“Miss, ayos ka lang?” takang tanong nitong lalaki at napangiwi pa. “Hindi ito ang mental hospital, miss. Mali ata ang napagdalhan sa'yo.” dagdag pa nitong lalaki at hindi na ako nagtaka pa. Tama nga ang hula ko, mapagkakamalan ako nitong baliw dahil sa ginawa ko kanina. “Lelang mo mental hospital!” iritang sambit ko at nagmiddle finger pa. Mukhang nagulat naman ito sa inasta ko pero bigla rin itong natawa. “Damn! Iba ka, miss.” tumatawang sambit ulot nitong lalaking pasyente. “Saan punta mo?” tanong niya. “Sa Canteen. Nagugutom ako.” iritang sambit ko at tinalikuran na ito. Magsisimula na sana akong maglakad nang marinig ko ulit itong magsalita. “Saan ka pupunta, miss? Wala namang Canteen diyan!” Agad akong napahinto at hinarap ito. “Dito 'yung daan. Papunta rin ako doon, sumabay ka

