Chapter 38: Vault of Memories

1370 Words

ZEPHYR'S P.O.V: KINABUKASAN, paglabas ko ng kwarto ni Thrain, nadatnan ko si Sato sa sala kasama ang isang babae na niligtas namin kagabi at nakayuko lamang ito habang nakaupo sa mahabang couch at parang isang kuting na naliligaw. Samantalang si Sato ay nakaupo sa single couch at abala sa kanyang laptop at nang silipin ko yun, halos mahilo ako sa mga numero at alpabetong lumilipad sa kanyang screen. "Hi, good morning." Bati ko nang makalapit ako sa kanilang dalawa at naibaling nila ang atensyon sa akin. Umupo ako sa arm rest kung saan nakaupo si Sato at itinikod ko ang isa kong paa sa sahig habang magkasalikop ang kamay ko at nakatingin kay Sato. "Bakit siya nandito?" tanong ko at saka ibinalik ang tingin ko sa babae na ngayon ay muling nakayuko sa kanyang mga kamay na tila hiyang-hiy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD