Sofia Nakarma yata ako sa pagkukunwaring may sakit dahil kinabukasan nilalagnat ako at may sipon pang kasama. Hindi pa alam nila Mommy maaga pa kasing umalis kasama ni Daddy. Kinuha kasi itong Ninang, sa kasal ng pinsan daw namin sa kabilang bayan, na maagang nag-asawa. Sumama rin si Daddy. Dinaanan pa kasi nila ang Lolo Cardo sa Kalubian kaya ala-sais yata ng sila ay umalis kanina. Tiyak iyon gabi ng makakauwi rito sa ancestral house ang magulang ko. Hindi ko na lang din sinabi kanina ng mag-text si Dad. Nangangamusta lang kung gising na raw kaming magkakapatid at kung merong problema, tumawag lang daw kami sa kanila. Uminom naman ako ng gamot kanina bandang alas-siyete bumalik lang akong matulog kasi hindi ko kayang bumangon. Nahihilo ako. Si Lola Tamara at Lolo Charles naman wala r

