“Good evening, couple! This way please.” bungad ni Code nang buksan ni Gio ang pintuan rito sa rooftop. Nakangiti rin ito ng abot sa kaniyang tainga. Ano namang ginagawa ng siraulo na ‘yan rito sa taas? At bakit akala mo waiter ang isang ito kung umasta? “Oy, ano ‘to?” parang nawawalang bata kong tanong kay Gio nang masimula kaming sumunod kay Code. “A romantic surprise?” saad ni Gio, na hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko. A romantic surprise? Anong kagaguhan naman ito? Biglang napaawang ang labi ko nang makita ang isang table and chairs na para lang sa dalawang tao. Ang romantic nito tingnan dahil may pa-candle lights pa at may carbonara and red wines pa ang naka-served. Sandaling binitawan ni Gio ang kamay ko at nagtungo sa isang upuan. “Take a sit.” nakangiting saad niya nang

