“Don't worry, dadahan-dahanin ko lang naman, Sabrina. Liligawan pa rin kita kahit fiance na kita.” nakangiting dagdag pa niya. Para akong bobong hindi makagalaw dahil sa sinabi niyang iyon kanina. Hindi ako makapagsalita. Basta ang alam ko, sumama ako kay Hanz, sa paghatid kay Gio sa hospital. Nauuna rin si Gio sa paglalakad at hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang naglalakad kami patungo sa elevator nitong hospital. Nakakainis nga dahil may elevator pala rito pero bakit hindi ko agad nalaman noong naadmit ako rito noong nakaraan? Ito rin kasi 'yung hospital kung saan ako dinala noong naaksidente ako. Isa pa, nag-iingat pa rin ako dahil baka biglang may makasalubong na lang kaming pasyenteng duguan kaya nakayuko akong naglalakad. “Sabrina, ano ba talaga ang relasyon niyong dalawa?

