Agad napataas ang kilay ko. Anong ginagawa ng lalaking ito rito? “Ikaw pala, Frost! Pasok ka.” masayang sambit ni Leaf kaya naman agarang pumasok itong si Frost. “Sabrina, maiwan muna namin kayo rito, ha? May pupuntahan pa kami ni Kit. Si Frost na muna ang bahalang magbanta—” “WHAT?” gulat at iritang sambit ko. Ba't naman kailangan pa akong bantayan ng isang ito? Okay naman ako, braso ko lang ang hindi. Parang walang narinig ang kapatid ko dahil hinila niya si Kuya Kit papalabas. Seriously? Paano kung ma-r**e ako nitong lalaking ito? Gwapo nga ito pero ang ugali nito ang hindi katiwa-tiwala. “Sabrina, buti naman gising ka na? Kumusta ang pakiramdam mo?” nakangiting sambit ni Frost pero bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Tinaasan ko ulit ito ng kilay. “I'm good! My feeling is goo

