“Here.” saad ni Gio nang ilapit niya sa akin ang inorder niyang lugaw with egg. “How about you? Hindi ka ba nagugutom?” takang tanong ko dahil isang lugaw lang ang dumating na order namin at ibinigay niya pa sa akin. Parang isang lugaw lang talaga ang inorder niya at para lang talaga sa akin. Napakunot-noo naman ako ng may inginuso ito at nakita ko ang isang couple na nagsusubuan. Kaya ba isang order lang ang inorder niya dahil gusto niya ring magsubuan kami? Siraulo! “Ewan nga sa’yo, Gio! Oh, iyo na ito. Oorder na lang ako ng akin.” saad ko at akmang ibibigay na sa kaniya ang lugaw nang tumawa ito. “Joke lang! Ate, yung order ko nga.” tumatawang saad niya sa isa sa mga tindera. “Akala ko makakalusot.” dagdag pa niya, na ikinataas ng kilay ko. “Asa!” saad ko at nagsimula nang kumain.

