nang sumapit ang gabi, pagod akong umuwi sa bahay at nadatnan ko si Cataleen na abala sa pag-aaral.
"Kumain ka na?" tanong ko habang tinatanggal ang sapatos sa b****a ng aming munting bahay.
"Hindi pa po. Kadarating ko lang po."
Pumasok na ako at ibinaba sa upuan na gawa sa kahoy ang bag na dala ko at saka ako umupo at inilapag sa maliit na mesa ang plastik na dala ko.
"Sakto may dala akong ulam at kanin galing sa shop ni Miss Shanaiah. Tara na, kumain na tayo."
Binitawan ni Cataleen ang ballpen na hawak niya at saka siya tumayo mula sa kanyang kinauupuan at saka kumuha ng plato at kutsara at saka siya lumapit sa akin at pinagsaluhan namin ang pagkain na dala ko.
Tahimik lang talaga itong kapatid ko pero maaasahan naman sa lahat ng bagay lalo na sa gawaing bahay kapag wala ako o pagod mula sa trabaho.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" basag ko nang matapos kaming kumain.
"Okay naman po, matataas ang grade ko," aniya. "Uhm, magkakaroon po ng okasyon sa school at kailangan naming mag-ambagan."
"Magkano ba?" tanong ko. Syempre, kargo ko siya at kailangan ko siyang mapagtapos ng pag-aaral kahit hindi na ako basta alam kong may future ang kapatid ko.
"Five hundred po."
Sus, akala ko naman isang milyon ang babayaran. Buti na lang may bayad ako kanina kaya kinuha ko ang wallet ko sa bag at binigyan ko siya ng isang libong piso.
"Ate, limang daan lang."
"Aangal ka pa, allowance mo na yan hanggang sa susunod na buwan. Matutulog na ako. Ligpitin mo 'yan," tukoy ko sa pinagkainan naming dalawa at saka ako tumayo mula sa aking kinauupuan at bitbit ang bag ko, dumiretso ako sa aking kwarto.
Pagpasok ko, biglang nag-ring ang aking cellphone at agad ko 'yong sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang tumawag.
"Aethera, isang bagong misyon ang kailangan mong gampanan," ani ng taong nasa likod ng tawag.
"Send me the name of the person, time, and location."
"I already did. You only have two hours to do it and if you fail, you know what will happened."
Agad na naputol ang tawag at naipikit ko na lamang ang aking mga mata.
"Zephyr Aethera, ang babaeng walang pahinga," bulong ko sa aking sarili at saka ko iminulat muli ang aking mga mata at agad na lumapit sa cabinet ko at nagbihis ng itim na suit at walang habas na lumabas ako mula sa bintana ng aking kwarto.
Here comes the assassins life of Zephyr Aethera Fortalejo.