P R E S E N T 5 years had passed, January 4. It's 2:35 PM, nakangiti akong naglalakad sa corridor habang binabati pabalik ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. After 5 years, heto ako't isa na akong guro sa dating eskwelahang pinakaaayawan ko noon. Isa akong Filipino teacher ng mga Grade 11 students rito sa Montero High. "Good afternoon, Letty!" nakangiting bati nitong lalaking guro, na kalalabas lang ng classroom kung saan ako dapat papasok. Ngumiti ako. "Magandang hapon, Hanz! Kumusta naman itong advisory class ko?" nakangiting tanong ko, tinutukoy ko ang mga estudyanteng nasa loob nitong classroom. Ngumisi ito at nagkibit-balikat. Isang Mathematics teacher si Hanz. "They found something interesting, Letty. I think may gusto silang malaman tungkol sa adviser nila? Haha sige, al

