“Leaf, sinasabi ko na sa'yo... Pinaglalaruan ko lang si Gio. Trip ko lang si Gio!" Iritang sambit ko at pasalampak na umupo sa couch. Kaya pala ito galit kagabi dahil sinabi raw sa kaniya ni Frost, na pinahinto ko ito sa panliligaw sa akin at si Kuya Kit naman daw na sinabi rin sa kaniya, na nililigawan na ako ni Gio. Galit na galit si Leaf sa akin ngayon kaya kinailangan kong mag-almusal ng sermon. Nakakainis! Hindi nakakabusog. Ayoko ng sermon! “Trip lang si Gio? Mulang umalis ‘yung magkapatid kagabi ay rinig na rinig kong kausap mo si Gio sa cellphone mo. Buong magdamag mong kausap si Gio.” saad niya. "Letty, siguraduhin mo lang! Alam mo naman na atang may sakit si Gio kaya iiwan ka rin niyan sa hu—" "Sis, hindi ko gusto iyang pagiging negative mong mag-isip. Kapatid iyon ni Kuya K

