Sofia “Ka-kahit po ba m-may totoo na a-akong pamilya at ama, C-can I stay with you, Daddy?” pautal-utal na saad ko sa kaniya dahil hanggang ngayon hindi pa rin maampat ang aking pagluha. “Hush…my Princess. You don't need to ask me that, Dhana Sofia, because you are our daughter, so you will live here as long as you want,” malambing na wika ni Daddy Vladimir habang yakap akong nakasubsob ako sa dibdib niya. “Takot po kasi ako Dad. Natakot po ako ng marinig ko ang pag-uusap n’yo ni Mommy. A-ayaw ko sa ibang kamaganak, gusto ko lang sa inyo. Gusto ko lang dito kasama ang mga kapatid ko.” Marahas na suminghap si Daddy, then he kissed my hair firmly. Tila bang ipinadama n'yang nasa tabi lamang sila nila Mommy, hindi nila ako bibitiwan hangga't kailangan ko sila. “Ang Dhana Sofia namin ay i

